First Day High

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela, taas kamay with confidence, let's do the first day high!"
-by Kamikazee


Kamusta naman ang unang araw?
1. Masasabi ko na ito ang unang araw ng pasukan na pumasok ako with "controlled emotions" :) Ganun talaga. Yung tipong di ako masyadong aligaga sa mga dapat gawin o dapat sabihin. Wala lang, petiks na haha. O baka epekto lang to ng lagnat ko kagabi.

2. Nakakatawa lang kasi, habang nagta-travel ako papuntang school, alam mo yung moment na naghihintay ako ng masasakyang jeep kanina (in fairness maaga ako) ay dinadaanan lang ako ng mga estudyante naming hatid ng kotse hehe. Sabi ko na nga ba, dapat bumili na rin ako ng mamahaling kotse(kotsehan) lol.

3. Di na rin ako masyadong na-excite sa kung sino mga pipol na nasa advisory class ko. First time kasi nangyari sa akin na ang advisory class ko ay yung mga tinuruan ko lang din naman last school year. Ilan lang dun yung di ko kilala by names dahil di ko sila naturuan dati, pero ang mga faces ay gasgas na sa aking mga mata hehe. Walang thrill hehe, lahat ng clue binigay na!

4. So naging light din naman ang naging pagtrato ko sa kanila, di ko naman sila inapi-api lol. Lakas trip din yung kalokohan ng iba sa klase, yung tipong gusto mong makisali at makisabay  sa mga jokes, buti na lang naalala ko teacher ako ngayong araw na ito haha.

5. So todo orient naman ako sa umaga, pinagsawaan muna nila ang aking mukha buong umaga :) Syempre discuss ng mga rules and regulations (paulit-ulit), sari-saring kwento (pampaubos oras) at introduce yourself (na isa nang tradisyon hehe).

6. Feeling ko naman (sana) magiging memorable ang klaseng ito dahil nga ito rin ang unang pagkakataon na hahawak ako ng isang graduating class (4th year). Napakasarap atang tingnan na lahat sila ay ga-graduate sa March! (di pa man din nakakarami, March na). At dahil magkokontrabida ako, may ilan sa kanila na hindi ga-graduate lalo na pag binadtrip nila ako haha (bad).

7. Panghuli, masaya na rin ako sa  set of class officers ko. Halos lahat naman ay may ibubuga. Nakakatawa lang dahil parang may nahalong maloloko, pero anung magagawa ko sila ang binoto. Hinayaan ko ring mangyari basta nasa mga mababang posisyon lang sila haha (may agenda rin ako) para naman yung mga dating pasaway ay mapagkatiwalaan na rin ngayon at maimprove na rin ang kanilang mga sarili :)

Overall Rating: Sakto lang. Happiness na rin ito. Check! :)

Mga Komento

  1. Syempre discuss ng mga rules and regulations (paulit-ulit)- eto lagi sa first day ng school... Rules, rules, rules

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. true! syempre mawawalan ng saysay ang mga rules kung hindi ito lalabagin ng mga students :)

      Burahin
  2. AYUN! nag-aaral din ako ngayon hahaha. namiss ko ang school :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. galing! balik aral ka :) ako rin nga eh, gusto ko ulit mag-aral, gusto ko ako naman yung pasaway, ayoko na manaway hehe :)

      Burahin
  3. ser! petiks mode! :)) masarap humawak ng graduating class. mahirap lang ang forms huhuh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang lagay eh petiks mode muna sa umpisa, pero haggard mode ang mga susunod :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento