Bahala Ka Na

Ipaglalaban ko talaga ang karapatan ng bawat isa na mabuhay sa paraang gusto nila! Makibaka mode na naman :) Kaya iboto niyo ako sa darating na eleksyon lol.


Napakadamot ng mundo. Bakit di niya hinayaan na mabuhay ang isang tao sa paraang nais niya? Bakit? Bakit? (oa lang). Halimbawa, kung gusto ng isang tao na maging mabuti, hayaan natin syang maging mabuti. Kung gusto niyang maging masama, wag natin syang pilitin na maging mabuti, hayaan natin na siya mismo ang makakita na siya ay masama.


Minsan talaga gusto ko nang pumalag sa mga stereotype na ideya at kultura  ng lipunan. Nakakaloko. Pasensya na, isa itong mahimagsik na paglalahad. (rebolusyon lang?)


1. Una, ayoko sa lahat ay yung pinipilit mo akong paniwalain sa mga pinaniniwalaan mo. Kahit kailan, natuto akong itikom ang bibig ko sa mga bagay na hindi ko matanggap. Pero yung ipagpilitan mo yun sa sarili kong sistema, weh bahala ka!!! :) May sarili akong isip at desisyon, wag mong ipagpilitan na lagi kang tama!!! Dahil ako man ay naniniwala na tama ako, so live your life! Ok :)


2. Isa ka pa, wag mo akong madamay damay sa sarili mong mundo. Dahil wala naman talaga akong pakialam doon, dahil may sarili rin akong mundo :) So patas lang lol. Masyado kang nang-iinvade.


3. Masyado ka namang mapanghusga, perpekto ka ba? Dapat hinayaan mo na lang siyang mag-grow muna. Kung walang nangyari dun ka magmalaki. Umpisa pa lang, nananapak ka na, tirisin kita dyan eh!!! :)


4. Naiinis ako sa mga pangako. Wag mo akong pangakuan, dahil di rin naman ako palaasa.


5. Kung ayaw mong sumunod sa akin, eh di wag. Pero wag mo akong sisisihin kung maliligaw ka ng landas. Ang kapal ng mukha mo para sisihin ako! Wala ka bang sariling isip? Magdesisyon ka naman para sa sarili mo.


6. Naiinis ako dahil di mo man lang ako kinakausap. Pano ko malalaman kung anong dapat kong malaman. Kainis!!!


7. Akala mo lang kasi ikaw lang ang nagsasawa. Ako rin sawang sawa na. Di ka nagbago. Sawa na akong kakapatino sayo. Bahala ka sa buhay mo.


8. Ayoko nang makita ka pa. Wag mo na ako kausapin. Ubos na ang pasensya ko sayo. Tulad nga ng laging sinasabi ko- "live your life." May buhay din akong dapat asikasuhin. Wag mo na akong asahan. Gawin mo na ang gusto mo. Bahala ka na talaga.


Haynaku...
Itutulog at ikakain ko na lang ang bad mood na to.

Mga Komento

  1. dahil yan sa diversity sa society. iba iba kasi tayo ng kinalakihan at paraan ng pagpapalaki kaya hindi rin mawawala ang pagkakaiba-iba pero hindi mo ba nakikita ang ganda ng diversity sa society natin? we tend to identify ourselves and our uniqueness sa isa't isa :)

    nag rant ka lang pala..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. masaya naman ako na nakikitang iba iba ang mga tao, ang ayoko ko lang ay may mga conflict dahil dun, pero oks na rin, di naman maiiwasan, fight na lang :)

      Burahin
  2. ATTENTION: The following comment is a certified "Pambasag ng Trip ng Ibang Tao"...

    1. You're right, no one is obliged or has the privilege to force others to believe their opinion or perspective. One must be persuaded or be convinced, but never be forced to believe, unless there is a compelling, tangible and undeniable proof/fact that can dismiss any other theory or opinion.

    But we must never discredit others. We must be open to what others are saying, consider what is being said, because sometimes we might be in the wrong position.

    2. True. Lahat tayo ay may sariling space, that is, if you're referring to your life as a single individual. Iba na kasi kapag pumasok ka sa isang relationship. Kapag walang sharing at commitment to one another sa isang relationship, para lang puppy love ng teenagers yan. Again, kung may kinalaman yang sinasabi mo sa relationship. kung wala eh tama ka talaga diyan!

    3. Jesus rebuked the Pharisees and Saducees dahil mapanghusga nga sila. Iba kasi yung judgemental sa pag-confront sa isang tao because of a certain issue.


    4. I remember when I was studying management and human relations. Kailangan you really set an expectation to others without pressuring them, para at least mabigyan mo yung ibang tao ng goal or mapaunawa mo sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. But you have to realistic and gracious enough to consider that we are human beings and there will always be that possibility na kung anuman ang naipangako ay mababali din. Easier said than done. It takes so much maturity para magawa natin ang ganong bagay.


    5. Tama lang. Lahat tayo gumagawa ng desisyon. Anuman ang naipayo ni Juan at ni Pedro, at kung hindi nag work eh hindi nila kasalanan yon. Tayo ang gumawa ng desisyon.


    6. Baka naman siguro mainit pa ang ulo. Remember, there's a time for everything. Let it pass for a while. GIve him that benefit. Magmuni-muni kayo, tapos saka kayo magharap. Or better, initiate the healing process through communication. Don't let pride stop you from being a peacemaker. Blessed are those who are peacemakers for they are the children of God.


    7. Kung nagkakasawaan eh mabuti pa nga na tapusin na ang lahat. But remember, we have to be civil to one another. That is your duty and responsibility as a human being and as a citizen. Remember, he's no different from you, and in the eyes of God, no matter how much good works one does, and even if you're doing more than others, we are still equals in the eyes of the Almighty and in the blind-folded eyes of justice and the law.


    8. As i said, there's a time for everything. A time to be together and a time for separation. But you must think first whether what you're doing is right, and if it's worth it.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sa iyong words of wisdom :) minsan talaga ay tinatamaan lang ng mga emote sa buhay, tama ka nga "there's a time for everything" salamat ulit :) God bless :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento