Ika-13 ng Disyembre, 2014
Sabado, 9:53 ng gabi
Lagi akong dumaraan sa mga bookstore pagkatapos ng klase. Ewan ko
ba… stress reliever ko na ata ito.
Wala lang… gusto ko lang makakita ng maraming libro (kahit di naman talaga ako palabasa). Siguro, noong past life ko ay isa akong librarian! Lol.
Masaya kayang maghagilap kahit di mo
naman alam kung anong libro ang iyong hinahanap. Idagdag mo pa yung kakaibang aroma ng mga libro hahaha. Nakakaadik na ewan.
Kanina, habang naggagalugad, nakita
ko ang mga librong ito –
…ang isang libro ay may nakadikit na
kapirasong masking tape. Luma na. May
nakasulat. Ang nakalagay ay –
…”Life
is a matter of choice.”
Ikalimang sabado. Huling sabadong
may pasok para sa taong ito.
Nagpalitan na pala kami ng mga
regalo. Hindi ko alam kung nagustuhan ba ni Neri
ang ibinigay kong libro hahaha.
Malalaman ko rin, baka next year. At
si Denise naman ang nakabunot sa akin.
Ang natanggap ko mula sa kanya ay –
…dahil napansin niya na lagi akong may
dala na bote ng tubig tuwing sabado. Lagi niya tuloy hinahanap kung may dala
akong tubig lol. Nagbalak din naman akong
bumili ng lalagyan para hindi na ako bili ng bili ng mineral water, pero dahil sa exchange
gift namin, ayan na! Wish granted!
Alam kong isa ito sa mga nakakaumay
at nakakakunot kilay na linya –
…2015,
be good to me! Hahaha.
At
least, medyo maaga-aga ko naman ginamit.
Actually, parang ganyan din ako, gustong gusto ko yung amoy ng libro kapag bago pa. Parang nasisinghot mo na rin yung kaalaman at diretso na sa utak. lol. Seriously, mahilig din ako magbasa ng mga libro. Kaya lang pag nasa library na nakakalula, di ko alam kung ano ang unang babasahin ko, parang lahat kasi interesting.
TumugonBurahinAko naman ay hindi madalas makatapos magbasa ng libro, palaktaw-laktaw kasi ako :)
BurahinLupit ng masking tape buti pa sya may positive motto ☺
TumugonBurahinKorek :) Mas malupit ang dating may-ari ng libro at naisipan niyang maglagay ng ganung klaseng emote lol :)
BurahinAwesome to find thoughts to ponder everywhere:)
TumugonBurahinNakakatuwa po talaga ang mga random thoughts sa paligid :)
BurahinPareho tau, mahilig din ako pumunta sa bookstore para mag relax. ang galing lang na may nakita kang eksena sa likod ng libro. Maligayang pasko sayo!
TumugonBurahinMaligayang pasko rin! :)
Burahin