Ano ba Nap?

Yes! Ito ang unang TGIF ng pasukan :) Hangsaya lang dahil buong linggo nakisabay si Lag Nat sa pagkatao ko, alam mo yung may sakit ka na nga pero super important na makapasok ka pa rin kahit na feeling mo anu mang oras ay magco-collapse ka (haha uber). Yung tipong kelangan mo pa ring humarap sa klase as if you are so fine!!! I'm ok can't you see? (kahit naluluha na ang mata ko at nanginginig na ang tuhod ko hehe). Well, that's life :)


Oh sya, kahit mabinat pa ako, makikibaka pa rin ako ngayon :) Heto na!


Pilipino Star Ngayon, Sports Section
Slam Dunker by Nap Gutierrez


Nung una kong mabasa ang mga sinusulat niya ay OK naman para sa akin. Yung lohika na kaya nga nasa sports section ang kanyang column ay dahil tungkol sa pampalakasan ang kanyang isinusulat. Yun ang tama.


Pero...


Ang di ko nagustuhan sa kanyang column ay ang mga pasulpot-sulpot na animo'y blind item tungkol sa mga players (karaniwan sa basketball). Nagkaroon tuloy ako ng confusion. Ano na ba talaga sir Nap? Ang column niyo po ba ay pang-isports o pang showbiz? Katulad ngayong araw, ang laman ng kanyang column ay tungkol sa isang college basketball player at sa dalawang bading sponsor. Ang gusto ko lang puntuhin, nakakababa ng tingin ang kanyang mga isinusulat kahit pa hindi niya pinapangalanan ang mga player, yung kaisipan na may mga ganitong kalakaran ay nakasisira sa imahe ng isang mabuting atleta- moralidad ika nga. Di naman sa gusto kong pagtakpan, kung totoo nga, pero hindi naman kasi lahat ng manlalaro ay ganun, so baka pati sila ay madamay.


Hindi naman sa against ako sa mga gay relationship, nadisaapoint lang ako sa column niya. Dapat kung ganun lang din ang isusulat niya I would suggest na sa entertainment section niya yun ilagay. (at pangalanan niya lol).


Anyway, bakit nga ba ako nag-rereact eh tabloid naman ang binabasa ko?
Well, pag tabloid ba kelangan LQ? as in low quality? (haha makagawa lang ng bagong term). Pero seriously speaking, iniisip ko lang yung mga kabataang nagbababsa ng sports section para subaybayan yung kanilang mga paboritong atleta o manlalaro, tapus mababasa nila ang mga ganitong tipo ng column na parang "out of place" naman sa section na iyon.


Di bale na nga, ang bottom line lang naman ay "Read Wisely" (parang eleksyon lang).

Mga Komento

  1. baka nagiiba na siya ng niche lol

    TumugonBurahin
  2. showbiz writer/reporter sya dati kaya dala pa din nya sa sports writing ang style nya noon.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ah ok.sana dun na lang yung column nya sa showbiz hehe :)o baka nasanay lang ako sa mga standard style ng mga sportswriters, pero never p tlga ako nakakita ng mga blind item sa sports, sa kanya lang lol

      Burahin

Mag-post ng isang Komento