Ika-17 ng Disyembre, 2014
Miyerkules, 7:53 ng gabi
“Bakit
mo kinukunan, eh wala namang dahon yan?”, pag-uusisa ni mudra.
“Kaya
ko nga kinukunan eh kasi walang dahon…”, ang naging sagot ko.
“Mas
maganda yan ‘pag medyo pagabi na, ‘pag nakasindi na yung mga ilaw,” ang
kanyang naging suggestion.
Mukhang bright idea naman ang nabanggit ni mudra, pero di ko siya susundin hahaha.
At isa pa, di naman kami magpapaabot ng dilim.
“Ang
galing noh, pa’no kaya nila nakabit sa puno yung mga ilaw, saan naka-konekta?”,
tanong ni mudra.
“Secret!”,
pang-asar ko lang hehehe.
At dinedma na namin ang punong lagas
ang mga dahon na kinalalawitan ng mga bumbilya. Ipinagputuloy namin ang
paglalakad patungo sa entrance ng mall para bumili ng pang-exchange gift!
Ahaha. dapat nilapitan nyo ni mudra mo yung puno.
TumugonBurahinMakikita nyo dun yung mga wires nung mga ilaw XD
Wala, dinedma na lang namin, kasi mainit sa labas :)
BurahinParang fall at winter, walang dahon ang leaves minus the cold temperature. Bakit nga ba walang dahon ang punong yan? Dying o dead na?
TumugonBurahinHindi ko rin po sigurado kung nalagas ba o sadyang tinanggalan ng mga dahon :)
BurahinWow, ganda ng puno. Tiyak na mas maganda talaga iyan pagsapit ng gabi.
TumugonBurahinMarahil nga :)
BurahinKatuwa naman kayo mag ina:) Bat kaya la dahon?
TumugonBurahinDi ko rin po matiyak, kasi yung ibang puno naman sa paligid ay meron.
Burahinbaka naman kakabitan din nila ng dahon sa gabi malay natin.. hehehe
TumugonBurahinPwede! Hahaha :)
BurahinBright idea ka rin sir Rolf ah :)
baka naman talaga hindi dahon ang tumutubo dyan kundi mga ilaw...
TumugonBurahinbaka nga hahaha :)
BurahinHAHAHA! Ang kulit naman, may nagtanong din sa akin nyan.
TumugonBurahinxx,
Merry Christmas!
Jewel
www.jewelclicks.com
salamat sa pagbisita jewel! :)
Burahinhappy christmas. :)
TumugonBurahinMaligayang Pasko rin sa iyo KC! :)
Burahin