Lumaktaw sa pangunahing content

AI-baliw-DATE

Oo na.. Lunes ngayon.


1. Excited na ako kung sino ang mananalo sa American Idol. Kakayanin ba ni Jessica Sanchez ang "karisma" ni Phillip Phillips? Ngayon pa na napabalita na may sakit si Phillip, at imbes na magpaopera ay pinili nya munang tapusin ang season finale ng AI (buwis buhay lang). Kaya naisip ko baka makisimpatya ang madlang Americans sa kanya at bumoto ng over. Gayunpaman, oks lang sa kin kahit di manalo si Jessica, lam ko namang at the end of the day (is another day?) may patutunguhan pa rin ang kanyang career. Yun lang.

2. Mga inaabangan kong date:

May 25- announcement ng winner sa Bagsik ng Panitik ni Bino. Handa na akong mag-congratulate sa mananalo. Oo masaya na ako dun. Yung pagsali pa lang (first time) ok na yun sa akin. Saka nabasa ko rin yung gawa ng ibang kalahok, at talaga namang maraming mahuhusay! So tanggap ko na ang katotohanan haha. Better luck next time ang drama :)

June 4- opening ng klase. How i wish sa june 13 na lang kami mag-start. Hindi pa ako nakapag-evolve bilang teacher hehe. Nag-eenjoy pa rin ako bilang karaniwang tao.

June 17- raffle sa sm haha. Sana naman mabunot ako. Never pa akong nanalo sa raffle ng grand prize. Sana now is my time to shine haha. Kainis lang kasi nung hinulog ko yung raffle ticket sa box eh nilupi ko pa, pano mabubunot yun? Well, God's will :)

Yun lamang.
Naging masaya ang bakasyon ko. (that's what i wanted to believe haha)
Kasi kahit pano ay nabigyan ko rin ng oras ang hilig ko sa pagsusulat at hangad ko na kahit sa pasukan ay makapag-post pa rin ako, hanggat maaari nga gusto ko ay araw-araw. Sana. I hope so. Sana magamit ko ang oras ko wisely :) Let's see!

3. Mga kinababaliwan ko:
Physics- kaya ko to haha.

Technological Singularity- mula nung makapagbasa ako tungkol dito, sa impluwensya na rin ni Jason Silva, kumati tuloy ang utak ko. Feeling futurist at epiphany addict na rin ako. Feel na feel ko ang mangyayari sa darating na panahon (as if naman buhay pa ako nun), anu nga kaya ang maiimbento ng tao na hihigit pa sa katalinuhan ng lahat ng tao sa daigdig? Makakabuti ba ito? o ito na ba ang katapusan ng lahat? (parang pelikula lang)

Tomorrow Today- addict talaga ako dito. Nakakatuwa kasi ang mga science research na ginagawa sa Germany. Sana may ganito ring show sa Pinas nang ma-appreciate naman ng mga pinoy ang kagandahan ng science and technology, lalo na ang mabuting paggamit nito.

Yun lamang. Super pangarap ko pa rin ang Harvard University (kahit bisitahin ko lang, oks na!)

Mga Komento

  1. good luck sa raffle. aabanagan ko ang balato, este balita pala haha

    TumugonBurahin
  2. salamat sa paglahok :D. malapit na ang announcement :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat ulit sa pagkakataon :) ang saya lang kasi marami pa ring noypi ang nagsusulat, at mahuhusay ah :)

      Burahin
  3. malapit na ang ang date ng announcement ng winners sa contest ni bino.

    bakasi phil ang manalo.pero oks naman yun kasi na-beat na ni jessica record ni jasmine trias na 3rd placer

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok lang din sa akin na si phillip ang manalo, kasi ayoko kay jessica mapunta ang American Idol title, mas proud ako kapag Philippine Idol :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...