O K A K O

OK na ako ngayon. Medyo humupa na ang drama at emote sa buhay. Haggardness ang period na yun lol. Unti unti na rin akong nagiging masaya.


1. Wala pa rin si mudra. Pero ok lang. At least natututunan ko na ang gumawa ng mga gawain sa bahay tulad dati. Ako na ang naglalaba ng uniform ko, handwash lang yan, syempre with downy sa huling banlaw :) Nag-iimprove na rin ang pamamalantsa ko, di na masyadong gusot ang uniform ko :) (achievement?)


2. Ang di ko lang makeri ng lubos ay ang paglilinis ng bahay. Syempre marami rin akong ginagawa (weh?). Kaya hanggang walis-walis muna ako. Kailangan kong maging medyo masipag kaysa dati, dahil kung hindi magiging mabuhanging alikabok na ang aming bahay.


3. Mas madalas na rin akong kumain bago umuwi ng bahay. Dahil wala naman talaga ang magluluto sa amin. Di katulad dati nung nasa bahay pa si mudra, pag-uwi ay luto na rin ang ulam. Ngayon ay "food trip" ang drama namin, kanya kanya munang recipe :) Prito prito lang ang aking trip dahil yun lang ang kaya ko hehe, super bili naman sa labas ang kapatid ko ng kanyang makakain, at super luto naman ang aking pudra with his special ingredient- "maraming paminta." Yung totoo, kahit anong luto niya, asahan mo na ang maraming paminta.


4. Masarap talagang tumawa kasama ang mga kaibigan. Nitong nakaraang linggo, super tawa  talaga ako with my friends and co-teachers. Sinasamantala ko na ang may kausap habang nasa school or nasa labas, dahil pag-uwi, wala na naman akong kakausapin :) (busy pipol lang?)


5. Nakapag-bike na ulit ako :) Naka-recover na ang binti ko sa biglaan kong pag-bike. Ako na ang excited tuwing nagba-bike kaya inaabot ako ng pulikat pag-uwi sa bahay :) Damang dama ko kasi, so ang ending dinama ko rin ang sakit. Pero ngayon ok na. Pulikat free :)


6. Di ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Gusto ko lang malaman. Sana balitaan niya ako. Kahit ano pa yun... OK lang talaga.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento