Syempre, dapat meron ding part 2.


Ika-25 ng Disyembre, 2014
Huwebes, 1:50 ng madaling araw


            Achievement ngayong taon nila papa at mama na makatapos ng simbang gabi. Samantalang ako, never ko pa talaga nagawa yun. Hindi ko matandaan kung anong araw o petsa, pero isang umaga ay may ipinakitang papel sa akin si mudra, sabi niya –

            “Uy! Tignan mo…,” binubuklat niya ang nakatuping bond paper, ipinapakita sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.

            “…nililista ko yung mga misa,” yung mararamdaman mo na ‘feeling proud’ si mudra hahaha.

            “Nye!” yan lang ang nasabi ko.

            “Wala lang!” dugtong niya, sabay tawa na lang kaming dalawa hahaha. Feeling ko kasi nagmamabait na naman ang nanay ko lols. (Pero mabait naman talaga, at syempre nanay ko yun hehehe).

            Sa aking parte naman, achievement ko na ngayon lang ako naghanda ng regalo para sa mga pamangkin ko. Makalipas ang maraming taon hahaha.

            Nagising lang talaga ako kasi dumadagundong pa rin ang videoke ng matatag naming neighbor

            At para kunwari ay may part 2 na ang nakaraan taon kong ‘My Krismas Istori’.

            Maligayang Pasko!

            Ano naman ang ‘krismas istori’ mo?


Mga Komento

  1. Wow may sequel! Sana walang ending ang Krismas Istori ng lahat at sana lahat ng ito ay maging masaya lang.

    Maligayang Pasko ulit!

    TumugonBurahin
  2. Maligayang Pasko sa iyo. Christmas story ko, eto natulog ng maaga then gumising ng late, the end. Hindi rin ako naka midnight mass dahil malayo ang simbahan mula sa bahay ko, 22 kilometres away. Excuses, excuses, lol! Sige , mamigay ka na ng mga regalo. Paki tago na lang muna yung sa akin, kunin ko sa summer.

    TumugonBurahin
  3. hindi ako nakapag simbang gabi ngayong taon :(

    TumugonBurahin
  4. Di ako nakapagsimba last night kasi I got stucked sa grocery. Sadness. Pero this year, i was holding on to myself na wag maghanda ng marami kasi nga nagtitipid. But i cant help but splurge para sa mga kapamilya ko. Hahaah. Pauutangin naman nila ko later on eh. Hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Okay lang naman gumastos para sa family, para happy lols :)

      Burahin
  5. Walang simbang gabi dito sa amin, ngunit mayroon sa isang simbahan mga 30 minutes away sa amin.

    Di rin kami sumusunod sa tradition ng Pilipino o ng sa mga Amerikano. Gumagawa kami ni the mister ng amin. :)

    Merry Christmas, Jep!

    TumugonBurahin
  6. Merry Christmas din po! :)
    Mukhang exciting every year ang mga naiisip niyo ni the mister :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento