Sabado na naman! Lakas lang makatulala moments ng araw na ito. Nakakapanghina ang makulimlim na panahon. Ayan na naman ang tag-ulan. Mula nung lumipat kami sa Venezuela (talaga lang?) dito ko talaga na-feel ang baha to the infinity of imagination. Nung nasa QC kami, ang baha sa akin ay hanggang lubog-paa lamang, yun na talaga ang baha, pero dito sa Valenzuela totoong uber :)
Ang larawang ito ay mula dito.
Ang aking mga "only in Valenzuela" moments:
1. Dito lang nagiging "instant ilog" ang mga kalsada :) Bongga seasonal! Kung dati ay tricycle, jeep, trike, bus at truck ang makikita mo sa daan, tuwing panahon ng tag-ulan puro mga "bangka" na ang iyong makikita :) Water world!!!
2. Lumalawak din ang mga palaisdaan, pati sa kalsada pwede na ang mamingwit- instant tilapia at bangus for free :)
3. Super mahal ng pamasahe kapag tag-ulan kaya naman ang aming pamahalaan ay nagbibigay ng libreng sakay gamit ang mga dambuhalang truck :) Ang saya lang ma-experience nito, parang may giyera lang at kailangan nang lumikas. Sa loob ng truck mo makaksalamuha ang iba't ibang tao; yung mga pupunta lang sa kapitbahay, mag-oopisina, mga estudyante (tulad ko) at marami pang iba.
4. At kung mapapadaan ka man dito sa lugar namin, prepared ang mga bahay dito. Wag kang magtataka kung ang mga bahay dito ay napakataas ng ground floor, yung tipong ang first floor ay parang second floor na :) Ganun talaga ang structure ng mga bahay dito- "pang-iwas baha". Pero kung mamalasin at ayaw talaga mag-paawat ng bagyo, magkakaroon ka ng "unwanted visitors" haha. Dahil kapag pumasok ang baha sa loob ng bahay marami syang ininvite para tumambay- mga burak, basura, tubig kanal, diaper with pupu, mga plastik at dahon at ang everlasting na amoy :) yum! yum! yum!
5. Dahil wala naman kaming second floor, lakas lang maka-titanic nung pumasok ang tubig sa bahay namin. Alam mo yung nasa kama na lang ako dahil ilang pulgada na lang ay aabutin na rin ako ng baha. At dahil wala naman akong magawa, tinulugan ko na lang ang baha, sleeping in a water bed ang drama ko nun haha. Kahagard yung ganun, tapus brownout pa!!!
Mala-survivor talaga dito sa aming lugar, pero wag ka, yung mga tao sa amin ay nakukuha pang maglasing kahit baha na :) Tapus pag nagkalasingan, instant swimming pool na ang trip nila sa baha. Awesome!!!
Di rin ganun kadaling humupa ang tubig, mga 1cm per day :) At dahil mahirap bumili ng makakain, tiis ka muna sa mga naglalako ng bangus at tilapia. Wag mo na lang alamin kung saan galing, ang mahalaga ay ang may makain ka :)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento