Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2012

Tulang Pang-Cactus :)

Sabi nila, kayhirap mong mahalin. Tunay na masasaktan kung susubukin. Ngunit sa aking palagay, kaya kitang mahalin ng tunay. Kahit pa matinik, sa iyo pa rin ang aking pag-ibig. -cactus- -jepbuendia x-o-x-o-x 1. Isang maulang araw! Hangsaya lang sa school kanina, party-party ang atmosphere :) Kaya ang mga estudyante ay rock en roll ang emote. Miting de avance kasi para sa SC election, so feeling mga pulitiko talaga ang mga kandidato, at syempre todo suporta ang mga friends ng mga tumatakbo :) At dahil sa program, walang klase kaninang umaga, so ligtas sa haggardness na pagtuturo lol :) 2. Pero nung mag-resume ang klase, heto na naman, mahaba at mapag-pasensyang paliwanagan... Yung totoo, aminin na natin to, bakit ba pumapasok ang mga students? Para matuto? Weh? Di nga? Nakakakulot ng buhok yung ibang mga mag-aaral :) Yung tipong nag-discuss kayo kahapon, pagdating ng kinabukasan kala mo galing sila sa bakasyon :) Hangsaya!!! :) Paulit-ulit na lang ba ...

Buhangin, Bashers at Dugo Story

Kaydali kitang nakuha, kaybilis mo ring nawala. Bakit ba di kita mahawakan magpakailanman... - jepbuendia x-o-x-o-x 1. Oha, buhangin naman ang peg ko ngayon :) May sapi lang. Dati akala ko boring gumawa ng tula, pero ngayon parang enjoy pala. 2. In fairness, parang nagigising na lang ako bigla tapus nasa school na ako. Para akong namamanhid sa byahe at nagugulat na lang  na nasa school na pala ako :) (bangag lang?) 3. Sa pagkain ko na lang dinadaan ang pagod. Sana tumaba na ako. 4. Noong nakaraang araw, masyado akong naapektuhan ng mga " bashers " ng buhay ko. Alam mo yung iniisip mo kung bakit nila yun nasabi at kung ano pa ba ang sasabihin nila sayo, gayong wala ka namang ginagawang mali sa kanila or kung meron man dapat sabihin nila sa akin ng harapan para patas ang laban. Nakaka-paranoid lang. And then, I've come to a point na na-realize ko na " tama na ." Let those bashers do what they want, but they can never stop me fro...

Ang Alitaptap at Kwentong Martes

Pinilit kong makapagbigay liwanag kahit sa munti kong kakayahan. Oo, inaamin ko na di kita lubos na maiilawan pero nais kong malaman mo na inialay ko ang higit pa sa katumbas ng aking buhay. Matagal kitang hinanap. Kaytagal kong sinuyod ang dilim. Pilit kong pinanghawakan ang pangako na balang araw ikaw at ako ay magkakatagpo. -jepbuendia 1. Hangtaray lang ng araw na ito. Dami kong negative energies. Yung tipong di na nga buo ang loob ko sa pagpasok ngayong araw, may sinasagap pa akong mga kung anu-anong negative vibes. Oh my! 2. Mabuti na lang at may bumisita sa faculty kanina. Super jolly ang personality. Trip ko rin maging ganun someday lol. Eh ako kasi dinadama kong mabuti ang lahat, masaya man o ma-emote na buhay, kaya ang ending- emo :) 3. Landi lang nung beki na nakasakay ko sa jeep kanina. Palibhasa eh may dalawang lasing na lalaki. So dun sya tumabi. Eh ako naman ay isang keen observer lang lol, kaya di nakaligtas sa aking mga ma...

Manic Monday :)

Oo na. It's another manic monday :) Kapagod. Ang alam ko talaga, ito yung araw na pinakamaluwang kong sked, dahil 5 hours lang ang turo ko, di tulad ng ibang araw na pitong oras (kahaggard). Pero di ko malaman kung bakit parang mga unexpected visitors ang mga gawain, di matapos at di maubos (whew). Anyway, ganyan talaga ang buhay, minsan busy, minsan tulala. x-o-x-o-x *kaunting drama* Ayoko talagang maging overrated na tao. I mean, kahit kailan, I never depend myself on titles. Dahil naniniwala ako na yung mga titles na yun will not make me more of a person. Ang gusto ko lang puntuhin ay mas nauna akong maging ako bago pa ako bigyan ng mga titulo. p.s. tumawag ang klasmeyt kong si maca, at dahil matagal na kaming di nagkikita, todo kwento kaming dalawa at iniwan kong tulala ang post kong ito- ang ending nakalimutan ko na tuloy yung ikukwento ko :( Next time na lang lol :)

