RandoMan

Ito ang theme ng ating 114th Anniversary ng Kalayaan ng Pilipinas. Higit isang daang taon na mula nung makaalpas tayo sa pananakop ng mga dayuhan. Ang sarap lang isipin na may mga taong nagbuwis ng kanilang buhay makamtan lang ang ating kasarinlan. Kaya nga tama lang na ito'y ating pananagutan sa bayan, na panitilihin natin ang ating bansa sa tuwid na daan. (makabayan lang? hehe)








Pero ang totoo, "randoman" ang tema ko ngayon :)
1. Kagabi ay winakasan ko na ang buhay ko lol. Itinigil ko na ang "long hair mood" ko. Nagpagupit na ako yehey! :) Baka sabihin pa ng mga students na kami pang mga guro ang di naman nagpapagupit samantalang kung makapag paalala kami sa kanila ay wala nang katapusan hehe. Mga 6 months lang tumagal ang pagpapahaba ko ng hair, mahirap din eh, mainit saka mahirap ayusin.


2. Nakakatuwa lang yung trike driver na nasakyan ko kagabi pauwi. Matandang bababe sya na may pagka-astig ang dating. Nakakaloko lang kasi halos lahat ng madaanan namin ay marami syang sinasabi.


Una, pinakiusapan niya akong tingnan yung langit kung may mga bituin na, para daw maialis na niya yung payong kung hindi naman uulan kasi nagpapabigat lang daw sa trike niya. Yung totoo, di ko masabi sa kanya na wala akong makita dahil di ko suot yung salamin ko hehe, so nagpanggap na lang ako na "mukhang meron naman po." Hirap lang ng malabo ang mata :)


Tapus, super kwento pa siya sa tinatayaan niyang numero sa jueteng. Lagi daw niya yung tinatayaan, tapus kung kelan daw niya hindi tinayaan saka nman daw lumabas yung numero. Sabi niya "sayang bente mil din yon, hayaan mo na, siguro di talaga yun para sa akin... oo hindi yun para sa akin nuh?" Tumango-tango na lang ako :)


At marami pa siyang super kwento. Sa totoo lang, bumilib lang din ako sa kanya. Babae siya at matanda na pero naghahanap buhay pa rin. alam mo yung tipong parang napakarami niyang problema kaya kelangan niya ng makakausap. Dalawa silang nanay na nagta-trike na madalas kong masakyan, sa tuwing nakikita ko sila, lagi akong umaasa na sa bawat padyak nila ay matatapos din ang kanilang paghihirap.


3. At dahil independence day ngayon, walang pasok :) Pero si pudra kanina todo gising sa akin, kung di ko pa sinabi na "pa, wala namang pasok ngayon" kaya tumbling ang tatay ko :) Tawa tawa lang siya eh, na-wrong timing siya ng paggising sa akin lol.


4. Ang sipag ko ngayon dahil naglinis (linisan) ako ng bahay at nagtupi ng mga nilabhang damit. Yung totoo, nag-uumpisa nang hindi ko makilala ang bahay namin, kasi nga wala si mudra kaya walang care taker ng bahay lol. Matatagalan pa bago siya bumalik. Eh aasahan ko pa ba ang chaka kong kapatid hehe na tanghali na gumising? Feeling prinsesa eh, puro tulog at computer sa gabi, hangtaray di ba? Kaya mula nung umalis si mudra, medyo kanya kanya muna kami ng motto sa buhay lol. :) Good luck sa bahay namin :)

Mga Komento

  1. palpak si purdrax! hehe :)

    tara sumodeline na tayo ng patatrike :))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha sawi sya ngayong araw :) masakit sa legs magtrike (arti? hehe) nung minsan na-try eh na-excite ako ng todo,mga 3 hours nonstop byahe, pag-uwi di na ako nakatayo hehe na-haggard me :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento