Mga Pahina

Huwebes, Hunyo 28, 2012

Tulang Pang-Cactus :)


Sabi nila,
kayhirap mong mahalin.
Tunay na masasaktan
kung susubukin.
Ngunit sa aking palagay,
kaya kitang mahalin ng tunay.
Kahit pa matinik,
sa iyo pa rin ang aking pag-ibig.

-cactus-

-jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Isang maulang araw! Hangsaya lang sa school kanina, party-party ang atmosphere :) Kaya ang mga estudyante ay rock en roll ang emote. Miting de avance kasi para sa SC election, so feeling mga pulitiko talaga ang mga kandidato, at syempre todo suporta ang mga friends ng mga tumatakbo :) At dahil sa program, walang klase kaninang umaga, so ligtas sa haggardness na pagtuturo lol :)

2. Pero nung mag-resume ang klase, heto na naman, mahaba at mapag-pasensyang paliwanagan... Yung totoo, aminin na natin to, bakit ba pumapasok ang mga students? Para matuto? Weh? Di nga? Nakakakulot ng buhok yung ibang mga mag-aaral :) Yung tipong nag-discuss kayo kahapon, pagdating ng kinabukasan kala mo galing sila sa bakasyon :) Hangsaya!!! :) Paulit-ulit na lang ba akong magpapaliwanag? Oh gulay, nasaan na ang inyong mga sustansya :)

Yung iba ata, ay attendance lang ang pini-perfect eh :) The rest of their scores ay parte na ng history :)

3. Try ko kayang maglayas muna sa bahay :) Guto ko talagang mabuhay muna mag-isa. Sana bukas may adventure :) Sige na destiny. give me a break lol :)

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

Buhangin, Bashers at Dugo Story


Kaydali kitang nakuha,
kaybilis mo ring nawala.
Bakit ba
di kita mahawakan
magpakailanman...

- jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Oha, buhangin naman ang peg ko ngayon :) May sapi lang. Dati akala ko boring gumawa ng tula, pero ngayon parang enjoy pala.

2. In fairness, parang nagigising na lang ako bigla tapus nasa school na ako. Para akong namamanhid sa byahe at nagugulat na lang  na nasa school na pala ako :) (bangag lang?)

3. Sa pagkain ko na lang dinadaan ang pagod. Sana tumaba na ako.

4. Noong nakaraang araw, masyado akong naapektuhan ng mga "bashers" ng buhay ko. Alam mo yung iniisip mo kung bakit nila yun nasabi at kung ano pa ba ang sasabihin nila sayo, gayong wala ka namang ginagawang mali sa kanila or kung meron man dapat sabihin nila sa akin ng harapan para patas ang laban. Nakaka-paranoid lang. And then, I've come to a point na na-realize ko na "tama na." Let those bashers do what they want, but they can never stop me from doing things that I want to do in life :) Tama naman di ba? Pakialaman man nila ako, di ko pa rin sila pakikialaman. Sabi ko nga eh, bahala sila, basta ako move on na :) Sayang naman ang buhay ko kung iisipin ko pa sila.

5. Kakahiya lang, natusok yung daliri ko sa kung anung nakausling whatever sa table sa classroom. Eh di akala ko di naman dumugo, hanggang sa lumapit yung isa kong student para magpaturo ng gagawin sa activity at napansin niyang may "ketchup" (dugo) na pala yung isa kong daliri, eh di ko naman namalayan, so mega react yung girl na stduent kanina. Kaya kinuha ko ang panyo ko para maalis yung dugo. Eh di maampat, at di pa tapus yung klase kaya di ko sila maiwan, so ang ending binalot ko ng masking tape! :) Solve haha. Haggardness ang moment na yun. Kadiri lang :) So volleyball player na may masking tape ang daliri ang peg ko kanina habang tinatapos ko ang pagtuturo sa aking last period. Ganyan talaga ang buhay.

Martes, Hunyo 26, 2012

Ang Alitaptap at Kwentong Martes


Pinilit kong
makapagbigay liwanag
kahit sa munti kong kakayahan.
Oo, inaamin ko
na di kita lubos na maiilawan
pero
nais kong malaman mo
na inialay ko
ang higit pa sa katumbas
ng aking buhay.
Matagal kitang hinanap.
Kaytagal kong sinuyod ang dilim.
Pilit kong pinanghawakan
ang pangako
na balang araw
ikaw at ako
ay magkakatagpo.
-jepbuendia




1. Hangtaray lang ng araw na ito. Dami kong negative energies. Yung tipong di na nga buo ang loob ko sa pagpasok ngayong araw, may sinasagap pa akong mga kung anu-anong negative vibes. Oh my!

2. Mabuti na lang at may bumisita sa faculty kanina. Super jolly ang personality. Trip ko rin maging ganun someday lol. Eh ako kasi dinadama kong mabuti ang lahat, masaya man o ma-emote na buhay, kaya ang ending- emo :)

3. Landi lang nung beki na nakasakay ko sa jeep kanina. Palibhasa eh may dalawang lasing na lalaki. So dun sya tumabi. Eh ako naman ay isang keen observer lang lol, kaya di nakaligtas sa aking mga mapanuring mata (weh?) ang pagpapakyut niya sa dalawang may amats na guy. Tawa much ako :) with beautiful eyes emote pa kasi siya (baby lang?)

4. Yung totoo, puno na ng papel na irerecord at dapat pang i-check ang locker ko. Eto na naman yung mga moment ng checking and recording. Sandamakmak na papel na nman ang dadaan sa aking mga kamay. Good luck to da max :)

5. Sana bukas ay magpa-practice ng todo for the holy spirit mass :) Para ligtas ang katawang lupa ko sa pinaka-haggard kong sked lol. I need to take multivitamins. Sponsor? Feel free to be hehe. 

Lunes, Hunyo 25, 2012

Manic Monday :)

Oo na. It's another manic monday :) Kapagod. Ang alam ko talaga, ito yung araw na pinakamaluwang kong sked, dahil 5 hours lang ang turo ko, di tulad ng ibang araw na pitong oras (kahaggard). Pero di ko malaman kung bakit parang mga unexpected visitors ang mga gawain, di matapos at di maubos (whew).


Anyway, ganyan talaga ang buhay, minsan busy, minsan tulala.


x-o-x-o-x

*kaunting drama*

Ayoko talagang maging overrated na tao. I mean, kahit kailan, I never depend myself on titles. Dahil naniniwala ako na yung mga titles na yun will not make me more of a person. Ang gusto ko lang puntuhin ay mas nauna akong maging ako bago pa ako bigyan ng mga titulo.

p.s. tumawag ang klasmeyt kong si maca, at dahil matagal na kaming di nagkikita, todo kwento kaming dalawa at iniwan kong tulala ang post kong ito- ang ending nakalimutan ko na tuloy yung ikukwento ko :( Next time na lang lol :)

Linggo, Hunyo 24, 2012

O K A K O

OK na ako ngayon. Medyo humupa na ang drama at emote sa buhay. Haggardness ang period na yun lol. Unti unti na rin akong nagiging masaya.


1. Wala pa rin si mudra. Pero ok lang. At least natututunan ko na ang gumawa ng mga gawain sa bahay tulad dati. Ako na ang naglalaba ng uniform ko, handwash lang yan, syempre with downy sa huling banlaw :) Nag-iimprove na rin ang pamamalantsa ko, di na masyadong gusot ang uniform ko :) (achievement?)


2. Ang di ko lang makeri ng lubos ay ang paglilinis ng bahay. Syempre marami rin akong ginagawa (weh?). Kaya hanggang walis-walis muna ako. Kailangan kong maging medyo masipag kaysa dati, dahil kung hindi magiging mabuhanging alikabok na ang aming bahay.


3. Mas madalas na rin akong kumain bago umuwi ng bahay. Dahil wala naman talaga ang magluluto sa amin. Di katulad dati nung nasa bahay pa si mudra, pag-uwi ay luto na rin ang ulam. Ngayon ay "food trip" ang drama namin, kanya kanya munang recipe :) Prito prito lang ang aking trip dahil yun lang ang kaya ko hehe, super bili naman sa labas ang kapatid ko ng kanyang makakain, at super luto naman ang aking pudra with his special ingredient- "maraming paminta." Yung totoo, kahit anong luto niya, asahan mo na ang maraming paminta.


4. Masarap talagang tumawa kasama ang mga kaibigan. Nitong nakaraang linggo, super tawa  talaga ako with my friends and co-teachers. Sinasamantala ko na ang may kausap habang nasa school or nasa labas, dahil pag-uwi, wala na naman akong kakausapin :) (busy pipol lang?)


5. Nakapag-bike na ulit ako :) Naka-recover na ang binti ko sa biglaan kong pag-bike. Ako na ang excited tuwing nagba-bike kaya inaabot ako ng pulikat pag-uwi sa bahay :) Damang dama ko kasi, so ang ending dinama ko rin ang sakit. Pero ngayon ok na. Pulikat free :)


6. Di ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Gusto ko lang malaman. Sana balitaan niya ako. Kahit ano pa yun... OK lang talaga.

Martes, Hunyo 19, 2012

Bahala Ka Na

Ipaglalaban ko talaga ang karapatan ng bawat isa na mabuhay sa paraang gusto nila! Makibaka mode na naman :) Kaya iboto niyo ako sa darating na eleksyon lol.


Napakadamot ng mundo. Bakit di niya hinayaan na mabuhay ang isang tao sa paraang nais niya? Bakit? Bakit? (oa lang). Halimbawa, kung gusto ng isang tao na maging mabuti, hayaan natin syang maging mabuti. Kung gusto niyang maging masama, wag natin syang pilitin na maging mabuti, hayaan natin na siya mismo ang makakita na siya ay masama.


Minsan talaga gusto ko nang pumalag sa mga stereotype na ideya at kultura  ng lipunan. Nakakaloko. Pasensya na, isa itong mahimagsik na paglalahad. (rebolusyon lang?)


1. Una, ayoko sa lahat ay yung pinipilit mo akong paniwalain sa mga pinaniniwalaan mo. Kahit kailan, natuto akong itikom ang bibig ko sa mga bagay na hindi ko matanggap. Pero yung ipagpilitan mo yun sa sarili kong sistema, weh bahala ka!!! :) May sarili akong isip at desisyon, wag mong ipagpilitan na lagi kang tama!!! Dahil ako man ay naniniwala na tama ako, so live your life! Ok :)


2. Isa ka pa, wag mo akong madamay damay sa sarili mong mundo. Dahil wala naman talaga akong pakialam doon, dahil may sarili rin akong mundo :) So patas lang lol. Masyado kang nang-iinvade.


3. Masyado ka namang mapanghusga, perpekto ka ba? Dapat hinayaan mo na lang siyang mag-grow muna. Kung walang nangyari dun ka magmalaki. Umpisa pa lang, nananapak ka na, tirisin kita dyan eh!!! :)


4. Naiinis ako sa mga pangako. Wag mo akong pangakuan, dahil di rin naman ako palaasa.


5. Kung ayaw mong sumunod sa akin, eh di wag. Pero wag mo akong sisisihin kung maliligaw ka ng landas. Ang kapal ng mukha mo para sisihin ako! Wala ka bang sariling isip? Magdesisyon ka naman para sa sarili mo.


6. Naiinis ako dahil di mo man lang ako kinakausap. Pano ko malalaman kung anong dapat kong malaman. Kainis!!!


7. Akala mo lang kasi ikaw lang ang nagsasawa. Ako rin sawang sawa na. Di ka nagbago. Sawa na akong kakapatino sayo. Bahala ka sa buhay mo.


8. Ayoko nang makita ka pa. Wag mo na ako kausapin. Ubos na ang pasensya ko sayo. Tulad nga ng laging sinasabi ko- "live your life." May buhay din akong dapat asikasuhin. Wag mo na akong asahan. Gawin mo na ang gusto mo. Bahala ka na talaga.


Haynaku...
Itutulog at ikakain ko na lang ang bad mood na to.

Lunes, Hunyo 18, 2012

Wow Life: More than the Usual



Nakakakilig na Monday :) Kagabi pa umuulan kaya inasahan ko na  baka mawalan ng pasok, marami lang suspense na nangyari pero ang ending, "no classes" pa rin :)

Di naman talaga ako tamad na tao, madali lang ako ma-bored sa paulit-ulit na gawain. Lam mo naman ayoko ng ganun ganun na lang, mahilig ako sa mga surprises lol. O baka I'm just trying to justify ang aking katamaran.


Haynaku. Buong akala ko makakawala na ako sa bahay namin, pero dahil walang pasok, eto ako ngayon, isang tulaley na creature. Tapus bukas panigurado may pasok na, kaya papasok na naman sa skul. (burn out lang? oo, minsan ganyan talaga ang buhay) Ayoko talaga ng paulit-ulit, gusto ko iba-iba :)

Natatandaan ko pa nung naghahanap pa ako ng work, nangako ako sa sarili ko na dapat every year ay iba lagi ang trabaho ko :) Lakas lang ng trip ko di ba? Para namang napakadaling maghanap ng work. Pero that's the life I wanted to live.

1. Ayoko na sumakay ng trike at jeep papunta ng school. Nasusuya na ako haha (reklamador?) Pwede bang mag-zip line naman mula sa bahay namin to school? O kaya ay mag-underground river or subway whatever, maiba lang hehe. Di ko na ma-appreciate yung paulit ulit na mga kanto at daan na nakikita ko sa umaga, sana may isang mahabang slide papunta sa school para umaga pa lang adrenalin rush na agad lol.

2. Nauumay na rin ako sa pagpasok sa gate ng school at sabay pindot sa biometrics. Pwede bang automatic sliding shimmering glass doors naman? With whole body scan biometrics haha. O kaya, sana ay di lang puro daliri ang ginagamit para makapag time in, pwede namang ilong, dila, mata, bibig at iba pa haha :)

3. Always na rin ang eksena tuwing papasok ako sa faculty. Pagbukas mo ng pintuan babalandra sayo ang mga table, ang mga minamahal kong co-teachers na nakaupo sa mga silya, mga libro at kung anek anek na paper works sa ibabaw ng lamesa. Umpisa pa lang ng araw haggardness agad ang makikita hehe.

Pwede bang pagbukas ko ng pintuan ng faculty ay party party agad ang bungad? :) O kaya ay mabubuhusan muna ako ng slime. Pwede rin na everyday ay may motif ang faculty room, tulad ng pasko, halloween, chinese new year, sinulog, aswang festival basta kahit ano maiba lang ang itsura nya everyday :) O kaya naman ay maging hitech din ang aming locker, yung di mo na kelangan susian, magic word na lang! At sana ang locker namin ay instant ref na din lol, pwede ring instant tv, instant bedroom, instant closet at kahit anu pang instant, patok na yan :)

Bakit ba hindi naging ganito kasaya ang buhay? :)

Bukas gigising na naman ako. Ayoko na ng usual things. Gusto ko ay yung katulad ng tag line dati ng WOW Philippines para sa tourism ad, yung "more than the usual."

Sana mga kakaibang subject naman ang tinuturo ko tulad ng paranormal psych (magtatakutan kami), how to be an astronaut, how to be an alien :) paano maging superhero hehe, o kaya ay maging mutant,  yung mga ganung tipo naman para di masayang ang buhay lol.

Pasensya na. Nasa "down under bottom below" ako ngayon.
Siguro mawawala rin to...

Sabado, Hunyo 16, 2012

Young Wild & Free

Kamusta na?!!! Sabi ko na nga ba eh, dahil pasukan na, di na matutupad ang wish ko na sana everyday ay makapag-update ako ng blog. Lam mo naman mas kelangan kong unahin ang responsibilidad ko sa bayan bago ang sarili kong layaw (weh?).
Self-update: (celebrity?)
First week ng klase ay ginambala ako ng lagnat, second week ay nangulit ang aking tonsil. Ang kati lang. Badtrip :) Eh ngayong darating na linggo? Ano na naman kaya ang swerte ko?

Nakakatuwa lang. Tinanong ko ang mga students na kung sila ay magiging scientist/ inventor anong bagay ang kanilang gustong malikha na makakatulong sa lahat. Syempre di mawawala ang pakagat na "ang top three answers ay makakatanggap ng plus points sa quiz" so mega isip ang lahat para sa dagdag na puntos at heto ang ilan sa patok na sagot :)
(mga hindi ko napili pero kakaiba lang talaga hehe)

1. Time Machine (common answer)
-reason: para daw maitama nila ang kanilang pagkakamali sa nakaraan

2.Electric Fan with Tindahan :)
-reason: para daw malamig sa tindahan (loko yung batang to)

3. Scissors with Automatic Haircut
-palibhasa naghihigpit na ang prefect of discipline kaya di na nila mapagupit ang gusto nilang hairstyle

4. Electric Fan with Camera
-in fairness uso ang electric fan hehe

5. Cellphone with PE Uniform :)
- di ko alam kung ano ang logic dito lol

6. Electric Guitar with Light
-oha dapat talaga may ilaw :)

7. Wallet with calculator
-nahihirapan na sigurong magkwenta ang nakaisip nito sa dami ng kanyang pera

8. Aircon with TV
9. Ballpen with Charger

10. Television with Nose :)
-reason: para daw maamoy natin ang niluluto sa mga cooking show

11. Flying Boat
-para daw hindi na ito lumubog, pero may airplane naman di ba? lol

12. Invisible Gadgets
-para daw hindi na manakaw :) eh baka hindi na rin natin makita yan haha

13. Camera with 3 miles zoom capacity
-oha uber ang zoom :)

14. Doraemon's Pocket
-parang SM, we got it all for u :)

15. Ballpen with Electric Fan

16. Levitating Bag
-ayaw mapagod magbuhat

17. Fying shoes :)

18. Refrigerator with Cooler :)
-yung totoo, di pa ba sapat ang lamig ng ref? lol

19. Money Multiplier
20.Relos na may TV

21. Sin Machine
-reason: para daw tayo'y maging aware sa kung gaano na karami ang ating kasalanan

heto pa: (random) tv with internet, ballpen with mp3, shades with radio, electric chair with massage, magic notebook and ballpen, chewing gum with lasting taste, calculator with periodic table, drinking water from rain, solar powered ballpen at marami pang iba :)

Ang mga bagay na ito ang nasa isip ng mga young, wild and free (kabataan). Have you ever wonder what our future will be with their wild imagination? (gumaganun hehe)

Kaw? Anong imbensyon ang gusto mong likhain? (sali na! pakontes lang? hehe)

Martes, Hunyo 12, 2012

RandoMan

Ito ang theme ng ating 114th Anniversary ng Kalayaan ng Pilipinas. Higit isang daang taon na mula nung makaalpas tayo sa pananakop ng mga dayuhan. Ang sarap lang isipin na may mga taong nagbuwis ng kanilang buhay makamtan lang ang ating kasarinlan. Kaya nga tama lang na ito'y ating pananagutan sa bayan, na panitilihin natin ang ating bansa sa tuwid na daan. (makabayan lang? hehe)








Pero ang totoo, "randoman" ang tema ko ngayon :)
1. Kagabi ay winakasan ko na ang buhay ko lol. Itinigil ko na ang "long hair mood" ko. Nagpagupit na ako yehey! :) Baka sabihin pa ng mga students na kami pang mga guro ang di naman nagpapagupit samantalang kung makapag paalala kami sa kanila ay wala nang katapusan hehe. Mga 6 months lang tumagal ang pagpapahaba ko ng hair, mahirap din eh, mainit saka mahirap ayusin.


2. Nakakatuwa lang yung trike driver na nasakyan ko kagabi pauwi. Matandang bababe sya na may pagka-astig ang dating. Nakakaloko lang kasi halos lahat ng madaanan namin ay marami syang sinasabi.


Una, pinakiusapan niya akong tingnan yung langit kung may mga bituin na, para daw maialis na niya yung payong kung hindi naman uulan kasi nagpapabigat lang daw sa trike niya. Yung totoo, di ko masabi sa kanya na wala akong makita dahil di ko suot yung salamin ko hehe, so nagpanggap na lang ako na "mukhang meron naman po." Hirap lang ng malabo ang mata :)


Tapus, super kwento pa siya sa tinatayaan niyang numero sa jueteng. Lagi daw niya yung tinatayaan, tapus kung kelan daw niya hindi tinayaan saka nman daw lumabas yung numero. Sabi niya "sayang bente mil din yon, hayaan mo na, siguro di talaga yun para sa akin... oo hindi yun para sa akin nuh?" Tumango-tango na lang ako :)


At marami pa siyang super kwento. Sa totoo lang, bumilib lang din ako sa kanya. Babae siya at matanda na pero naghahanap buhay pa rin. alam mo yung tipong parang napakarami niyang problema kaya kelangan niya ng makakausap. Dalawa silang nanay na nagta-trike na madalas kong masakyan, sa tuwing nakikita ko sila, lagi akong umaasa na sa bawat padyak nila ay matatapos din ang kanilang paghihirap.


3. At dahil independence day ngayon, walang pasok :) Pero si pudra kanina todo gising sa akin, kung di ko pa sinabi na "pa, wala namang pasok ngayon" kaya tumbling ang tatay ko :) Tawa tawa lang siya eh, na-wrong timing siya ng paggising sa akin lol.


4. Ang sipag ko ngayon dahil naglinis (linisan) ako ng bahay at nagtupi ng mga nilabhang damit. Yung totoo, nag-uumpisa nang hindi ko makilala ang bahay namin, kasi nga wala si mudra kaya walang care taker ng bahay lol. Matatagalan pa bago siya bumalik. Eh aasahan ko pa ba ang chaka kong kapatid hehe na tanghali na gumising? Feeling prinsesa eh, puro tulog at computer sa gabi, hangtaray di ba? Kaya mula nung umalis si mudra, medyo kanya kanya muna kami ng motto sa buhay lol. :) Good luck sa bahay namin :)

Linggo, Hunyo 10, 2012

Bitter Day

Ngayon ay araw ng mga bitter pipol hehe :) Dahil nga sa natalo si Pacman, I'm sure walang humpay na reaksyon at sisihan ng pandaraya ang magiging laman ng dyaryo, telebisyon at kalsada. Alam mo naman tayong mga noypi, hirap mag move on, at talagang toda max ang ating pakikipagtalo para sa ating mga pambato. Remember yung AI? Panalo na nga si Phillip, iniluluklok pa talaga natin sa AI title si Jessica hehe, at ngayon na talo naman si Pacman, naku Bradley pati yung dalawang judge na pumanig sa kanya, wag kayong makatapak-tapak ng PInas, pupulbusan este pupulbusin namin kayo (hahaha nagbanta pa) :)


So, ano nga ba ang mga bitter sweet (ayan ha may dagdag na) statements na aking nabasa tungkol sa labanang ito? Narito ang ilan: (ito ay sari saring status sa fb, mga text etc.)

1. Badtrip! Talo si Pacman. Yabang ni Bradley eh, sarap turukan ng gluta!!!
(grabe lang, dahil ba maitim igu-gluta na agad hehe)

2. Hug ng hug si Bradley! PBB teens???
(well, mukhang updated si bradley sa bahay ni kuya haha, landi lang)
3. Luto yung laban! Kita mo sa sobrang luto natutong na si Bradley :)
(hahaha laftrip ako dito, sya nga naman, nasobrahan sa luto)

4. Justice for Manny Pacquiao! REMATCH!
(uber ang statement na to, na-rape ba si manny lol)

5. (may song pa, in the tune of pricetag lol)
6. call me maybe haha trending
7. at isa lang siya sa mga maraming haters ni bradley
8. well kahit mahirap man tanggapin,
9. mahal pa rin natin si Manny :)
Wag kang pupunta sa airport namin, papasugod kita kay raymart at claudine :)

Biyernes, Hunyo 8, 2012

Ano ba Nap?

Yes! Ito ang unang TGIF ng pasukan :) Hangsaya lang dahil buong linggo nakisabay si Lag Nat sa pagkatao ko, alam mo yung may sakit ka na nga pero super important na makapasok ka pa rin kahit na feeling mo anu mang oras ay magco-collapse ka (haha uber). Yung tipong kelangan mo pa ring humarap sa klase as if you are so fine!!! I'm ok can't you see? (kahit naluluha na ang mata ko at nanginginig na ang tuhod ko hehe). Well, that's life :)


Oh sya, kahit mabinat pa ako, makikibaka pa rin ako ngayon :) Heto na!


Pilipino Star Ngayon, Sports Section
Slam Dunker by Nap Gutierrez


Nung una kong mabasa ang mga sinusulat niya ay OK naman para sa akin. Yung lohika na kaya nga nasa sports section ang kanyang column ay dahil tungkol sa pampalakasan ang kanyang isinusulat. Yun ang tama.


Pero...


Ang di ko nagustuhan sa kanyang column ay ang mga pasulpot-sulpot na animo'y blind item tungkol sa mga players (karaniwan sa basketball). Nagkaroon tuloy ako ng confusion. Ano na ba talaga sir Nap? Ang column niyo po ba ay pang-isports o pang showbiz? Katulad ngayong araw, ang laman ng kanyang column ay tungkol sa isang college basketball player at sa dalawang bading sponsor. Ang gusto ko lang puntuhin, nakakababa ng tingin ang kanyang mga isinusulat kahit pa hindi niya pinapangalanan ang mga player, yung kaisipan na may mga ganitong kalakaran ay nakasisira sa imahe ng isang mabuting atleta- moralidad ika nga. Di naman sa gusto kong pagtakpan, kung totoo nga, pero hindi naman kasi lahat ng manlalaro ay ganun, so baka pati sila ay madamay.


Hindi naman sa against ako sa mga gay relationship, nadisaapoint lang ako sa column niya. Dapat kung ganun lang din ang isusulat niya I would suggest na sa entertainment section niya yun ilagay. (at pangalanan niya lol).


Anyway, bakit nga ba ako nag-rereact eh tabloid naman ang binabasa ko?
Well, pag tabloid ba kelangan LQ? as in low quality? (haha makagawa lang ng bagong term). Pero seriously speaking, iniisip ko lang yung mga kabataang nagbababsa ng sports section para subaybayan yung kanilang mga paboritong atleta o manlalaro, tapus mababasa nila ang mga ganitong tipo ng column na parang "out of place" naman sa section na iyon.


Di bale na nga, ang bottom line lang naman ay "Read Wisely" (parang eleksyon lang).

Martes, Hunyo 5, 2012

Gusto mo ng Power?

Isa sa mga challenging na gawain ng mga guro ay ang pagdidisiplina. Totoo yan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, masyadong ma-emote :) May masabi ka lang "it hurts you know" na agad ang drama. Matapik mo lang "OA maka -ouch". So ano na lang ang gagawin namin? Nga-nga? :) Syempre, dahil kami ay isinilang bilang tagapagtaguyod ng kabataan (wow ah?) di namin maaatim na kunsintihin ang mga pasaway na students;



"No verbal abuse and No touch moves" haha
1. Pwede mong titigan ang mga pasaway na bata as if pagkasarap sarap nila lol. Pag hindi pa nakuha sa simpleng tingin, lumapit ka sa kanila at "iluwa" ang iyong mga mata. Kapag dedma pa rin, kumuha ng kutsara at tinidor then tuklapin ang kanilang eyeball haha (horror?).

2. Eh pano kung nasa malawak na space, katulad kanina nasa ground kami... Well no problem, remember nag-eevolve ang mga organisms over a period of time, sa ilang taon kong pagsasaway sa mga students, nagkaroon na me ng special talent- I can now tilt my head 360 degrees haha :) Effortless!!!

3. Ou nga nakikita mo sila, panu if malayo ang distance nila mula sa iyo? Paano sila masasaway? Based on my experience, I learned how to walk na nakalutang ang paa sa lupa :) Yan ang tinatawag na "multo skills". Nagulat pa nga yung dalawang arti-artihang bungangera kanina na nasa likod na pala nila ako (suspense?). At di pa sila natinag sa aking "divine presence" haha (maka-divine?) nag-counter attack pa ako using "nen" to release my aura at boom! talsik sila sa corridor haha (uber na? hunterxhunter lang)

4. Pag uber na ang pagkapasaway? Then, that's the time that you have to use your hidden attack lol. Gamitin mo na ang iyong "halimaw acting skills". Reminder, dapat wala pa ring masasaktan kapag nasa halimaw mode ka.

Eksampol of halimaw skills:
a. itumba ang teacher's table hanggang mag-crack ang lupa
b. ihagis ang mga notebook at gawing saranggola
c. punitin ang quiz nila using scissors... with bloody effect (taray)
d. gumamit ng super sonic wave na halimaw sigaw (wha!)
e. patayin ang ilaw sa room at bumuo ng isang hurricane!
f. suntukin ang white board at dapat slowmo ang pag-crack para feel na feel :)
g. baluktutin ang upuan at gawing bonsai
h. lamunin ang eraser tapus iluwa tapus ibato anywhere lol
i. gayahin ang mukha ni incredible hulk+the grudge
j. tanggalin isa isa ang ngipin at ibaon sa pader... then tutubo sa pader ang mga bunganga mo para sermunan ang bawat isa, tandaan: dapat ang ratio ay 1 is to 1 :)

at marami pang ibang paraan na di naman makatotohanan :)

Gusto mo bang magkaroon ng super power?
Be a teacher!!! :)

Lunes, Hunyo 4, 2012

First Day High

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela, taas kamay with confidence, let's do the first day high!"
-by Kamikazee


Kamusta naman ang unang araw?
1. Masasabi ko na ito ang unang araw ng pasukan na pumasok ako with "controlled emotions" :) Ganun talaga. Yung tipong di ako masyadong aligaga sa mga dapat gawin o dapat sabihin. Wala lang, petiks na haha. O baka epekto lang to ng lagnat ko kagabi.

2. Nakakatawa lang kasi, habang nagta-travel ako papuntang school, alam mo yung moment na naghihintay ako ng masasakyang jeep kanina (in fairness maaga ako) ay dinadaanan lang ako ng mga estudyante naming hatid ng kotse hehe. Sabi ko na nga ba, dapat bumili na rin ako ng mamahaling kotse(kotsehan) lol.

3. Di na rin ako masyadong na-excite sa kung sino mga pipol na nasa advisory class ko. First time kasi nangyari sa akin na ang advisory class ko ay yung mga tinuruan ko lang din naman last school year. Ilan lang dun yung di ko kilala by names dahil di ko sila naturuan dati, pero ang mga faces ay gasgas na sa aking mga mata hehe. Walang thrill hehe, lahat ng clue binigay na!

4. So naging light din naman ang naging pagtrato ko sa kanila, di ko naman sila inapi-api lol. Lakas trip din yung kalokohan ng iba sa klase, yung tipong gusto mong makisali at makisabay  sa mga jokes, buti na lang naalala ko teacher ako ngayong araw na ito haha.

5. So todo orient naman ako sa umaga, pinagsawaan muna nila ang aking mukha buong umaga :) Syempre discuss ng mga rules and regulations (paulit-ulit), sari-saring kwento (pampaubos oras) at introduce yourself (na isa nang tradisyon hehe).

6. Feeling ko naman (sana) magiging memorable ang klaseng ito dahil nga ito rin ang unang pagkakataon na hahawak ako ng isang graduating class (4th year). Napakasarap atang tingnan na lahat sila ay ga-graduate sa March! (di pa man din nakakarami, March na). At dahil magkokontrabida ako, may ilan sa kanila na hindi ga-graduate lalo na pag binadtrip nila ako haha (bad).

7. Panghuli, masaya na rin ako sa  set of class officers ko. Halos lahat naman ay may ibubuga. Nakakatawa lang dahil parang may nahalong maloloko, pero anung magagawa ko sila ang binoto. Hinayaan ko ring mangyari basta nasa mga mababang posisyon lang sila haha (may agenda rin ako) para naman yung mga dating pasaway ay mapagkatiwalaan na rin ngayon at maimprove na rin ang kanilang mga sarili :)

Overall Rating: Sakto lang. Happiness na rin ito. Check! :)

Linggo, Hunyo 3, 2012

Vacation is Over

Ang bilis naman ng panahon. Tapus na ang bakasyon. Pasukan na naman. Bawal maging nega, dapat ay positibo lang parang new year :)


(Ang larawan ay galing dito.)

Oha, naglalagay na rin ako ng proper citation para sa mga larawang ginagamit ko hehe, parang research lang, mahirap na baka makasuhan :)

So ano bang nangyari sa bakasyon ko? Actually wala :) Ang mga plano ay nanatili na lang ding mga plano. Kung meron mang isang major na bagay ito ay yung pagbibigay ko ng oras sa blogging. Yun lang. Sa kabuuan ng bakasyon, nabuhay ako bilang isang self-proclaimed blogger hehe. Masaya rin dahil kahit di masyado lumalabas ng bahay, you still get to know a lot of things.

Bukas ay "first day high". Ayokong isipin na may makukulit at pasaway na estudyante akong makikita bukas hehe, tantanan nila ako baka sampal-sampalin ko sila! (nananakit lang?)

Umaasa ako na kahit hindi ako perpektong tao ay makakapag-bahagi pa rin ako ng kaalaman at inspirasyon sa kanila. Physicist ang peg ko ngayon, lam mo yung na-eexcite ako kung pano ko yun ituturo at the same time I am asking for the divine mercy to guide me haha. Gusto kong marami silang matutunan sa akin :)

Yun lamang, kelangan na matulog ng maaga. Sa totoo lang badtrip yung lagnat ko ngayon, ang haba-haba ng bakasyon ngayon lang sumulpot! I hope ok na ako bukas :)

Sabado, Hunyo 2, 2012

Baha Moments

Sabado na naman! Lakas lang makatulala moments ng araw na ito. Nakakapanghina ang makulimlim na panahon. Ayan na naman ang tag-ulan. Mula nung lumipat kami sa Venezuela (talaga lang?) dito ko talaga na-feel ang baha to the infinity of imagination. Nung nasa QC kami, ang baha sa akin ay hanggang lubog-paa lamang, yun na talaga ang baha, pero dito sa Valenzuela totoong uber :)


Ang larawang ito ay mula dito.

Ang aking mga "only in Valenzuela" moments:

1. Dito lang nagiging "instant ilog" ang mga kalsada :) Bongga seasonal! Kung dati ay tricycle, jeep, trike, bus at truck ang makikita mo sa daan, tuwing panahon ng tag-ulan puro mga "bangka" na ang iyong makikita :) Water world!!!

2. Lumalawak din ang mga palaisdaan, pati sa kalsada pwede na ang mamingwit- instant tilapia at bangus for free :)

3. Super mahal ng pamasahe kapag tag-ulan kaya naman ang aming pamahalaan ay nagbibigay ng libreng sakay gamit ang mga dambuhalang truck :) Ang saya lang ma-experience nito, parang may giyera lang at kailangan nang lumikas. Sa loob ng truck mo makaksalamuha ang iba't ibang tao; yung mga pupunta lang sa kapitbahay, mag-oopisina, mga estudyante (tulad ko) at marami pang iba.

4. At kung mapapadaan ka man dito sa lugar namin, prepared ang mga bahay dito. Wag kang magtataka kung ang mga bahay dito ay napakataas ng ground floor, yung tipong ang first floor ay parang second floor na :) Ganun talaga ang structure ng mga bahay dito- "pang-iwas baha".  Pero kung mamalasin at ayaw talaga mag-paawat ng bagyo, magkakaroon ka ng "unwanted visitors" haha. Dahil kapag pumasok ang baha sa loob ng bahay marami syang ininvite para tumambay- mga burak, basura, tubig kanal, diaper with pupu, mga plastik at dahon at ang everlasting na amoy :) yum! yum! yum!

5. Dahil wala naman kaming second floor, lakas lang maka-titanic nung pumasok ang tubig sa bahay namin. Alam mo yung nasa kama na lang ako dahil ilang pulgada na lang ay aabutin na rin ako ng baha. At dahil wala naman akong magawa, tinulugan ko na lang ang baha, sleeping in a water bed ang drama ko nun haha. Kahagard yung ganun, tapus brownout pa!!!

Mala-survivor talaga dito sa aming lugar, pero wag ka, yung mga tao sa amin ay nakukuha pang maglasing kahit baha na :) Tapus pag nagkalasingan, instant swimming pool na ang trip nila sa baha. Awesome!!!

Di rin ganun kadaling humupa ang tubig, mga 1cm per day :) At dahil mahirap bumili ng makakain, tiis ka muna sa mga naglalako ng bangus at tilapia. Wag mo na lang alamin kung saan galing, ang mahalaga ay ang may makain ka :)


Biyernes, Hunyo 1, 2012

TGIF Story

O sya, TGIF na!

1. Yung totoo, ay nahirapan akong mag-isip ng panibagong pamagat para sa blog ko. Yung tipong may mga naiisip na akong salita, tapus pag sinearch ko sa net ay ang daming kaparehas, eh ayoko namang maging copy cat;

-balintataw
-alikmata
-durungawan

yan yung mga una kong naisip, gusto ko kasi na yung magiging title ng blog ko ay may kinalaman sa mata, pero marami na ang gumagamit, sayang.

-Buendia Avenue
waley pa rin. may nakauna na sa akin dito.

hanggang sa nakuntento na lang ako sa
-korta bistang tibobos :)
in other words, "nearsighted person" o nilalang na di makakita ng malinaw sa malayo.

May kinalaman naman sa mata, pasok na yan lol. Kaya yan ang napili ko kasi bukod sa pagiging super human ay wala na akong ibang makitang kapintasan kundi ang malalabo kong mata (weh? kapal lang).

Naisip ko lang baguhin kasi ayoko lang ng self-titled blog.
Yun lamang. May maiba lang.

2. Hindi na ba talaga mapipigil ang pagsapit ng June 4? Pasukan na!!! Grabe.

3. Wala nga pala si mudra ngayon sa bahay, at matatagalan pa siya bago umuwi. Naku, magmumukha na namang black forest ang bahay. Sosyal, mapupuno na naman siya ng agiw!

Kaw anung kwentong TGIF mo?
Share na!!! :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...