O K A K O

OK  na ako ngayon. Medyo humupa na ang drama at emote sa buhay. Haggardness ang period na yun lol. Unti unti na rin akong nagiging masaya. 1. Wala pa rin si mudra. Pero ok lang. At least natututunan ko na ang gumawa ng mga gawain sa bahay tulad dati. Ako na ang naglalaba ng uniform ko, handwash lang yan, syempre with downy sa huling banlaw :) Nag-iimprove na rin ang pamamalantsa ko, di na masyadong gusot ang uniform ko :) (achievement?) 2. Ang di ko lang makeri ng lubos ay ang paglilinis ng bahay. Syempre marami rin akong ginagawa (weh?). Kaya hanggang walis-walis muna ako. Kailangan kong maging medyo masipag kaysa dati, dahil kung hindi magiging mabuhanging alikabok na ang aming bahay. 3. Mas madalas na rin akong kumain bago umuwi ng bahay. Dahil wala naman talaga ang magluluto sa amin. Di katulad dati nung nasa bahay pa si mudra, pag-uwi ay luto na rin ang ulam. Ngayon ay "food trip" ang drama namin, kanya kanya munang recipe :) Prito prito lang ang aking trip dahil y...

Bahala Ka Na

Ipaglalaban ko talaga ang karapatan ng bawat isa na mabuhay  sa paraang gusto nila! Makibaka mode na naman :) Kaya iboto niyo ako sa darating na eleksyon lol. Napakadamot ng mundo. Bakit di niya hinayaan na mabuhay ang isang tao sa paraang nais niya? Bakit? Bakit? (oa lang). Halimbawa, kung gusto ng isang tao na maging mabuti, hayaan natin syang maging mabuti. Kung gusto niyang maging masama, wag natin syang pilitin na maging mabuti, hayaan natin na siya mismo ang makakita na siya ay masama. Minsan talaga gusto ko nang pumalag sa mga stereotype na ideya at kultura  ng lipunan. Nakakaloko. Pasensya na, isa itong mahimagsik na paglalahad. (rebolusyon lang?) 1. Una, ayoko sa lahat ay yung pinipilit mo akong paniwalain sa mga pinaniniwalaan mo. Kahit kailan, natuto akong itikom ang bibig ko sa mga bagay na hindi ko matanggap. Pero yung ipagpilitan mo yun sa sarili kong sistema, weh bahala ka!!! :) May sarili akong isip at desisyon, wag mong ipagpilitan na lagi kang tama!!! D...

Wow Life: More than the Usual

Nakakakilig na  Monday  :) Kagabi pa umuulan kaya inasahan ko na  baka mawalan ng pasok, marami lang suspense na nangyari pero ang ending, " no classes " pa rin :) Di naman talaga ako tamad na tao, madali lang ako ma- bored sa paulit-ulit na gawain. Lam mo naman ayoko ng ganun ganun na lang, mahilig ako sa mga surprises lol. O baka I'm just trying to justify ang aking katamaran. Haynaku. Buong akala ko makakawala na ako sa bahay namin, pero dahil walang pasok, eto ako ngayon, isang tulaley na creature. Tapus bukas panigurado may pasok na, kaya papasok na naman sa skul. (burn out lang? oo, minsan ganyan talaga ang buhay) Ayoko talaga ng paulit-ulit, gusto ko iba-iba :) Natatandaan ko pa nung naghahanap pa ako ng work, nangako ako sa sarili ko na dapat every year ay iba lagi ang trabaho ko :) Lakas lang ng trip ko di ba? Para namang napakadaling maghanap ng work. Pero that's the life I wanted to live. 1. Ayoko na sumakay ng trike at jeep pap...

Young Wild & Free

Kamusta na?!!! Sabi ko na nga ba eh, dahil pasukan na, di na matutupad ang wish ko na sana everyday ay makapag-update ako ng blog. Lam mo naman mas kelangan kong unahin ang responsibilidad ko sa bayan bago ang sarili kong layaw (weh?). buti na lang sabado Self-update: (celebrity?) First week ng klase ay ginambala ako ng lagnat, second week ay nangulit ang aking tonsil. Ang kati lang. Badtrip :) Eh ngayong darating na linggo? Ano na naman kaya ang swerte ko? Nakakatuwa lang. Tinanong ko ang mga students na kung sila ay magiging scientist/ inventor anong bagay ang kanilang gustong malikha na makaka tulong sa lahat . Syempre di mawawala ang pakagat na "ang top three answers ay makakatanggap ng plus points sa quiz" so mega isip ang lahat para sa dagdag na puntos at heto ang ilan sa patok na sagot :) (mga hindi ko napili pero kakaiba lang talaga hehe) 1. Time Machine (common answer) -reason: para daw maitama nila ang kanilang pagkakamali sa nakaraan 2....

RandoMan

Ito ang  theme  ng ating 114th Anniversary ng Kalayaan ng Pilipinas. Higit isang daang taon na mula nung makaalpas tayo sa pananakop ng mga dayuhan. Ang sarap lang isipin na may mga taong nagbuwis ng kanilang buhay makamtan lang ang ating kasarinlan. Kaya nga tama lang na ito'y ating pananagutan sa bayan, na panitilihin natin ang ating bansa sa tuwid na daan. (makabayan lang? hehe) Pero ang totoo, "randoman" ang tema ko ngayon :) 1. Kagabi ay winakasan ko na ang buhay ko lol. Itinigil ko na ang "long hair mood" ko. Nagpagupit na ako yehey! :) Baka sabihin pa ng mga students na kami pang mga guro ang di naman nagpapagupit samantalang kung makapag paalala kami sa kanila ay wala nang katapusan hehe. Mga 6 months lang tumagal ang pagpapahaba ko ng hair, mahirap din eh, mainit saka mahirap ayusin. 2. Nakakatuwa lang yung trike driver na nasakyan ko kagabi pauwi. Matandang bababe sya na may pagka-astig ang dating. Nakakaloko lang kasi halos lahat ng madaanan n...

Bitter Day

Ngayon ay araw ng mga bitter pipol hehe :) Dahil nga sa natalo si Pacman, I'm sure walang humpay na reaksyon at sisihan ng pandaraya ang magiging laman ng dyaryo, telebisyon at kalsada. Alam mo naman tayong mga noypi, hirap mag move on, at talagang toda max ang ating pakikipagtalo para sa ating mga pambato. Remember yung AI? Panalo na nga si Phillip, iniluluklok pa talaga natin sa AI title si Jessica hehe, at ngayon na talo naman si Pacman, naku Bradley pati yung dalawang judge na pumanig sa kanya, wag kayong makatapak-tapak ng PInas, pupulbusan este pupulbusin namin kayo (hahaha nagbanta pa) :) kiss lol :) So, ano nga ba ang mga bitter sweet (ayan ha may dagdag na) statements na aking nabasa tungkol sa labanang ito? Narito ang ilan: (ito ay sari saring status sa fb, mga text etc.) 1. Badtrip! Talo si Pacman. Yabang ni Bradley eh, sarap turukan ng gluta!!! (grabe lang, dahil ba maitim igu-gluta na agad hehe) 2. Hug ng hug si Bradley! PBB teens??? (well, mukhang ...

Ano ba Nap?

Yes! Ito ang unang TGIF ng pasukan :) Hangsaya lang dahil buong linggo nakisabay si Lag Nat sa pagkatao ko, alam mo yung may sakit ka na nga pero super important na makapasok ka pa rin kahit na feeling mo anu mang oras ay magco-collapse ka (haha uber). Yung tipong kelangan mo pa ring humarap sa klase as if you are so fine!!! I'm ok can't you see? (kahit naluluha na ang mata ko at nanginginig na ang tuhod ko hehe). Well, that's life :) Oh sya, kahit mabinat pa ako, makikibaka pa rin ako ngayon :) Heto na! Pilipino Star Ngayon, Sports Section Slam Dunker by Nap Gutierrez Nung una kong mabasa ang mga sinusulat niya ay OK naman para sa akin. Yung lohika na kaya nga nasa sports section ang kanyang column ay dahil tungkol sa pampalakasan ang kanyang isinusulat. Yun ang tama. Pero... Ang di ko nagustuhan sa kanyang column ay ang mga pasulpot-sulpot na animo'y blind item tungkol sa mga players (karaniwan sa basketball). Nagkaroon tuloy ako ng confusion. Ano na ba tal...

Gusto mo ng Power?

Isa sa mga challenging na gawain ng mga guro ay ang pagdi disiplina . Totoo yan. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, masyadong ma- emote :) May masabi ka lang " it hurts you know " na agad ang drama. Matapik mo lang " OA maka -ouch ". So ano na lang ang gagawin namin? Nga-nga? :) Syempre, dahil kami ay isinilang bilang tagapagtaguyod ng kabataan (wow ah?) di namin maaatim na kunsintihin ang mga pasaway na students; disiplina "No verbal abuse and No touch moves" haha 1. Pwede mong titigan ang mga pasaway na bata as if pagkasarap sarap nila lol. Pag hindi pa nakuha sa simpleng tingin, lumapit ka sa kanila at " iluwa " ang iyong mga mata. Kapag dedma pa rin, kumuha ng kutsara at tinidor then tuklapin ang kanilang eyeball haha (horror?). 2. Eh pano kung nasa malawak na space, katulad kanina nasa ground kami... Well no problem, remember nag-e evolve ang mga organisms over a period of time, sa ilang taon kong pagsasaway sa mga st...

First Day High

"Nasasabik sa unang araw ng eskwela, taas kamay with confidence, let's do the first day high!" -by Kamikazee Kamusta naman ang unang araw? 1. Masasabi ko na ito ang unang araw ng pasukan na pumasok ako with "controlled emotions" :) Ganun talaga. Yung tipong di ako masyadong aligaga sa mga dapat gawin o dapat sabihin. Wala lang, petiks na haha. O baka epekto lang to ng lagnat ko kagabi. 2. Nakakatawa lang kasi, habang nagta-travel ako papuntang school, alam mo yung moment na naghihintay ako ng masasakyang jeep kanina (in fairness maaga ako) ay dinadaanan lang ako ng mga estudyante naming hatid ng kotse hehe. Sabi ko na nga ba, dapat bumili na rin ako ng mamahaling kotse(kotsehan) lol. 3. Di na rin ako masyadong na-excite sa kung sino mga pipol na nasa advisory class ko. First time kasi nangyari sa akin na ang advisory class ko ay yung mga tinuruan ko lang din naman last school year. Ilan lang dun yung di ko kilala by names dahil di ko sila na...

Vacation is Over

Ang bilis naman ng panahon. Tapus na ang bakasyon. Pasukan na naman. Bawal maging nega, dapat ay positibo lang parang new year :) (Ang larawan ay galing  dito .) Oha, naglalagay na rin ako ng proper citation para sa mga larawang ginagamit ko hehe, parang research lang, mahirap na baka makasuhan :) So ano bang nangyari sa bakasyon ko? Actually wala :) Ang mga plano ay nanatili na lang ding mga plano. Kung meron mang isang major na bagay ito ay yung pagbibigay ko ng oras sa blogging. Yun lang. Sa kabuuan ng bakasyon, nabuhay ako bilang isang self-proclaimed blogger hehe. Masaya rin dahil kahit di masyado lumalabas ng bahay, you still get to know a lot of things. Bukas ay "first day high". Ayokong isipin na may makukulit at pasaway na estudyante akong makikita bukas hehe, tantanan nila ako baka sampal-sampalin ko sila! (nananakit lang?) Umaasa ako na kahit hindi ako perpektong tao ay makakapag-bahagi pa rin ako ng kaalaman at inspirasyon sa kanila. Physicist...

Baha Moments

Sabado na naman! Lakas lang makatulala moments ng araw na ito. Nakakapanghina ang makulimlim na panahon. Ayan na naman ang tag-ulan . Mula nung lumipat kami sa Venezuela (talaga lang?) dito ko talaga na-feel ang baha to the infinity of imagination. Nung nasa QC kami, ang baha sa akin ay hanggang lubog-paa lamang, yun na talaga ang baha, pero dito sa Valenzuela totoong uber :) Ang larawang ito ay mula  dito . Ang aking mga " only in Valenzuela " moments: 1. Dito lang nagiging " instant ilog " ang mga kalsada :) Bongga seasonal! Kung dati ay tricycle, jeep, trike, bus at truck ang makikita mo sa daan, tuwing panahon ng tag-ulan puro mga " bangka " na ang iyong makikita :) Water world!!! 2. Lumalawak din ang mga palaisdaan, pati sa kalsada pwede na ang mamingwit- instant tilapia at bangus for free :) 3. Super mahal ng pamasahe kapag tag-ulan kaya naman ang aming pamahalaan ay nagbibigay ng libreng sakay gamit ang mga dambuhalang tr...

TGIF Story

O sya, TGIF na! 1. Yung totoo, ay nahirapan akong mag-isip ng panibagong pamagat para sa blog ko. Yung tipong may mga naiisip na akong salita, tapus pag sinearch ko sa net ay ang daming kaparehas, eh ayoko namang maging copy cat; -balintataw -alikmata -durungawan yan yung mga una kong naisip, gusto ko kasi na yung magiging title ng blog ko ay may kinalaman sa mata, pero marami na ang gumagamit, sayang. -Buendia Avenue waley pa rin. may nakauna na sa akin dito. hanggang sa nakuntento na lang ako sa -korta bistang tibobos :) in other words, "nearsighted person" o nilalang na di makakita ng malinaw sa malayo. May kinalaman naman sa mata, pasok na yan lol. Kaya yan ang napili ko kasi bukod sa pagiging super human ay wala na akong ibang makitang kapintasan kundi ang malalabo kong mata (weh? kapal lang). Naisip ko lang baguhin kasi ayoko lang ng self-titled blog. Yun lamang. May maiba lang. 2. Hindi na ba talaga mapipigil ang pagsapit ng ...