Mga Pahina

Martes, Hunyo 26, 2012

Ang Alitaptap at Kwentong Martes


Pinilit kong
makapagbigay liwanag
kahit sa munti kong kakayahan.
Oo, inaamin ko
na di kita lubos na maiilawan
pero
nais kong malaman mo
na inialay ko
ang higit pa sa katumbas
ng aking buhay.
Matagal kitang hinanap.
Kaytagal kong sinuyod ang dilim.
Pilit kong pinanghawakan
ang pangako
na balang araw
ikaw at ako
ay magkakatagpo.
-jepbuendia




1. Hangtaray lang ng araw na ito. Dami kong negative energies. Yung tipong di na nga buo ang loob ko sa pagpasok ngayong araw, may sinasagap pa akong mga kung anu-anong negative vibes. Oh my!

2. Mabuti na lang at may bumisita sa faculty kanina. Super jolly ang personality. Trip ko rin maging ganun someday lol. Eh ako kasi dinadama kong mabuti ang lahat, masaya man o ma-emote na buhay, kaya ang ending- emo :)

3. Landi lang nung beki na nakasakay ko sa jeep kanina. Palibhasa eh may dalawang lasing na lalaki. So dun sya tumabi. Eh ako naman ay isang keen observer lang lol, kaya di nakaligtas sa aking mga mapanuring mata (weh?) ang pagpapakyut niya sa dalawang may amats na guy. Tawa much ako :) with beautiful eyes emote pa kasi siya (baby lang?)

4. Yung totoo, puno na ng papel na irerecord at dapat pang i-check ang locker ko. Eto na naman yung mga moment ng checking and recording. Sandamakmak na papel na nman ang dadaan sa aking mga kamay. Good luck to da max :)

5. Sana bukas ay magpa-practice ng todo for the holy spirit mass :) Para ligtas ang katawang lupa ko sa pinaka-haggard kong sked lol. I need to take multivitamins. Sponsor? Feel free to be hehe. 

6 (na) komento:

  1. hahhaha, akala nung beki na gaganda sya at magiging babae sa lasing na lalaki :p

    TumugonBurahin
  2. mahal na mahal ko lang ang alitaptap. ganda ng naisulat mo. perpek!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat, dahil dyan mahal ko na rin sila :)

      Burahin
  3. Pumo-poetry ang peg! galing naman!

    Natawa naman ako sa pag observe mo dun sa beki sa jip!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. feeling makata lang lol, pero promise kung nasaksihan nyo lang yung nangyari super laugh trip :)

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...