Lumaktaw sa pangunahing content

pampauMAY


Ika-24 ng Mayo, 2015
Linggo, 1:14 ng hapon

            Unang beses kong mag-Brigada Eskwela noong nakaraang linggo.
            First entry pa lang din para sa buwan ng Mayo.

            I’m so busy… procrastinating.
            I’m excited for this school year…
            … excited na ako for the next vacation. Lol.

            Nakakatuwa maglinis kasama ng mga co-teachers at ilang nag-volunteer na mga magulang at estudyante. Wala kasing ganito nung nasa private school pa ako. Kaya siguro naman pwede na rin ito para makaisa man lang na post sa buwan ng Mayo.

            Yey! Buhay pa blog ko.

            Ito pampauMAY:



The usual haggard look.

Umi-effort sa picture. Lol.

#BrigadaEskwela2015


Mga Komento

  1. Photogenic na, masipag pa, wala ka nang hahanapin pa, lol! Have a great start of the school year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nadaan sa liwanag hehehe
      salamat sir jo! ikaw naman ang magbabakasyon :)

      Burahin
  2. Hi, Jep! Di naman looking haggardo versoza ka niyan, looking fresh nga eh. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow minsan lang po ako masabihan na fresh hahaha
      salamat po kahit sa picture lang :)

      Burahin
  3. Hello sir Jep ^^
    Haha, di ka naman mukhang haggard ah. Kung ganyan ang definition mo ng haggard, paano na lang kaya ang itsura ko LOLs!

    yeah, lapit na ulit pasukan. sasakit na naman ang ulo ng mga guro ng tulad mo XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sad but true :) sana less headache for this school year :)

      Burahin
  4. Halos lahat ng school ay nagbrigada. Nung nasa Siquijor ako ay nagparada ang mga chool teacher para suportahan ang program na yan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Korek :) pero nung parada di ako nakasama... na-late ako ng dating hahaha.

      Burahin
  5. Your blog title is really catchy! Hindi ko po maintindihan sir!

    My mom is also a school teacher for grade schools in public and i totally understand the feels sir. :) Masaya mag brigada (as i helped her before), it gives you the sense of ownership, responsibility and nationalism. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat sa pagdaan :)
      Ang 'Korta Bista' po ay near-sighted, ang 'Tibobos' ay old tagalog term para sa tao o person (kung tama yung pagkaalala ko, kasi narinig ko lang sa tv hahaha), kaya ang 'korta bistang tibobos' ay ako, isang near-sighted person! lol

      Nakakatuwa naman na isang guro ang iyong nanay :)

      Burahin
  6. Parang maganda ang classroom mo ha! Visit ako sir minsan!!!! :) :) :)

    Namimiss ko na tuloy ang public school. lol. But not everything about it.. hihihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa kasawiang palad, hindi yan isa sa mga klasrum cher Kat...
      ...ang aming klasrum ay sobrang init kasi nasira na ang mga electric fan :(
      Need ko ng sponsors, donations, solicitations etc hehehe.

      Na-curious naman ako... bakit kaya "...not everything about it." hmmm.
      Alam ko ba ito? Na-xp ko na ba ito? :)

      Burahin
  7. Magandang simula ng school year yan! hahhhaaa

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...