Lumaktaw sa pangunahing content

Just another 'sirang plaka' kind of story.


Hindi ko alam kung bakit lagi kong nari-recall yung kagustuhan ko na maging isang 'terror' na teacher. Ang bait-bait ko kaya. Hindi bagay.

Siguro kasi yung ugali ng ilang mga mag-aaral ngayon ay higit pa sa isang terror, kaya naisip kong maging mas terrorista pa sa kanila lols. At saka nagbago na rin ang panahon.

Kwento nga ni Pope Franics, nung s'ya daw ay nasa grade four pa, may nasabi s'yang hindi maganda sa isang guro. Pinatawag ng guro ang kanyang magulang. Ang kasama nyang nagpunta ay ang kanyang ina at sinabihan sya ng kanyang ina na humingi ng paumanhin sa guro. At pag-uwi nila, alam nyo na ang nangyari... katakot-takot siguro na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Pero ngayon, dagdag ni Pope, kapag nagpatawag ng magulang ang isang guro, maaaring dalawa pa nga ang magpunta, ngunit ang pinagkaiba, hindi na sa bata ang sisi, kundi sa mismong guro na.

Nagpadala ako ng materials para sa activity ng mga bata. Simple lang – short bond paper, pencil at coloring materials para sa kanilang comic strip. Nung nasa klase na ako, may ilang hindi pa rin nakapagdala. At kung kailan kaunti na lang ang oras saka magpapaalam para bumili. Hindi ko pinalabas. At sa nangyari parang ako pa ang mali, ang sabi pa ng estudyante – “Hindi na ako gagawa! Ayaw naman ako palabasin.” Oh di ba, sa’n ka pa? Sarap paduguin ng nguso di ba hahaha.

Nakakapagtaka talaga. Bakit ganito na ang mga ugali nila?

Lagi ko ring naaalala yung sinasabi ng mga nakakausap kong magulang. Halimbawa, takutin daw ang kanilang anak, ako na daw ang magalit sa kanyang anak, ako na ang magpayo dahil di naman nakikinig sa kanila etc… etc… Naisip ko, magtakutan na lang kaya kami sa klasrum, mag-sermunan na lang kaya kami, at mag-payong-kaibigan portion na lang kaya ako, magbabago na kaya sila? Baka hindi rin.

Minsan, habang may pinapagawa ako sa klase, sinasaglit kong kausapin ang ilang mga pasaway sa klase, pero palasak na talagang papasok at lalabas lang sa kanilang tenga ang mga sinasabi ko. Oo lang, tatango na lang, yung mga dapat nilang gawin ‘bukas na lang’… magbabago na raw, kailan pa, patapus na ang school year di ba… kalokalike!

Ibang-iba na. Ang guro na ang nag-aadjust at nakikibagay sa mga gawi ng estudyante. Samantalang sila dapat ang mag-adjust ng mga pag-uugali dahil nga naturingang nasa paaralan sila. Kapag naghigpit ka, ikaw ang masama, ang guro ang walang konsiderasyon, ang guro ang hindi nakakaintindi, ang guro ang mali sa kabila ng lahat ng pagpapasensya mo at pag-unawa sa kanila.

Parang sirang plaka na ang mga ganitong eksena.


2015.11.06



Mga Komento

  1. Haha. Sobrang sirang plaka aka broken record moment nga ito sir. Ang hirap mag invest sa mga bata pero kelangan. In onr PTC, i told the parents," isumbong nyo na po ako kung g7sto nyo, pero kung ang anak nyo ay dito nyo ipapadisiplina at hindi sa bahay nyo, wag nyo na pong papasukin." Linya ko sa kids, "kung di mo alam kung bakit ka nasa school, wag kna pumasok." in fairness, very very konti ang absent sa class ko. Minsan isa lang, yung chronic absentee talaga.

    Tough love Cher Jep. Tough love.

    TumugonBurahin
  2. ibang-iba na talaga ang generation ng mga kabataan ngayon, malaking factor ang media, nadagdagan pa ng social media. dami nilang napupulot na kung ano-ano. mga "knowledge" na hindi dapat nila nalalaman, mga kaalaman na nakakasira sa pagkatao nila, attitude, moral values etc.

    Meron akong pinsan, Sped teacher sya (tama ba?) mas mataas at mahabang pasensya ang kailangan niya, especially sya ang mas nakakaintindi sa mga ganoong sitwasyon. Naranasan ko rin maging isang guro minsan sa buhay ko. Naging requirements yun nung college ako. nakakabanas lang din kasi 10years old na di parin marunong magbasa.

    pasensya pasensya. Yan ata talaga ang kailangan ng mga teachers sa panahon ngayon.
    saludo po ako sayo!!! :)

    TumugonBurahin
  3. 1. Teachers must RE-DEFINE the concept of "School is the Second Home" to "The School is not the Fucking Second Home So Stop Fucking Around Your In Your Own Homes And Make Sure to Send Your Kids to School With An Attitude of Fear and Trembling Towards The Teachers' Authority And Stop Rearing Them Like the Future Assholes of this Already Fucked Up Country" Concept. It is high time that teachers tell parents that you are all here to CONTINUE and ELABORATE the education they receive at home, and to enrich the knowledge of kids.

    Eh tangina naman. Ang mga classroom advisers ay hindi na kayang mag advise sa klase. Anong advise ang maibibigay ng teacher sa 50 estudyante? At paano ma follow up ng teachers ang mga bata? And they expect them to be the second parents. Bakit? Sino ba sa mga magulang na yan ang may 50 anak? Yung may 12 anak at 3 pusa hindi na alam ang gagawin, yung may 50 pa?

    2. The Department of Education must extend its scope, not only to educate kids and the youth, but also provide parenting courses para sa mga magulang. The reason why our kids are behaving so badly is because at home there is no parental control, only parental consent to everything- consenting kids to cuss, consenting kids to screw each other, consenting kids to be rude and undisciplined, etc.

    Why not speak up to those who are in authority? Why not tell parents about their duties? And if they don't like it, then they should take their kids to another school. You shouldn't get fired because you tried to do your job as a teacher and educator, and not a silent professional who sell tocinos in between lessons and breaktime.

    TumugonBurahin
  4. Keri lang maging terror na prof basta reasonable.
    Tip ko sa'yo sir Jep coming from a student: Kung gusto mo maging terror, kapag first day of school pa lang dapat first impression sayo ng mga students ay masungit na agad, or not necessarily masungit pero yung tipong di masyado palangiti o palabiro. Dapat wag agad silang maging comfortable sayo. Effective po yan promise!

    TumugonBurahin
  5. wala na yung mga kagaya kung bata na mabaet, masunurin at mapagmahal


    charot!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...