Wow Life: More than the Usual



Nakakakilig na Monday :) Kagabi pa umuulan kaya inasahan ko na  baka mawalan ng pasok, marami lang suspense na nangyari pero ang ending, "no classes" pa rin :)

Di naman talaga ako tamad na tao, madali lang ako ma-bored sa paulit-ulit na gawain. Lam mo naman ayoko ng ganun ganun na lang, mahilig ako sa mga surprises lol. O baka I'm just trying to justify ang aking katamaran.


Haynaku. Buong akala ko makakawala na ako sa bahay namin, pero dahil walang pasok, eto ako ngayon, isang tulaley na creature. Tapus bukas panigurado may pasok na, kaya papasok na naman sa skul. (burn out lang? oo, minsan ganyan talaga ang buhay) Ayoko talaga ng paulit-ulit, gusto ko iba-iba :)

Natatandaan ko pa nung naghahanap pa ako ng work, nangako ako sa sarili ko na dapat every year ay iba lagi ang trabaho ko :) Lakas lang ng trip ko di ba? Para namang napakadaling maghanap ng work. Pero that's the life I wanted to live.

1. Ayoko na sumakay ng trike at jeep papunta ng school. Nasusuya na ako haha (reklamador?) Pwede bang mag-zip line naman mula sa bahay namin to school? O kaya ay mag-underground river or subway whatever, maiba lang hehe. Di ko na ma-appreciate yung paulit ulit na mga kanto at daan na nakikita ko sa umaga, sana may isang mahabang slide papunta sa school para umaga pa lang adrenalin rush na agad lol.

2. Nauumay na rin ako sa pagpasok sa gate ng school at sabay pindot sa biometrics. Pwede bang automatic sliding shimmering glass doors naman? With whole body scan biometrics haha. O kaya, sana ay di lang puro daliri ang ginagamit para makapag time in, pwede namang ilong, dila, mata, bibig at iba pa haha :)

3. Always na rin ang eksena tuwing papasok ako sa faculty. Pagbukas mo ng pintuan babalandra sayo ang mga table, ang mga minamahal kong co-teachers na nakaupo sa mga silya, mga libro at kung anek anek na paper works sa ibabaw ng lamesa. Umpisa pa lang ng araw haggardness agad ang makikita hehe.

Pwede bang pagbukas ko ng pintuan ng faculty ay party party agad ang bungad? :) O kaya ay mabubuhusan muna ako ng slime. Pwede rin na everyday ay may motif ang faculty room, tulad ng pasko, halloween, chinese new year, sinulog, aswang festival basta kahit ano maiba lang ang itsura nya everyday :) O kaya naman ay maging hitech din ang aming locker, yung di mo na kelangan susian, magic word na lang! At sana ang locker namin ay instant ref na din lol, pwede ring instant tv, instant bedroom, instant closet at kahit anu pang instant, patok na yan :)

Bakit ba hindi naging ganito kasaya ang buhay? :)

Bukas gigising na naman ako. Ayoko na ng usual things. Gusto ko ay yung katulad ng tag line dati ng WOW Philippines para sa tourism ad, yung "more than the usual."

Sana mga kakaibang subject naman ang tinuturo ko tulad ng paranormal psych (magtatakutan kami), how to be an astronaut, how to be an alien :) paano maging superhero hehe, o kaya ay maging mutant,  yung mga ganung tipo naman para di masayang ang buhay lol.

Pasensya na. Nasa "down under bottom below" ako ngayon.
Siguro mawawala rin to...

Mga Komento

  1. may naalala ko sa yo :))

    nakakasawa ang routine ano? ito yung isang kalaban natin mga guro. ako sa ngayon, ok na sakin pag nawala ang putanginang LP! hahah :))

    love love love this post

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka sir mots, masaya naman ang magturo eh, wag lang paulit ulit ng uber na sobra :) tulad ng LP haha, ginawa ko na last yr, gagawin pa rin ngayon, sulat sulat to da infinity level hehe :)

      Burahin
  2. ano ibig sabihin ng korta bistang tibobos

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korta bista= nearsighted, tibobos= person
      korta bistang tibobos= nearsighted person
      ako na ang bulag, sa malapitan lang nakakakita :)

      Burahin
    2. Same here... yun pala yon! hahaha!

      Burahin
  3. naaliw naman me sa gusto mong mangyari na partey-partey kapag pagbukas mo ng faculty room. hahahah,

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo gusto ko yun, para enjoy ang buhay :) how i wish upon a star:)

      Burahin
  4. Bet ko yun zipline o slide papasok ng work, kahaggard ang havey na traffic..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama :) lagi na lang traffic at baha sa lugar namin, so trip ko talaga ang zip line at slide :)

      Burahin
  5. Hayaan mo Sir, hindi ka nag-iisa, ganyan din kaya ang buhay naming mga estudyante, paulit-ulit lang ung nangyayari. :P

    TumugonBurahin
  6. Don't look for fun in life, lalu na kung estudyante ka pa. Di bale na mahirapan sa pag-aaral kaysa maghirap ka dahil wala kang pinag-aralan. Dadating din lahat ng FUN sa buhay kapag natapos ka na.

    Ako, eto, sa pagmamadali at sa kahahanap ng fun during school days, wala na ako natapos. 4 schools, 4 courses. NO degree. Full of epalness. So san ka pa?

    Panira talaga ako ng trip no?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may punto ka dyan mr. tripster :) hindi ka naman panira ng trip, ayos nga ang mga sinabi mo eh :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento