Lumaktaw sa pangunahing content

Young Wild & Free

Kamusta na?!!! Sabi ko na nga ba eh, dahil pasukan na, di na matutupad ang wish ko na sana everyday ay makapag-update ako ng blog. Lam mo naman mas kelangan kong unahin ang responsibilidad ko sa bayan bago ang sarili kong layaw (weh?).
Self-update: (celebrity?)
First week ng klase ay ginambala ako ng lagnat, second week ay nangulit ang aking tonsil. Ang kati lang. Badtrip :) Eh ngayong darating na linggo? Ano na naman kaya ang swerte ko?

Nakakatuwa lang. Tinanong ko ang mga students na kung sila ay magiging scientist/ inventor anong bagay ang kanilang gustong malikha na makakatulong sa lahat. Syempre di mawawala ang pakagat na "ang top three answers ay makakatanggap ng plus points sa quiz" so mega isip ang lahat para sa dagdag na puntos at heto ang ilan sa patok na sagot :)
(mga hindi ko napili pero kakaiba lang talaga hehe)

1. Time Machine (common answer)
-reason: para daw maitama nila ang kanilang pagkakamali sa nakaraan

2.Electric Fan with Tindahan :)
-reason: para daw malamig sa tindahan (loko yung batang to)

3. Scissors with Automatic Haircut
-palibhasa naghihigpit na ang prefect of discipline kaya di na nila mapagupit ang gusto nilang hairstyle

4. Electric Fan with Camera
-in fairness uso ang electric fan hehe

5. Cellphone with PE Uniform :)
- di ko alam kung ano ang logic dito lol

6. Electric Guitar with Light
-oha dapat talaga may ilaw :)

7. Wallet with calculator
-nahihirapan na sigurong magkwenta ang nakaisip nito sa dami ng kanyang pera

8. Aircon with TV
9. Ballpen with Charger

10. Television with Nose :)
-reason: para daw maamoy natin ang niluluto sa mga cooking show

11. Flying Boat
-para daw hindi na ito lumubog, pero may airplane naman di ba? lol

12. Invisible Gadgets
-para daw hindi na manakaw :) eh baka hindi na rin natin makita yan haha

13. Camera with 3 miles zoom capacity
-oha uber ang zoom :)

14. Doraemon's Pocket
-parang SM, we got it all for u :)

15. Ballpen with Electric Fan

16. Levitating Bag
-ayaw mapagod magbuhat

17. Fying shoes :)

18. Refrigerator with Cooler :)
-yung totoo, di pa ba sapat ang lamig ng ref? lol

19. Money Multiplier
20.Relos na may TV

21. Sin Machine
-reason: para daw tayo'y maging aware sa kung gaano na karami ang ating kasalanan

heto pa: (random) tv with internet, ballpen with mp3, shades with radio, electric chair with massage, magic notebook and ballpen, chewing gum with lasting taste, calculator with periodic table, drinking water from rain, solar powered ballpen at marami pang iba :)

Ang mga bagay na ito ang nasa isip ng mga young, wild and free (kabataan). Have you ever wonder what our future will be with their wild imagination? (gumaganun hehe)

Kaw? Anong imbensyon ang gusto mong likhain? (sali na! pakontes lang? hehe)

Mga Komento

  1. Nakakaloka ang mga additional features ng electric fan!haha..Pag may naka-imbento ng money multiplier, bigyan mo ko ha? haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe tapus na ang summer click pa rin ang electric fan :) sige kapag natupad ang money multiplier babahagian kita :)

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. tama :) eh ano naman ang magagawa ko, kanya kanyang isip yan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...