Lumaktaw sa pangunahing content

Buhangin, Bashers at Dugo Story


Kaydali kitang nakuha,
kaybilis mo ring nawala.
Bakit ba
di kita mahawakan
magpakailanman...

- jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Oha, buhangin naman ang peg ko ngayon :) May sapi lang. Dati akala ko boring gumawa ng tula, pero ngayon parang enjoy pala.

2. In fairness, parang nagigising na lang ako bigla tapus nasa school na ako. Para akong namamanhid sa byahe at nagugulat na lang  na nasa school na pala ako :) (bangag lang?)

3. Sa pagkain ko na lang dinadaan ang pagod. Sana tumaba na ako.

4. Noong nakaraang araw, masyado akong naapektuhan ng mga "bashers" ng buhay ko. Alam mo yung iniisip mo kung bakit nila yun nasabi at kung ano pa ba ang sasabihin nila sayo, gayong wala ka namang ginagawang mali sa kanila or kung meron man dapat sabihin nila sa akin ng harapan para patas ang laban. Nakaka-paranoid lang. And then, I've come to a point na na-realize ko na "tama na." Let those bashers do what they want, but they can never stop me from doing things that I want to do in life :) Tama naman di ba? Pakialaman man nila ako, di ko pa rin sila pakikialaman. Sabi ko nga eh, bahala sila, basta ako move on na :) Sayang naman ang buhay ko kung iisipin ko pa sila.

5. Kakahiya lang, natusok yung daliri ko sa kung anung nakausling whatever sa table sa classroom. Eh di akala ko di naman dumugo, hanggang sa lumapit yung isa kong student para magpaturo ng gagawin sa activity at napansin niyang may "ketchup" (dugo) na pala yung isa kong daliri, eh di ko naman namalayan, so mega react yung girl na stduent kanina. Kaya kinuha ko ang panyo ko para maalis yung dugo. Eh di maampat, at di pa tapus yung klase kaya di ko sila maiwan, so ang ending binalot ko ng masking tape! :) Solve haha. Haggardness ang moment na yun. Kadiri lang :) So volleyball player na may masking tape ang daliri ang peg ko kanina habang tinatapos ko ang pagtuturo sa aking last period. Ganyan talaga ang buhay.

Mga Komento

  1. san ka binabash? dito? resbakan natin. hihihi :)

    natawa ko sa bangag ka sa biyahe. hihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi, wala sila dito, nasa totoong mundo :) hayaan na lang natin sila :)

      Burahin
  2. 2. Ibig sabihin nun sa school ka natulog. :)
    3. :)
    5. Pwede naman po palang pang-substitute ang masking tape sa bandage. :D now I know. hehe :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. baka nga minsan sa school ako natutulog di ko lang namamalayan :)
      bagong discovery ko yan- masking tape as bandage- madikit na mura pa :)

      Burahin
  3. masayang gumawa ng tula. natry ko na din un :D

    TumugonBurahin
  4. Wish ko keri ko gumawa ng tula pero mukhang wala akong talent dun.. In fairness, may moments din ako na parang nawawala ako sa sarili ko tas maramdaman ko na lang na nasa work na ko.. Pareho tayo ng dilemma, gusto ko tumaba, asar yun weight ko, parang temp lang ng may lagnat, haha! Dedma sa mga inskeyurang inggiterang bashers, char!

    Ang daldal ko ata ngaun, hmm.. haha!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. lahat naman tayo pwedeng gumawa ng tula, kanya kanyang trip lang lol; di pala ako nag-iisa sa "bangag" moment kapag nasa byahe, pati na rin sa kagustuhang tumaba :) tama ka, dedma na lang sa mga bashers :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...