(November 13, 2009)
Yehey! Nagawa ko ring ayusin ang mga
gamit ko… Yun ang pangarap ko eh, natupad na haha!
Kung meron man akong di naayus… mga 5 to
8 percent lang siguro (kalkulado ko yan). Kakapagod… ilang araw akong tinamad…
kaya ilang araw ko din bago pinagsawaan ang pag-aayos ng mga papel (na
ibinasura lang naman), mga maaalikabok na gamit at pati mga picture sa
cellphone ko ay napagtripan kong i-organize (congratulations!). Pero syempre di
dapat matuwa dahil… di rin yun magtatagal… baka sa simula pa lang ng darating
na sem (last na ‘to) ay bumalik na rin yun sa dati… yun naman ang normal na
ayus ng gamit ko eh- MAGULO!
At anu pa nga bang mas makabuluhan pang
nangyari sa araw na ito? Eh may usb cable na ako kaya nakapag-upload na ako hehe.
(Ang babaw.)
Ay meron nga pala… bumisita pala ngayun
si Hillary Clinton… Sino bang may pakialam sa pagbisita nya?! At ano ba talaga
ang pakay nya dito?!
Paggising ko kaninang umaga yun ang
naabutan kong palabas. Wala lang pinanuod ko lang din kahit na di talaga ako
ganun kapanatiko ng mga pulitiko. Ang dami namang tanung sa kanya… at matapos
nyang masagot ang mga iyon… ano na mangyayari?… Wala lang.
May tanung pa kay Clinton kung anu ang
gagawin nya kung sya ang Presidente ng Pilipinas… Ay ewan… kahit naman sagutin
yun ng matino ni Hillary Clinton wala namang magbabago sa bansa natin… anu bang
gusto ng taong nagtanung na yun… ang umasa? na balang araw ay si Hillary
Clinton na ang nakatira sa Malakanyang. Eh as of now si Gloria pa ang ating
pangulo… kung may dapat mang tanungin ng ganun, dapat ibato yun sa mga
kakandidato sa darating na eleksyon… at hindi kay Clinton! Puro hypothetical
questions… kaya tuloy ang pag-unlad natin ay parang ilusyon na lang din! (Wag
naman.)
At feeling ko lang… kasi damang-dama ko…
bakit ba tila sobra ang pag-asa/ pagsandal/ pagpapa-pansin natin sa Amerika? Na
para bang sila ang solusyon ng lahat ng problema ng mundo? Ang sarili nga
nilang bansa ay may problema din, sabi nga ni Hillary Clinton “we are also not
perfect.” So bakit tayo nagiging palaasa sa kanila?… dapat matuto tayong
umunlad sa sarili nating gawa.
Pero in fairness… ang galing ni Clinton… ang galing
nya mag-english… sabi nga ng nanay ko hindi nya maintindihan ang sinsabi nya…
buti na lang merong update na ginagawa si Ted Failon para maintindihan ng
lahat. Yung mga sinabi ni Hillary… matagal na nating alam yun… di lang natin
pinapansin… at di lang natin ginagawa.
Tapos meron pa… ewan ko ba kung anung nangyari kay
Edu Manzano at tatakbo sya bilang Vice President ni Gibo… handa na talaga sya
magtanung ng “Pilipinas Game KNB?!” haha! Ooops! Di ko minamaliit si
Edu ah, pede nya yun gamitin sa kampanya. Good luck sa kanya.
Kakasawa na mga pinagsasabi ng mga
pulitiko… mga abstract na script… walang patutunguhan… inililipad lang sa
hangin.
Gabi na… matutulog na ako. Sana bukas WOW
Philippines na!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento