Sabi.


Ika-25 ng Hunyo, 2015
Huwebes, 6:43 ng gabi


            Sabi ni Dr. Cruz, paborito nyang kasabihan (o bible verse) ang “This too shall pass.” Kung masaya ka ngayon, you have to savor it, alam mo naman it won’t last forever, kasi wala daw forever. Ganun din daw kung malungkot ka, i-savor mo lang din dahil lahat naman ay lilipas.

-o-O-o-

            “Bakit di n’yo pa natapus yan? Di n’yo ginawa sa bahay?”
Sabi ni Ralph, mas ok daw kasing gumawa ng grupo sa school. Kasi sa bahay daw maraming bata, saka nag-i-SPES s’ya after class.

-o-O-o-

            Sabi ni Ricky Lee, wala naman daw sanggol na ipinanganak na malinis na. Parang mga draft, laging madumi ang unang mga draft. Sumulat lang daw, saka na lang pumili.

-o-O-o-

            Ayan may draft na ako para sa buwan ng Hunyo. Smiley!



Mga Komento

  1. Sabi daw. May forever naman. yun nga lang, yon ay ang katangahan ng sangkatauhan. Hehehehe!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Parang libro lang ba ni Miriam Mr. Tripster :) Stupid is forever?

      Sana nga may forever sir OP hehehe :)

      Burahin
  2. "This too shall pass." Naging mantra ko yan sa loob ng dalawang taon. Hayst.

    TumugonBurahin
  3. sabi ng prof ko wala naman daw forever kasi nothing is constant in the world but changes. Sabi ko naman para saan naman ang kasabihan na life is what you make kung hindi mo gagawan ng paraan ang changes para umayon ang kapalaran sayo ☺

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento