Blogger o Facebook?

Sa ngayon ay mas ninanais ko pang tambayan ang blogger kaysa sa facebook. Minsan nakakasawa talaga ang magcheck ng facebook account.


1. Yung tipong pati mga kakainin na lang ng mga ka-fb mo (almusal, tanghalian at hapunan pati merienda) ay pino-post pa talaga :) kakaumay. Tapus sasamahan pa ng "ito ang almusal ko! kain tayo! (weh? haha) Pwede namang kumain na lang ng derecho di ba? Hindi ka ba mabubusog kapag di mo pinost yung pagkain mo? lol.


2. Mga status update na di naman talaga update.
For example; "ligo na ako"   "out na me"   "gudmorning mga ka-fb"   "gudpm, sino gusto ka pm"    "nandito na si klengklang"   "haist super traffic"   "nuod muna me"   "birthday ko, greet nyo ako"   at marami pang iba na di ko masikmura haha. Pati pagligo ina-update na rin? 


3. Mga post na di naman ka-like like (haha)
yung tipong sya na nga yung nagpost, sya pa nag-like sa post nya, at sya pa rin ang nag-comment haha. Kaw na mag-facebook mag-isa lol. Tapus pag may nag-like dun sa status nya another comment naman sya nga "salamat sa pag-like" haha with tag dun sa nag-like :) oh di ba ayaw paawat :)


haha minsan over na ang mga nag-fafacebook


4. Idagdag pa ang kanilang mga "boredom pictures"
Eto na ang bagong trend, kapag nabo-boring ka, picturan mo ang sarili mo one-to-sawa haha tapus i-upload sa fb at magtatalon kapag may nag-like o comment :) super tawa lang ako dito, ang mga boredom pictures kasi ay dapat punong-puno ng pag-ngiwi ala cerebral palsy at pag-smile ala lukaret style with editing pa ah :) syempre sa dulo ng mga yan ay ang walang katapusang "salamat sa likes" haha.


havey o waley na ba ang facebook?
*well, depende sa gumagamit*


basta ako, keep blogging! :)

Mga Komento

  1. oks pa naman ang facebook. yun ay dahil nakaintegrate ung automatic post ko dun hahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko sanang gawin yun eh, kaso ayoko talagang i-share yung blog ko sa mga family and friends ko haha, gusto ko naman ng panibagong set of friends yung tipong lahat ay manggagaling sa blogshpere :)

      Burahin
  2. Hahaha saan pa kundi sa blogger na ako :) same tayo, ayoko ding i-share sa family at friends ko ang blogger kaya pang facebook lang sila. Gusto ko ding makatagpo ng friends thru blogging bukod sa pagsishare ko thru blogs. have a nice day!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento