Lumaktaw sa pangunahing content

First Time Applicant (BalikTanaw FSblog)

(March 26, 2010)
  “Kung mataas lang ang sahod ng isang teacher… eh di sana di na ako naghangad pang maging call center agent.”
March 25- Gumising ako ng maaga, may interview kasi ako sa Ortigas sa isang call center company. Hindi talaga ako sigurado kung matatanggap ba ako o kaya’y kung ano ang mangyayari after.
“Oi umalis ka na, kala ko ba 6:30 ang usapan nyu, late ka na oh ala sais na,” sabi ni mama.
“Wag ka mag-alala ma, late din naman yung mga kasama ko, (hehe),” yun na lang ang naisagot ko.
Lampas 6:30am na nang dumating ako sa aming meeting place- Mang Inasal, Malinta. At tsaran! Ako pa ang nauna, (hehe). Sabi ko na nga ba tama ang sinabi ko, (hehe). Himala atang nauna pa ako sa kanila, samantalang lagi naman ako ang humihingi ng pasensya kasi lagi talaga akong late (masamang kaugalian, hehe). At dahil dyan… walang nagtext! Kahit isa sa kanila ay wala pang nagtetext kung nasaan na sila… Kinuha ko ang cellphone at nag-GM. “Wer n kau? d2 n me!” Tapos isa-isa na silang dumating. Si ate Julie, buti na lang dumating sya dahil sya ang nakakaalam ng lugar, si Darryl, na kahit wag na mag-apply ay kukunin naman (hehe), si Aubrey, na akala ko ay di makakapunta pero buti na lang din at nakarating sya, at si Gilbert, hay natupad ang prayer namin ni Da na sana ay payagan sya. Nakumpleto na kami kaya lumarga na tungo sa kinabukasan (haha).
Sakay muna ng bus, muni muni at konting usapan tungkol sa mga ini-expect namin pagdating dun. Medyo mahaba din ang byahe, kaya nakakaantok, medyo mainit at mausok, kaya panigurado pagdating namin sa office ng Teledevelopment ay hagard na kami. Tapus sakay naman sa MRT. At di ko inakalang magiging effortless ang pagpasok ko sa MRT, sa dami ng tao na gustong makasakay, at sa patpatin kong katawan, ayun nagpatangay na lang kami sa mga naggigitgitang mga tao (haha), para akong basura na inagos sa loob. At bawal gumalaw sa loob ng MRT dahil sa sobrang siksik sa dami ng tao di ka na magtatangka pang kumilos (pati na rin ang huminga haha). Kawawa naman ang mga babae at malilit na tao (hehe), dahil durugan talaga ang laban, lalo yung mga malalaking mama, sila pa ang nakikipag-pwersahan! Mga panget na yun! At matagal naming tiniiis ang ganun, hanggang makarating sa Ortigas station.
Pagkababa, ang sarap ng pakiramdam. Nakahinga din. Lumakad kami sa initan, dedma na lang kahit mainit at pinapawisan… basta makarating lang sa paroroonan. Daming taong nagmamadaling maglakad, wala na ngang pakialam kung may mabangga man sila. At sa wakas, nakarating na kami sa Equitable Tower, at sa labas nun ay tumambad sa amin ang mga call center agent na nagyo-yosi break- halo halo sila, mga babae, bakla, bisexual, at lalaki din daw (haha). In fairness, may mga attitude silang lahat (haha). Syempre di muna kami umakyat sa 36th floor kasi hagardnez pa kami kakalakad. Tambay muna kami sa labas habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Naitanung ko tuloy, ganito ba talaga sa corporate world? masyado na kasi akong nasanay sa school environment, eh kasi nga educ naman ang course ko (haha).
Matapus ang ilang sandali, dumeretso na kami sa loob. Kinausap ang receptionist at sumakay ng elevator paakyat sa 36th floor. Ang taas! Pagdating dun sa Teledevelopment office ay kinausap din namin ang contact person na si Peggy, mabait naman sya (hehe), napaka-soft ng voice, siguro matagal na rin sya dun. Naghintay muna kami sa waiting area para tawagin ang aming pangalan. Mahabang proseso ang dinaanan namin- mula sa pagfill up ng information sa kanilang database, exam sa grammar at computer, hands-on test sa phone call (na favorite part ko kahit mahirap hehe kasi masaya) at typing test (na di ko inabot, hmpf). At ang pinaka huli ay ang interview! whew! Inabot kami ng maghapon sa opisina nila, kala ko pa naman ay makakapag apply pa kami sa iba at makakagala (hpmf).
To make the story short, ang kapalaran ko ay napunta bilang trainee nila (na di ko alam kung itutuloy ko ba). At dahil tumawag si Maricon next time na lang ang karugtong… (hehe nag-enjoy sa kwentuhan hehe)!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...