Lumaktaw sa pangunahing content

Parang mas ok pa kung wala na lang itong pamagat. Pero lalagyan ko na lang ng kahit na ano. Kasi... sayang.


Ika-10 ng Disyembre, 2014
Miyerkules, 3:57 ng hapon


1. I am longing for someone or something, but I do not know who or what is that I’m longing for. (Nasabi ko na ata sa sarili ko ito dati. May pagka-psychotic na ba ako? lol.)

2. Parang nakakagawian ko na ang magregalo ng libro. Sa totoo lang, yung mga nireregalo kong libro ay gusto ko rin basahin, kaya may ‘hinayang effect’ o ‘separation anxiety’ kapag naibigay ko na hahaha.

Pero, kapag naiisip ko naman na nasa mabuting kamay ang librong ibinigay ko, ‘at peace’ na rin naman ako. It’s like giving or sharing a piece of me to that person (ganun). Minsan, hindi ko masyadong iniisip kung gusto rin ba ng pagbibigyan ko yung librong ibibigay ko sa kanya. Basta interesado ako sa book na nakita ko at sa tingin ko (in some ways) ay ‘swak’ naman sa kanya, yun na ang ibinibigay ko… or I don’t mind na lang hahaha.

Bilang ideya ni Denise na mag-exchange gift (halagang 100 pesos lang naman) kaming lima nila Eldie, Dranreb at Neri sa darating na sabado kaya nababanggit ko ang mga bagay na ito. Ang nabunot ko ay ang mabait na si Neri… kaya dapat mabait na libro rin ang ibigay ko sa kanya.

Higit isang oras din ang naigugol ko sa kahahanap ng libro na kapag nakita ko ay masasabi kong ‘yun na talaga! Muntik na akong umuwing ‘bokya’, halos masalat na ng kamay ko ang lahat ng libro sa tindahang iyon, hanggang sa makita ko ang isang ito –


…unang kita ko pa lang, kinuha ko na agad ang libro na parang may kaagaw pa ako hahaha. Ito ay hango sa totoong buhay. Ang istorya ng batang si Alex Malarkey (ang kanyang near-death experience dahil sa isang aksidente). Sinearch ko sa youtube at google, mukhang nakakaantig at nakaka-inspire ito. Sa katunayan, kanina habang nasa cashier pa ako, tinanong ko kung meron pa silang isang kopya (desperado? hahaha)… at nung sinabi ng babae na nasa cahsier na “wala”… buntong hininga na lang ako.

Kaya, kung nababasa man ni Neri ang blog ko (na mukhang hindi naman mangyayari), alam mo na ang mapapasaiyo! Ipapakwento ko na lang ito sa kanya lol.


Mga Komento

  1. I have that exact feeling when I have to let go, and ship my handmade items to customers.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. handmade items :)
      ito yung mga bagay na dapat iniingatan :)
      parang may istorya kasi sa bawat bagay na mabubuo mo.

      Burahin
  2. gusto ko ding maregaluhan ng libro. Mahilig kase akong magbasa, lalo na yung may kinalaman sa karunungan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. anong tipo ng karunungan?
      kung alam ko lang ang hilig mong libro, eh di sana naibili rin kita hehehe :)

      Burahin
  3. Nakakamiss din ang exchange gift, lalo na yung regalo na pinaghirapan ng nakabunot sayo... magandang gift ang book, puwede niyang ishare yung ganda ng quality ng gift mo sa kwento..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama ka d'yan Sir Rolf! Minsan wala na sa brand or presyo eh, nandun talaga ang halaga sa mismong regalo :)

      Burahin
  4. Wow! I heard a lot about that book. I want to read it myself:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako rin po :) Kaso ipapakwento ko na lang po kay Neri :)

      Burahin
  5. 1. Maybe you need sex. Or a blowjob. Or a handjob. I can give that for a very cheap and negotiable price. Nyahaha!

    2. Para sa monito-monita ang hinihingi ko lagi libro. But people keep on giving me clothes. It's either they think i love fashion or they think i don't have enough clothes. Siguro yung huli kasi i always wear the same clothes, kung hindi yung uniform ko sa trabaho.

    And as for that book, bakit hindi mo basahin muna tapos saka mo iregalo... di ba?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. Na-shock naman ako hahaha. Yun ba talaga ang need ko, wala bang freebies?! Lol.

      2. Naalala ko tuloy yung ate ko na madalas ang gift ay damit na hindi ko naman nasusuot hehehe.

      Baka ma-guilty ako kapag binasa ko ang book bago ibigay, parang feeling ko ginamit ko na tapus pinamigay ko pa lol. Saka baka mahirapan akong ibigay kapag na-appreciate ko na :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...