Ika-6 ng Disyembre, 2014
Sabado, 9:03 ng gabi
Tirik na tirik ang sikat ng araw
kanina –
…parang nagpapahiwatig talaga. Sabi
nila, ganun din daw ang panahon bago humagupit si Yolanda. Animo’y payapa… hindi naman pala.
Sana lang ay hindi na lumakas pa
itong si Ruby. Sana “less hagupit”.
Ikaapat na sabado.
Sa
huling klase, late ako ng tatlong minuto.
Oks lang naman. Halos kararating lang
din ng prof. Agad kong napansin ang
mga nakasulat sa pisara. Akala ko lecture
na, buti na lang hindi. Mga naiwang sulat ng huling gumamit at nag-iwan ng kung
anu-ano sa board. Mga kakatuwang kowtabol
kowts. Mabuti na lang hindi nabura ni sir
lahat habang nagpapaliwanag siya kanina. Naka-survive ang dalawa. Nung nag-dismiss
na, tyempong kinunan ko ng larawan. Dakilang
dedma sa mga kaklase hahaha, kahit pa si klasmeyt ay napatingin at nagtataka kung bakit ko iyon pinipiktyuran –
“Cold, cold water bring me
around…
…It’s such a perfect day.”
LSS sa Coldplay’s “Strawberry Swing”.
Nakakatuwa yung mga kowtabol quotes. :D
TumugonBurahinHoping din na sana wag nang lumakas pa si Ruby. Brownout na dito sa province namin at bukas ng umaga mararamdaman ang hagupit nitong bagyo.
Kamusta naman ang pagdaan sa inyo ni Ruby?
BurahinDito sa amin, mabuti na lang at hindi naman masyadong malakas.
Hope you will be protected from this upcoming storm...
TumugonBurahinAnyway, quotes can sometimes makes us smile:)
Safe naman po kami :)
BurahinI hope everyone stays warm and dry during the storm. Hugs. :)
TumugonBurahinMabuti na nga lang at di masyadong nagmaganda si Ruby sa aming lugar :)
Burahininfairness sa logic ng great electricity bill. lol
TumugonBurahinyeah hehehe :)
Burahinparang applicable sa akin yung "I dont have bad hand writing, I just have my own font" lolz
TumugonBurahingawin na yang font style sa ms word lol :)
Burahin