LadLad & LGBT (BalikTanaw FSblog)


(November 23, 2009)
Naging usapin ngayon ang tungkol sa pagtangging ginawa ng Comelec sa grupong “Ang Ladlad” upang maging isa sa mga party list group sa darating na eleksyon. Ang “Ladlad” party list ay binubuo ng mga gay, lesbian, bisexual at transgender. Sabi pa ng Comelec naging basehan daw nila ang mga “teachings” sa Bible at Koran… at syempre pati na rin ang sarili nilang desisyon (aminin yan!). Di raw maganda ito para sa kabataan (tulad ko hehe) at sinabi pa nila na ang pagiging isang gay/ lesbian/ third sex ay imoral… (ayon lang naman ‘to sa kanila).
     Kaya naman… anu pa ba ang aasahan mo mula sa madlang people… ayun, ipnagsigawan ang kanilang mga hinaing! Syempre naman tutol sila sa naging desisyon ng Comelec. Sa saturday issue nga ng Inquirer, may isang article dun na naglalaman ng galit/ puot/ pagkasuklam/ himagsik/ rebolusyun (hyperbole?!) ng mga taong pro- Ladlad. Sabi nila, tila nabubuhay pa ang Comelec sa Dark Ages… at isa itong malinaw at hindi malabo na halimbawa ng DISKRIMINASYON! At dahil dyan… mag-aalsa sila! (sa tingin ko lang).
     Eh may mga bading at tomboy din naman daw na pulitiko ngayun sabi sa isang editoryal ng dyaryong tabloid na Balita… kaya wag na daw maghimagsik ang mga bakla, tomboy (butiki, baboy?!), dahil matagal na nilang napasok ang mundo ng politics… yun nga lang di sila LADLAD!
     Baka raw natatakot lamang ang ilang pulitiko na maagawan sila ng “eksena” once na maka-enter sila sa pulitika dahil syempre mas “bongga” sila (hehe). At ang tawagin pa silang mga “IMMORAL” ay di rin nila tanggap, dahil mauubos daw ang lahat ng pulitiko kung pag-uusapan ang moralidad- wag naman daw magmalinis ang Comelec. (oo nga naman). Sino ba ang may karapatang humusga? Sabi nga ng isang korny na motto: “Don’t judge if you’re not a judge!” Buti pa yun kahit korny ay korny pa rin (hmpf!).
     ANG SA AKIN LANG… wala lang. Baka hindi pa talaga bukas ang isip ng marami… alam mo naman ang kulturang Pinoy “ma-emote.” At wala rin naman akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan pang maging party list ng “ANG LADLAD.” Wag na nilang pasukin ang isang mundong magulo tulad ng pulitika. Kung akala nila magiging maayos ang lahat once na ma-approve ang kanilang grupo, mukhang hindi rin. Anu bang gusto nilang mangyari… gumawa ng batas na magpaparusa sa lahat ng magdidiskrimina sa mga myembro ng third sex? Dadagdagan lamang nila ang sandamukal na batas sa Pinas na walang pakinabang, walang katuparan kundi nasa papel lamang! At saka hindi isinasabatas ang respeto… malas lang kasi nasa Pinas tayo… na konserbatibo kuno.
     Kung sa bagay, kaya ko lang naman nasabi yun kasi wala talaga akong alam sa layunin ng grupo nila… (hehe). Wala lang, isa ata ako sa mga taong nakikisawsaw lang sa usapan.
     Di naman ako pro or anti-LADLAD… Wala lang. Isa na naman itong patunay ng “IMMATURITY” ng sistema ng pulitika dito sa Pinas- na lagi ring ginagamit na dahilan ni Gloria kung bakit di umuunlad ang Mahal kong Bayan ng Pilipinas. Echoz nya! (hehe). Bakit di ba sya parte ng pulitika ngayun? Eh di ibig sabihin, isa rin syang malaking (o maliit?) IMMATURE! (tama!).
pasabit1: Buti na lang nanalo si Efren Penaflorida sa CNN Heroes. Good news! Kaso nga lang bakit ganun ang voting system? “AS MANY AS YOU CAN.” Mas maganda sana kung “VOTE ONCE” lang. Sa tingin ko mas fair yun para sa lahat ng candidates ng CNN heroes. Dahil para na rin syang walang pinagkaiba kung bakit laging nananalo ang pambato at panghagis ng Pilipinas bilang Ms. Photogenic sa Ms. Universe… anyways nanalo pa din. Congrats!
pasabit2: Bawal pa rin kasuhan ang mga “chakang” infomercials ng mga pulitiko dahil di pa naman daw sila nagpa-file ng COC. Neknek ulit ng Comelec! Ibig sabihin nadala sila ng panlolokong iyun ng mga pulitiko?! Halata na ngang nangangampanya eh. Gawin daw bang bobo ang mga tao. Eto ba ang bagong pag-asa/ bagong umaga/ bagong pulitika na sinasabi ng mga nasa infomercials?! Eh di ba yung ginagawa nila ay “style” ng mga makaluma at trapong mga pulitiko?! Ang laki-laki na natin naglolokohan pa rin. Masabi lang na may pinagbasehang batas kaya di pa makasuhan… Ay oo nga pala, ipinatutupad na ang mga batas ngayun para “magpalusot.” Lusot ba naman?

Mga Komento