Lumaktaw sa pangunahing content

Agawan Base: It's more fun in the Philippines

Sinabi ko na noon na di na ako gagawa pa ng mga post na tumatalakay sa mga social or political issues, pero di ko talaga maiwasan :) Feel na feel ko talaga ang maging aktibista. Gusto ko talagang ipagtanggol ang sambayanang Pilipino pati na rin ang kalupaan at likas-yaman nito, that's all thank you! Mabuhay :) (Q&A lang?)

Di ko mapigil na wag gumawa haha, mapagpatol kasi akong tao :) Lalo na pag inaapi ang mahal kong Pilipinas! (super makabayan lang).

Katulad na lang ng nangyayaring tensyon sa pagitan ng China and Philippines. Ewan ko kung bakit trip na trip agawin ng China ang Scarborough Shoal eh kung titingnan naman sa kahit anung mapa, luma man or bago, eh talaga namang mas malapit ang islang iyon sa ating bansa. Bukod dun ay pasok pa rin ito sa ating exclusive economic zone, in other words, tayo talaga ang may karapatan dito. Pero dahil singkit ang mata ng mga Chinese (pasensya na) ay baka di nila nakikita ng malinaw ang mapa :)

Ayon nga sa balita ngayon, merong 32 chinese vessels ang naroon sa scarborough shoal. Talaga namang damang dama nila ang pagkakaroon ng malakas na pwersang militar kaya ganun na lang ang pagyayabang at pangangamkam ng China sa mga lupain kahit di naman sa kanila. Isa na nga sila sa pinaka malalaking bansa sa mundo, di pa ba kasya ang kanilang populasyon dun? At pati mga kaliit liitang isla ay inaangkin pa? or sadyang inggit lang sila sa ating likas na yaman? Malay mo nga naman may makalkal na kung ano sa isla tulad ng deposito ng petrolyo, well swapang lang tawag dun (pasensya na ulit, bakit ba ako nagpapasensya :) ayoko lang kasing magmukhang masama at bitter lol)

At ewan ko ba dito kay manong Enrile, maghanda na daw tayo sa giyera! (ok lang ba sya?) Makikigiyera agad? Di ba pwedeng pag-usapan muna? Sa kanya pa talaga nanggaling yun ah, sige sumugod sya mag-isa haha, wala nga tayong mga armas at sasakyang pandagat diba, let there be peace on Earth :) Sabi pa niya kailangan na daw nating "maghasa ng gulok" dun sya tumama, dahil hanggang gulok lang talaga tayo lol.

Nagpalabas pa ng ban ang Chinese embassy laban sa ating bansa. Pinayuhan nila ang kanilang mamamayan na nasa Pilipinas na huwag muna lalabas hanggat maaari, or kung lalabas man ay dapat may kasama. Hello?!!! (may telephone?) Di naman makikitid ang utak ng mga Pilipino na bigla na lang magagalit sa sino mang Chinese na makikita namin. Palibhasa ganun sila. (nahihigh-blood ako haha) Di kami masasamang tao, malawak ang aming pang-unawa, mahal namin ang aming kapwa kahit Chinese pa yan, ipinagtatanggol lang namin ang aming teritoryo and we're not taking it personally. Thank you! :) (haha)
At dahil dyan, nakisawsaw pa ang bansang Taiwan na pinag-iingat din ang kanilang mga fellows dito sa ating bansa dahil baka mapagkamalan daw silang Chinese. Whatever?! Di naman kami mga basag-ulo (medyo lang haha).

Nauso tuloy ang hacking sa mga government website tulad ng sa UP at PAGASA. Pati ba naman sa online world nakikipag-away? Kaya pag may nakabasa nito na isang Chinese na naging bitter sa mga nasabi ko, malamang ma-hack din ang account ko lol. Goodbye blog haha (wag nyong gawin yan, hirap magsimula ng blog ah lol. :)

Mabuhay!
Agawan Base: It's more fun in the Philippines :)

Mga Komento

  1. ihahack na to'ng blog mo hehehehe.

    TumugonBurahin
  2. oo nga coming from a high ranking govt official, very provoking ang kanyang comment, e hindi pa nga sya tapos sa corona trial, gusto nya na naman ng ibang gagawin!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. siguro ang motto nya ay "live your life to the fullest" at saka "live each day like your last day" kaya naman nagpapaka-active sya, kaya mauna na sya dun sa scarborough haha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...