Ano naman kaya ang maiisip mo kung sila ang kasabay mong kumain?... Ang sa akin ay ito -


Ika-31 ng Disyembre, 2014
Miyerkules, 12:53 ng tanghali


            Kanina ay kasabay kong kumain ng tanghalian ang mga pamangkin ko.
            Apat sila. Kaming lima lang ang sumasakop sa lamesa.
            Nagluluto pa ang mga mas nakatatanda. Ako at sila, ay taga-kain lang. Lol.
            Ang hirap pa lang kumain na ang kasabay ay puro bata.
            Ang gulo! Hehehe.
            Kakain na lang kung anu-ano pa ang ginagawa.
            Naisip ko tuloy, kung magkakaanak man ako…
            …ay hindi muna ngayon.
            Hahayaan ko munang lumaki ang mga pamangkin kong ito.
            Para ‘pag nagkaanak na ako…
            …siya lang ang makulit at magulo.
            Yun ay kung hindi na mag-aanak pa ang mga ate ko.

            Happy New Year!


Mga Komento

  1. Na-experience ko na ang halos ganyan pero yun ay sa younger brother ko when we were just kids. Ang gulo, kahit ano ang kalokohan. Lumingon lang ako ng sandali at pagtingin ko sa iniinom kong gatas ay meron nang holeng nakababad. Buti na lang di ako na-dedz. lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mabuti at di mo nilagok ang gatas, kundi nasama mo pang nainom ang holen :)
      Happy New Year sa iyo!

      Burahin
  2. Sanayan lang yan. Pero mas nakakabanas kung hindi mo mga kailala yung mga batang magugulo. Manigong Bagong Taon sa iyo at sa iyong pamilya!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Korek sir Jo :) Dahil mga pamangkin ko sila ay mapagbibigyan ko pa ang kakulitan, pero kung ibang bata ewan ko lang hehehe.

      Happy Newr Year sir Jo!

      Burahin
  3. Happy new year and be blessed. Children are God's gift too:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Happy New Year din po sa inyo! :)
      Nakakatuwa rin po ang may bata sa bahay, masaya yung ingay hehehe.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento