Panain na lang ang Panamanian National :)

Nakakatuwa lang ang ilang balita ngayon sa TV... di ko alam if kelangan ko bang mag-react, papatulan ko ba or dedma na lang :)


Pag pumatol ka kasi, sasabihin ng iba "nu ba yan, pati ba naman dyan nagrereact ka pa!" kapag wala ka namang ginawa at dinedma mo lang maaaring sabihin ng iba o ng sarili mo mismo na "anung klase kang mamamayan ng Pilipinas? wala kang kwenta! wala kang pakialam!" (weh? nagpapaka-deep lang).


So, magrereact na lang ako! wapakels na lang! (weh ulit? yung totoo ay wala ka lang mai-post)


#1: Immunity: Survivor lang?

Nakakaloko yung nangyari sa isa nating kababayan. Ayon sa babae, pinagsamantalahan sya ng isang Panamanian national. Nagsampa sya ng kaso pero nabalewala lang dahil isa palang diplomat sa ating bansa ang may sala, at ayon sa pinaiiral na batas (na hindi naman patas) may "immunity" daw ang pagiging isang diplomat, so hindi sya makakasuhan, lakas lang ng resistensya di ba? Immune na immune! :) Ibig sabihin kahit pala makapatay sya, maghuramentado sa labas, hindi pa rin kakasuhan? Daig pa survivor sa immunity :) Ewan ko, di na ako nagresearch pa sa mga diplomatic rules etc (i have no idea lol) kaya sana naman pakipaliwanag ito ng mga polsci grad or abogado for the benefit of common people (madlang tao). Kawawa naman si ate, ganun ganun na lang? Pero sa isang banda parang gusto rin syang pagsabihan (nang-sermon pa), napanuod ko kasi yung interview sa kanya, sabi nya naging magaan daw ang loob nya sa Panamanian, kumain sila, nagkwentuhan at sumama pa sa isang room at yun na boom! :) So, ibig sabihin may kasalanan din siya, foreigner nga eh tapus feeling close? kwento mode pati nga daw buhay-buhay nila ay "may-i-share" sya at sumama pa sa isang room? naman... (nanisi pa lol). enwey... ang lesson sa pangyayaring ito ay "wag agad magtitiwala at makipag-super friends sa iba, sapat na ang maging nice!"


x-o-x-o-x

*commercial*

Mula nung sinabi ko sa aking mahal na ina na may blog ako, alam kong naging medyo curious sya sa mga pinagpopost ko sa blog. Tulad ngayon, yung issue #1 ay inabot ako ng kalahating oras kasi padaan-daan siya sa likod ko dahil lam nyang may tinatype na naman akong kababalaghan hehe, so gumagawa sya ng mga special tactics para mabasa ang mga sinusulat ko (na ayaw kong mangyari hehe) at ito ang ilan sa mga logical and rational tactics nya (na waley naman lahat dahil pag na-sense kong nandyan na siya ay kiniklik ko sa ibang tab hehe):

1. dadaan sa likod ko pero ang tingin ay sa monitor
2. tatawag sa telepono (kasi malapit yun sa desktop) pero nakatingin pa rin sa monitor :)
3. lumalakad ng dahan dahan para wala akong marinig na kaluskos kasi ang target ay mabasa pa rin ang pinopost ko hehe pero pag alam kong malapit na sya, lipat agad ako ng ibang tab
4. at eto ang pinaka-da-best (pero waley pa rin), kukuha siya ng silya at uupo sa tabi ko tapus sasabihin niya paki-open yung fb nya, tingnan namin yung mga pictures, paki search ang mga branches ng DHL, i-google ko daw ang numero ng DFA, NSO, DOH at iba pang departamento sa bansa haha, at dahil sa mga pinagagawa niya nawawala ang momentum ko sa pagsusulat (tulad ngayon tinamad na akong sundan pa ang issue #1 dahil sa tactic nyang ito lol nawala ako sa focus) ang ending- di ko matagumpay na naisulat ang lahat ng naisip ko; di pa rin niya nabasa ang ginagawa ko at parehas kaming talo!!! :)

ang kulit naman kasi ni mother earth eh, sinabi ko naman sa kanya na yung blog ko ay di para sa kanya o kahit sino pang member of the family haha (dahil baka masayang lang ang oras nila) *ang damot lang* :) hay nakow, so what is ur next strategy mother earth? :)

Mga Komento

  1. haha pabasa mo na kasi. sabi ko kay mudrax nasa blog ko siye tuwang-tuwa!

    sabihin mo rin nasa blog mo siya hihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe ang totoo baka magpagawa pa yan ng blog, gusto kasi ni ina na kung anung mga account meron ako ay meron din sya :)

      Burahin
  2. haha! naaliw ako sa madir! ang sarap i-friend! LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha go! mahilig yan makipagkwentuhan at mag-videoke :)

      Burahin
  3. may pagkachismax si mader hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha di naman, may pagka-imbestigador lang talaga :) mahusay nga eh pedeng myembro ng swat :)

      Burahin
  4. natawa ko kay mudrax, parang tamang hinala hahaha :)

    TumugonBurahin
  5. tama hinay hinay lang magtiwala, da best si madam mother earth hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek! magtiwala lamang ng lubos sa sarili at mag-iwan ng kaunting pagdududa sa iba (for the benefit of the doubt haha ewan makaganyan lang); tama ka din, da best na para sa akin si mudra :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento