Gusto mo ng Power?

Isa sa mga challenging na gawain ng mga guro ay ang pagdidisiplina. Totoo yan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, masyadong ma-emote :) May masabi ka lang "it hurts you know" na agad ang drama. Matapik mo lang "OA maka -ouch". So ano na lang ang gagawin namin? Nga-nga? :) Syempre, dahil kami ay isinilang bilang tagapagtaguyod ng kabataan (wow ah?) di namin maaatim na kunsintihin ang mga pasaway na students;



"No verbal abuse and No touch moves" haha
1. Pwede mong titigan ang mga pasaway na bata as if pagkasarap sarap nila lol. Pag hindi pa nakuha sa simpleng tingin, lumapit ka sa kanila at "iluwa" ang iyong mga mata. Kapag dedma pa rin, kumuha ng kutsara at tinidor then tuklapin ang kanilang eyeball haha (horror?).

2. Eh pano kung nasa malawak na space, katulad kanina nasa ground kami... Well no problem, remember nag-eevolve ang mga organisms over a period of time, sa ilang taon kong pagsasaway sa mga students, nagkaroon na me ng special talent- I can now tilt my head 360 degrees haha :) Effortless!!!

3. Ou nga nakikita mo sila, panu if malayo ang distance nila mula sa iyo? Paano sila masasaway? Based on my experience, I learned how to walk na nakalutang ang paa sa lupa :) Yan ang tinatawag na "multo skills". Nagulat pa nga yung dalawang arti-artihang bungangera kanina na nasa likod na pala nila ako (suspense?). At di pa sila natinag sa aking "divine presence" haha (maka-divine?) nag-counter attack pa ako using "nen" to release my aura at boom! talsik sila sa corridor haha (uber na? hunterxhunter lang)

4. Pag uber na ang pagkapasaway? Then, that's the time that you have to use your hidden attack lol. Gamitin mo na ang iyong "halimaw acting skills". Reminder, dapat wala pa ring masasaktan kapag nasa halimaw mode ka.

Eksampol of halimaw skills:
a. itumba ang teacher's table hanggang mag-crack ang lupa
b. ihagis ang mga notebook at gawing saranggola
c. punitin ang quiz nila using scissors... with bloody effect (taray)
d. gumamit ng super sonic wave na halimaw sigaw (wha!)
e. patayin ang ilaw sa room at bumuo ng isang hurricane!
f. suntukin ang white board at dapat slowmo ang pag-crack para feel na feel :)
g. baluktutin ang upuan at gawing bonsai
h. lamunin ang eraser tapus iluwa tapus ibato anywhere lol
i. gayahin ang mukha ni incredible hulk+the grudge
j. tanggalin isa isa ang ngipin at ibaon sa pader... then tutubo sa pader ang mga bunganga mo para sermunan ang bawat isa, tandaan: dapat ang ratio ay 1 is to 1 :)

at marami pang ibang paraan na di naman makatotohanan :)

Gusto mo bang magkaroon ng super power?
Be a teacher!!! :)

Mga Komento

  1. Sir, ngayon ko lang nalaman na marami ka palang powers (mga never heard :) ). Buti na lang hindi mo po nagawa samin yan last year. :) keep blogging sir! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha di ko talaga magagawa yun, dahil mga kalokohan lang ang mga ito :)at saka mababait naman kayo. naku aidan nakagawa ka na pala ng profile sa blogger ah, mag blog ka rin :) sya nga pala, wag mong ipagkakalat ang blog kong ito :)yun lamang :)para lamang ito sa mga likas na makakahanap.

      Burahin
  2. yong ibang powers na nabanggit ay taglay ko na. tataglayin ko pa lng yong iba haha! salamat sa idea.

    TumugonBurahin
  3. Gusto ko yung mga powers na yan, madaming makukulit na bata. Yun nga lang baka wala nang pumasok the next day. God bless!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha nahiya naman po tuloy ako, kalokohan lang po ang mga ito :)

      Burahin
  4. lahat ng powers na yan meron na ako hahahaah (joke)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung ganun nga, kelangan mo na magpa-myembro sa aming samahan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento