Lumaktaw sa pangunahing content

Tulang Pang-Cactus :)


Sabi nila,
kayhirap mong mahalin.
Tunay na masasaktan
kung susubukin.
Ngunit sa aking palagay,
kaya kitang mahalin ng tunay.
Kahit pa matinik,
sa iyo pa rin ang aking pag-ibig.

-cactus-

-jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Isang maulang araw! Hangsaya lang sa school kanina, party-party ang atmosphere :) Kaya ang mga estudyante ay rock en roll ang emote. Miting de avance kasi para sa SC election, so feeling mga pulitiko talaga ang mga kandidato, at syempre todo suporta ang mga friends ng mga tumatakbo :) At dahil sa program, walang klase kaninang umaga, so ligtas sa haggardness na pagtuturo lol :)

2. Pero nung mag-resume ang klase, heto na naman, mahaba at mapag-pasensyang paliwanagan... Yung totoo, aminin na natin to, bakit ba pumapasok ang mga students? Para matuto? Weh? Di nga? Nakakakulot ng buhok yung ibang mga mag-aaral :) Yung tipong nag-discuss kayo kahapon, pagdating ng kinabukasan kala mo galing sila sa bakasyon :) Hangsaya!!! :) Paulit-ulit na lang ba akong magpapaliwanag? Oh gulay, nasaan na ang inyong mga sustansya :)

Yung iba ata, ay attendance lang ang pini-perfect eh :) The rest of their scores ay parte na ng history :)

3. Try ko kayang maglayas muna sa bahay :) Guto ko talagang mabuhay muna mag-isa. Sana bukas may adventure :) Sige na destiny. give me a break lol :)

Mga Komento

  1. nung estudyante ko lalo na nung high school pumapasok lang ako para sa baon hahaha. tumino lang talaga ao nung nagkolehiyo

    TumugonBurahin
  2. In-love ka ba??haha, pakialamera!

    Nun nag-aaral pa ko, masipag ako, goal ko lagi ma-perfect ang exams! Kaya boring buhay ko e, hahaha..

    TumugonBurahin
  3. Ang mga government buwaya pala ay nagsisimula sa paaralan. Hahaha! Ikaw rin pala, kinakausap mo si destiny. Actually naka move on nako sa period ng pagkausap kay destiny. Minumura ko na talaga siya ngayon. Hahahah! You need a chill pill...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. need ko i-bestfriend si destiny para may mangyaring kakaiba at uber saya sa life ko haha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...