Mga Pahina

Huwebes, Nobyembre 5, 2015

Cobra, cinnamon and nuts.


Alam kong marami kang gagawin
kapag may uwi kang Cobra

...yung energy drink.

Iniisip mong Cobra na lang
Kaysa umasim ang tiyan mo sa kape.

Alam kong asar ka sa sekyu ng Mercury,
nakaka-intimidate kasi.

Pero, bili ka pa rin ng bili
ng sliced coffee cake

...wala kasi nun sa bakery.

Pinipili mo pa.
Pinipilit mong makuha.
Yung slice ng coffee cake na
maraming cinnamon and nuts!

Tulad ngayun,
kala mo natuwa ka.
Yung nabili mo kasing sliced coffee cake
may cinnamon and nuts nga

...namumuong tipak ng cinnamon and nuts!

Pero kinain mo pa rin.
Nag-adik ka pa rin sa kendi na bread,
O kaya ay bread na may kendi.
Na cinnamon
and nuts.

Pero bakit ang tawag ay 'coffee cake'?
Eh cinnamon and nuts nga.

Siguro,
da best kapartner ng kape.
Hindi ng cobra.

Baka.
Kape kasi.
Hindi cobra.


2015.11.02


6 (na) komento:

  1. Naalala ko tuloy yung friend ko na hate na hate ang amoy ng cinnamon. It smells like hininga daw. lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha :)
      Mas hate ko pa dyan ang sinigang sa bayabas :)

      Burahin
  2. ayoko ng amoy ng cinnamon. ayoko ng cinnabon. Haha.. Pero tolerable naman sya sa kape :P labo diba..

    Di ko gusto ang amoy ng Cobra, parang tatambling ang tyan ko kapag nakakaamoy ako nun.

    Masarap ang sansrival na slice cake na may nuts at wlang cinnamon.. haha.. ...

    Masarap ang kape. Masarap ang brewed coffee.. katamad lang gumawa mag-isa.. hahha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. basta may kape at kahit anung ka-partner na cake, tinapay o kakanin, keri na :)

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...