Lumaktaw sa pangunahing content

Ma, kelan puputi ang uwak?

Dahil mother's day ngayon (at kahit parang nakakaumay na makakita ng hapi mother's day greetings) syempre di pa rin ako pahuhuli na ipagsigawan sa sansinukob that I have the best mom in the universe!!! (sobra?)


1. Kahit ginapos ako ng nanay ko sa gate nung bata pa ako, OK lang (makakaganti rin ako lol) kasi natuto na akong magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kahit maglalakwatsa lang.


2. Kahit panget ako mag-drawing, salamat pa rin kahit napagkamalan niyang baboy yung ginuhit kong aso nung grade 1 ako hehe. Proud ko pa ring pinakita yun sa mga uhuging klasmeyt ko (ang rude ko lang hehe) at baon ko pa rin ang pampalubag loob niyang "ok lang yan, at least kaw ang may gawa" :)


3. Napakatapang niya dahil handa niyang awayin ang kahit sino kapag may umapi sa patpatin niyang anak tulad nung sipain ako ng isang bakulaw na lalaki na napaatras sa super kame hame wave ni mama haha. Taob siya!!!


4. At dahil di niya talaga mapaganda ang pagdrawing ko, sa kanya ko natutunan na magbakat ng drawing sa libro hehe para lang mafeel ko na pede talaga akong mag-fine arts lol. (mapangarap?)


5. Kahit marami na ang nabaling walis tambo kakapalo niya sa akin dahil super pasaway ako, OK lang din, sinumbong ko naman siya sa bantay bata 163 lol, dahil dun natutunan kong magpakabait ng husto :) (weh?)


6. Salamat din at minahal niya ako nang husto kahit super naiiyak pa rin ako kapag kinukwento niya na dapat talaga ay ilalaglag niya ako nung buntis pa siya :( malakas lang daw talaga ang kapit ko hehe, kaya naman dama ko talaga na espesyal ako sa kanya, super caring ganun :) siguro kasi di na rin siya nagsisi nang masilayan niya ang isang anghel na tulad ko haha (anghel pa?)


7. Na-appreciate ko rin yung mga pinagpupuyatan naming project noong elementary, dahil dun lagi akong very good sa mga project dahil maaga akong nakakapag-pasa.


8. Kahit masungit daw si mama (kasi lahat ng klasmeyt ko ilag sa kanya haha) ang totoo super bait talaga siya, lalo na pag may sakit ako kahit anung ipabili ko go lang! :)


9. Salamat sa pagtitiyaga na mapahanginan man lang ako sa manila bay, sa luneta o sa nayong pilipino nung bata pa ako para lang mapalakas ang baga ko, ngayon i'm super strong na (talaga?) polluted kasi dun sa lugar namin.


10. Hindi niya ako pinalaking spoiled. Hinayaan niyang maranasan kong mag-igib ng tubig gamit ang maliit na pitsel at balde para mapuno ang isang drum. Noon kasi pag summer, nawawalan ng tubig sa amin. Kahit nagtataka ako na yung mga kapitbahay kong bata ay di naman pinag-iigib at naiiwan akong mag-isa sa igiban kahit malamok, kasama ko pa nun yung aso na si sadam :) dahil dun natutunan ko kung ano ang pagsisikap at pagtitiyaga :) Proud ko pang sinasabi na "ma napuno ko na yung drum!"


11. Sa kanya lang din ako naniwala na balang araw "puputi rin ang uwak" lol.


12. Salamat sa mga training na binigay niya sa akin (training talaga?) Natatandaan ko nung grade 3 onwards hehe ako ang inuutusan niyang mag-grocery :) Bibigyan niya lang ako ng listahan at after mga 1hour uuwi na ako niyan bitbit ang dalawang plastik na malaki pa sa akin lol. Kahit pawis na pawis na ako pag-uwi, OK lang, sa kada linggo na pagpunta ko sa grocery dun ako natutunan ang value ng pera at ang tamang paggamit dito :)


13. Sobrang maalalahanin mo dahil nung minsang sinugod ka namin sa ospital dahil inatake ka, nung nagkamalay ka ay kami pa rin ang nasa isip mo; pinauuwi mo na ako kahit kailangan pa kitang bantayan dahil alam mong malapit na ang defense ng thesis namin at nakikita mong hagardnez na ako nun, super iyak talaga ako dahil di mo na inisip ang sarili mo. (naiiyak ako!)


Napakadami pa at di sapat ang isang post para isa isahin ang kabutihan ni mama :) Bukod sa mga salita hinayaan niya kaming matuto sa gawa. Pasensya na kung super reklamador ako kasi napapansin kong ginagawa mo na akong katulong lol, pero lahat pala ng mga bagay na yun ay para din sa akin :) salamat sa paniniwala mo sa akin, salamat sa sakripisyo at pagmamahal :)


Di man tayo "cheesy type" na pamilya, lam ko naman na alam mo (more than words) na super mahal ka namin nila ate :)
Pero trip ko talaga maging cheesy tayo one day, basta wag lang corni :)


happy mother's day!!!


*huli na*
salamat sa paulit-ulit mong pag sasabi sa akin na pumunta sa tindahan ni aling conching tuwing tinatanung kita kung kelan puputi ang uwak :) dahil dun lagi akong pinagagalitan ni aling conching tuwing manghihimasok ako sa tindahan nila makita lang ang puting uwak :) hehe, dun ko napagtanto na wag maniwala sa lahat ng sinasabi ng nanay ko :) (kaya tuloy ngayon medyo pasaway pa rin ako lol)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...