Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Ano naman kaya ang maiisip mo kung sila ang kasabay mong kumain?... Ang sa akin ay ito -

Ika-31 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 12:53 ng tanghali             Kanina ay kasabay kong kumain ng tanghalian ang mga pamangkin ko.             Apat sila. Kaming lima lang ang sumasakop sa lamesa.             Nagluluto pa ang mga mas nakatatanda. Ako at sila, ay taga-kain lang. Lol.             Ang hirap pa lang kumain na ang kasabay ay puro bata.             Ang gulo! Hehehe.             Kakain na lang kung anu-ano pa ang ginagawa.             Naisip ko tuloy, kung magkakaanak man ako…             …ay hindi muna ngayon.  ...

Syempre, dapat meron ding part 2.

Ika-25 ng Disyembre, 2014 Huwebes, 1:50 ng madaling araw             Achievement ngayong taon nila papa at mama na makatapos ng simbang gabi. Samantalang ako, never ko pa talaga nagawa yun. Hindi ko matandaan kung anong araw o petsa, pero isang umaga ay may ipinakitang papel sa akin si mudra , sabi niya –             “Uy! Tignan mo…,” binubuklat niya ang nakatuping bond paper , ipinapakita sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.             “…nililista ko yung mga misa,” yung mararamdaman mo na ‘feeling proud’ si mudra hahaha .             “Nye!” yan lang ang nasabi ko.             “Wala lang!” dugtong niya, sabay tawa na lang kaming dalawa hahaha . Feeling ko kasi nagmamabait na nam...

"...kinalalawitan ng mga bumbilya."

Ika-17 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 7:53 ng gabi             “Bakit mo kinukunan, eh wala namang dahon yan?” , pag-uusisa ni mudra .             “Kaya ko nga kinukunan eh kasi walang dahon…” , ang naging sagot ko.             “Mas maganda yan ‘pag medyo pagabi na, ‘pag nakasindi na yung mga ilaw,” ang kanyang naging suggestion .             Mukhang bright idea naman ang nabanggit ni mudra , pero di ko siya susundin hahaha . At isa pa, di naman kami magpapaabot ng dilim.              “Ang galing noh, pa’no kaya nila nakabit sa puno yung mga ilaw, saan naka-konekta?” , tanong ni mudra .             “Secret!” , pang-asar ko lang he...

Mabuti pa ang masking tape may thoughts to ponder.

Ika-13 ng Disyembre, 2014 Sabado, 9:53 ng gabi             Lagi akong dumaraan sa mga bookstore pagkatapos ng klase. Ewan ko ba… stress reliever ko na ata ito. Wala lang… gusto ko lang makakita ng maraming libro (kahit di naman talaga ako palabasa) . Siguro, noong past life ko ay isa akong librarian! Lol.             Masaya kayang maghagilap kahit di mo naman alam kung anong libro ang iyong hinahanap. Idagdag mo pa yung kakaibang aroma ng mga libro hahaha . Nakakaadik na ewan.             Kanina, habang naggagalugad, nakita ko ang mga librong ito –             …ang isang libro ay may nakadikit na kapirasong masking tape . Luma na. May nakasulat. Ang nakalagay ay –             … ”...

Parang mas ok pa kung wala na lang itong pamagat. Pero lalagyan ko na lang ng kahit na ano. Kasi... sayang.

Ika-10 ng Disyembre, 2014 Miyerkules, 3:57 ng hapon 1. I am longing for someone or something, but I do not know who or what is that I’m longing for. (Nasabi ko na ata sa sarili ko ito dati. May pagka-psychotic na ba ako? lol.) 2. Parang nakakagawian ko na ang magregalo ng libro. Sa totoo lang, yung mga nireregalo kong libro ay gusto ko rin basahin, kaya may ‘hinayang effect’ o ‘separation anxiety’ kapag naibigay ko na hahaha . Pero, kapag naiisip ko naman na nasa mabuting kamay ang librong ibinigay ko, ‘at peace’ na rin naman ako. It’s like giving or sharing a piece of me to that person (ganun) . Minsan, hindi ko masyadong iniisip kung gusto rin ba ng pagbibigyan ko yung librong ibibigay ko sa kanya. Basta interesado ako sa book na nakita ko at sa tingin ko (in some ways) ay ‘swak’ naman sa kanya, yun na ang ibinibigay ko… or I don’t mind na lang hahaha . Bilang ideya ni Denise na mag- exchange gift (halagang 100 pesos lang naman) kaming lima nila Eldie...

“Cold, cold water bring me around…"

Ika-6 ng Disyembre, 2014 Sabado, 9:03 ng gabi             Tirik na tirik ang sikat ng araw kanina –             …parang nagpapahiwatig talaga. Sabi nila, ganun din daw ang panahon bago humagupit si Yolanda . Animo’y payapa… hindi naman pala.             Sana lang ay hindi na lumakas pa itong si Ruby . Sana “less hagupit” .             Ikaapat na sabado. Sa huling klase, late ako ng tatlong minuto. Oks lang naman. Halos kararating lang din ng prof . Agad kong napansin ang mga nakasulat sa pisara. Akala ko lecture na, buti na lang hindi. Mga naiwang sulat ng huling gumamit at nag-iwan ng kung anu-ano sa board. Mga kakatuwang kowtabol kowts . Mabuti na lang hindi nabura ni sir lahat habang nagpapaliwanag siya kanina. Naka- survive ang dala...

"sa ngalan ng ‘partial requirement’..."

Ika-29 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 8:23 ng gabi             Isa sa pangarap kong gawin / trabaho ay ang maging isang researcher . Kahit nakadudugo sa pag-iisip ang research , hindi ko alam kung bakit trip ko pa rin ito. Parang ang saya lang kasi na marunong ka mag- research . Marami kang malalaman. Marami kang matututunan. Kaya nga, hinahangaan ko ang mga mahuhusay na researcher sa kanilang napiling field ; pati na rin yung mga nagtuturo ng paggawa ng isang matino at magaling na research . Sa tingin ko, bukod sa nakayayaman ito ng isip, nakapagpapalago rin ito ng pagtingin mo sa buhay at sa mundo (wow? lol) .             Kaya sa mga mahuhusay sa research … turuan niyo naman ako! Hehehe . Mukhang malabo na ring mangyari yung pinapangarap ko na maging part ng isang research team na napapadpad kung saan-saang lugar para sa isinasagawa nilang pag-aaral… hay naku...

"Anong pinagkaiba?"

Ika-26 ng Nobyembre, 2014 Miyerkules, 3:05 ng hapon             Di ko ma- gets .             Minsan magtataka ka kung paano umabot ang ilang mga bata sa high school .             Hindi naiintindihan ang binabasa.             Madalang magbasa.             Hirap umunawa.             Hirap magkalkula.             Walang modo. Tamad.             Mass promotion?...             Ewan.             Sabi kasi, sa iyo magri- r...

"...daan patungong langit."

Ika-22 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 7:43 ng gabi             Unang semestre. Ikalawang sabado.             Habang papunta sa eskwela, naisipan kong kunan ang daan na ito –             …masaya maglakad dito kapag umaga. Kala mo holiday . Halos walang mga tao at sasakyan. Natuwa lang akong kunan ang kalyeng ito, kasi napakaliwanag sa dulo. Papasikat na kasi ang araw. Di tulad nung nakaraang sabado na makulimlim at medyo maulan ang panahon. Kaya kanina feeling ko, ito na ang daan patungong langit. Lol .             Pangalawang pagdu-dokumento sa haggard kong pagkatao. Sa parehong salamin at banyo –             …medyo scary mag- cr dito. Laging nakasara ang ilaw, parang kwarto ko na ito...

"Magsasabit ako ng medyas sa krismas."

Ika-19 ng Nobyembre, 2014 Miyerkules, 7:23 ng gabi             Dahil sa nagtanong pa ako kung ano yung pinapa- try ni Ma’am A kay Sir O … yan tuloy nabasbasan ako ng magic word na “Try mo rin Sir!” … sabay kuha sa kanyang mahiwagang bag ng –             Akala ko kasi pampatanggal haggardness yung pinag-uusapan nila, yun pala masculine wash . Lol . Ma- try nga bukas para feeling fresh lang hahaha . x-o-x-o-x             Leche flan…             Nung isang araw, pumalakda sa klasrum ang aking cellphone … yun na nga lang yung ang kauna-unahang tatskrin kong phone tapus nawaley pa. Boom na boom ang paglagapak… ang resulta, natigbak! Wala pang dalawang taon ang itinagal. Mabuti pa si Nokia 3500c , apat na taon kong nagamit. ...

"sopas na punong-puno ng magic..."

Ika-15 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 7:06 ng gabi             Para sa semestre na ito, sa kolehiyong ito ko inilagak ang haggard kong pagkatao –             Bukod sa promotion at salary increase na dahilan kung bakit kailangan pang mag-aral ang isang tulad ko sa graduate school … ang personal ko talagang rason ay ang mga sumusunod;             - ma- experience ang ma- haggard sa byahe;             - makakita at makasalamuha ang iba pang mga specimen ng tao;             - makipag- super friends sa mga ‘random pipol’ ;             - maramdaman muli ang pagiging estudyante at ang pagkatuto;       ...

"...seryoso ka ba sa tanong mo?”

Ika-11 ng Nobyembre, 2014 Martes, 7:41 ng gabi Di man tayo magkakilala, Pero… Parehas naman tayong naka- DepEd uniform (kahit di tayo galing sa iisang eskwelahan) … Pareho ding naghahanap / nagkakalkal ng mga clearbook sa iisang istante… Sa likod natin (sa kabilang istante) , meron namang taga- NBS na nag-aayos / naglalagak ng mga folder … Nakasukbit naman ang backpack ko… Haggard look pa rin naman ako… Ang hindi ko lang ma- gets … Sa akin ka pa rin nagtanong ng – “Ay, meron pa kayang ibang kulay nito?” (habang hawak mo ang clearbook) Natulala ako… Gusto ko sana sabihin na – “Hindi nga? Mukha ba akong taga-NBS? May bag ako sa likod oh, mamimili rin ako tulad mo… Naka-uniform din tulad sa’yo. Ano, seryoso ka ba sa tanong mo?” Pero, Wala na lang akong binanggit. Mas nanaig ang pagka- shock ko sa tanong mo. Lol.

"...magpapak ka na lang ng BreadStix at Eggnog."

Ika-04 ng Nobyembre, 2014 Martes, 5:12 ng hapon             Himala!             Wala akong inabutang sermon kay mudra sa kanyang pagbabalik sa bahay. Dati, lahat ng hindi namin naligpit o nalinisan ay ina- identify niya isa-isa. Ngayon wala… as in zero . Di naman kami naglinis ng bahay at di rin naman nagligpit ng mga gamit… ‘for the first time in forever’ wala kaming narinig na sermon mula sa kanya.             Pagdating ko kaninang hapon masyado siyang abala kakahanap ng mga cd’s na pang- videoke , alam na  daw niya kung paano ikokonek ang tv sa aming dvd player . Nagpaturo daw siya sa isang mall nung siya ay nasa probinsya. Mula kasi nung napalitan ang tv , hindi na nila malaman kung anu-ano ang mga ikakabit. Hindi na rin naman ako nag- effort na makialam pa kasi sila lang naman ang gumagamit ...

"...isipin mo na lang na ‘tomorrow is another day’ bilang pampalubag loob sa iyong nakaraan."

Ika-01 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 6:41 ng gabi             Napakahaba ng dumaang linggo… damang-dama ko ang pagka-haggard ko.             Minsan pakiramdam ko ay dalawa ang katumbas ng isang araw. Naaalimpungatan ako kapag nakakatulog sa hapon. Nung huwebes, nagising ako ng 6:41 (oras sa aking cellphone) , muntik na akong lumipad patungong eskwelahan kasi akala ko late na ako… yun pala 6:41 PM… akala ko kinabukasan na ako nagising (eh 6:00 AM ang pasok ko) . Sumakit lang ang aking ulo.             Hindi ko alam kung masaya o malungkot na eksena ba ang sumakay ng LRT. Nakakatawa kasi na makita mo kung paanong nayuyupi ang mukha ng isang mananakay kapag ipinilit pa niyang makasakay sa tren na punong-puno na ng mga pasahero. Yung tipong pagsara ng pintuan ay dikit na dikit na ang kanyang face sa salamin. Nak...

TICTAC

Ika-23 ng Oktubre, 2014 Huwebes, 4:34 ng hapon             Malamig sa faculty kaninang umaga (pasado alas diyes ang oras) habang nagri- record ako. Mahina lang naman ang aircon sa faculty pero nakadagdag sa lamig ang medyo maulan na panahon.             Ang lamig.             Pati mga tao sa paligid ko, ang pakiramdam ko sa kanila ay malamig.             May ilan na maaari kong lapitan para kausapin o makipag- chikahan pero mas pinili kong maging busy sa aking ginagawa dahil naisip ko ‘pag umuwi na ako wala na akong magagawa ulit. Tamad.             Medyo mahirap mag- focus kanina. Kayang kong i- record ang mga hawak kong papel, pero tumatagos ang tingin ko sa mga ito. Parang na- m...

"Bakit ang tahimik mo?"

Ika-22 ng Oktubre, 2014 Miyerkules, 5:19 ng hapon             “Bakit ang tahimik mo?”             Madalas itong itanong sa akin nung bata pa ako. Na pakiramdam ko ‘abnormal’ ba ako para tanungin ng ganitong tanong… kasi sa loob ko gusto kong sabihin na – “Bakit ikaw di naman kita tinatanong kung bakit ang ingay mo?” Lols.             Naalala ko lang yung klasmeyt kong transferee noong 2 nd year high school – si Rachel . Katabi ko siya sa upuan. Mas tahimik pa siya sa akin. Sa mga ganung pagkakataon, mas kaya kong maging maingay o makipag-usap sa mas tahimik pa sa akin. Alam ko kasi (o baka assuming lang ako hahaha) kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip o kung anong uri ng tao ang nasa loob ng ganung personality . In other words , nakaka- ‘relate much’ ako. Kaya mas madali kong ma- approach yung mga...