Wala Ka Nito :)

Bago matapos yung nakaraang school year, sinubok ko ang mga estudyante (3rdyr at 4thyr) na lumikha o mag-imbento ng isang bagay kung saan maipapasok nila ang kanilang mga natutunan sa science; ang likha ay dapat unique, kapakipakinabang at maipapakita ang pagiging resourceful. Naging mahirap para sa iba, lalo na yung mga tamad hehe, pero naging madali at masaya naman para sa mga mag-aaral na likas ang pagiging malikhain (o pagiging maloko? hehe) Narito ang ilan;


1. may gumawa ng kendi gamit ang kamatis
2. may nagpropose ng isang project plan para makapagtayo ng isang bahay na lulutang sa baha (kasi nga naman bahain ang lugar namin)
3. meron ding bicycle na pwede pang gamitin na pantanggal ng damo
4. lotion na gawa sa saging at honey (super apply pa ako sa balat para matesting, ang ending super lagkit ko din haha)
5. makabagong upuan na pwedeng mag-exercise 


at marami pang iba :) 
(many to mention hehe parang slumbook lang)


pero ang pumatok talaga sa akin ay ito:
*babala: wag masyadong seryosohin :) naging mahusay man ang pagpapaliwanag nila sa kung anu-anong mga scientific concepts na meron dito, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kilay ko sa di mawari nilang likha hehe:*


charan!!! ang magic "discobol"
wala talaga silang binigay na pangalan sa kanilang nilikha, kaya ako na ang nagpangalan :)


naging resourceful naman: ginamit ang mga lumang cd, pati na rin yung mga battery na ginamit nila sa pag-construct ng circuit


pero di ko talaga lubos maisip kung saan ba ito gagamitin? pwede siguro sa cosplay o kaya flashlight kapag brownout :)


at talagang iniwan nila ito sa akin, para naman daw may maipagmalaki akong likha sa mga susunod kong etudyante lol












sa mga nais bumili, ipagbigay alam lamang sa akin (pinagkakitaan pa?)
wala na kayong makikita nyan saan man sa mundo; only in the Philippines :)

*salamat sa komang kong kamay for assistance*
*salamat din sa hitech nokia 3500c*

So, what are you waiting for? Buy now!!!
Limited Edition only.

Mga Komento

  1. chuchalan ang magic disco ball.

    pero naaliw ako sa: 4. lotion na gawa sa saging at honey (super apply pa ako sa balat para matesting, ang ending super lagkit ko din haha)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha idagdag mo pa, mangangamoy saging ka din after mag-apply ng lotion na yun; ang sweet lang, pede ka na langgamin.

      Burahin
  2. malapit na naman ang pasukan. baka this school year malampasan na ang "achievement" na yan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ou excited na ako sa dulo ng skul year na to (di pa nga nagsisimula hehe); anu na naman kayang mga kakaibang bagay ang makikita ko :)

      Burahin
  3. Nice! Interesting invention. Para lang- "Handy Disco Ball- party everywhere, anytime!"

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. actually parang party-party nga lang nung nagpapaliwanag sila ng kanilang likha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento