Lumaktaw sa pangunahing content

Live More!


"I want to live more."

Minsan naiisip ko nakakasawa rin ang mga daily routines ng buhay. Kaya nga ako na lang din mismo ang gumagawa ng mga "baliwan mode" para lang may maiba sa buhay kong ito :)

Sana, hindi lang ako basta bumabangon sa higaan, wala man lang thrill. Gusto ko sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga ay may bumabagsak na isandaang kutsilyo mula sa kisame ng bahay na dapat kong maiwasan :) Oh di ba, sa ganung paraan, tiyak magigising ako kahit walang alarm clock.

x-o-x-o-x

Siguro, kung wala lang akong obligasyon sa aming pamilya ay pipiliin kong maging social worker. Masaya siguro na mabuhay sa pinapangarap mong paraan. Hindi ko naman talaga gustong yumaman. Kuntento na ako kung maipapatayo ko ng magandang bahay sila mama at papa, makakain ng sapat sa araw-araw, may panggastos sa mga pangangailangan, at pambayad sa lahat ng bills :) Yun lang, oks na yun. Kaso, di ko pa nagagawa yan sa ngayon.

Naisip ko lang, kung papayagan nila akong mabuhay mag-isa, magpapaka layu-layo talaga ako. Gusto ko talagang maging member halimbawa ng isang NGO para makatulong sa society (wow ah). Ok lang sa akin walang kitain basta may titirahan at pakakainin nila ako haha (pagkain talaga). Kaso, nahihiya lang din ako sa aking pamilya dahil feeling ko di naman nila ako pinagtapos para maging ganun lang. Pero ewan ko lang din, yun talaga ang naiisip kong gawin, yun nga lang pag pinili ko ang hamak na buhay na gusto ko, malamang hindi ko magampanan ang aking tungkulin sa aming family.

x-o-x-o-x

Hay naku... nagpapaka-deep na naman ako. Bakit ba gusto kong tumulong sa iba? (kahit di naman ako mayamang tunay);

1. Di naman mga bonggang pagkain ang naihahain namin sa bahay, pero feeling ko mas masarap kumain kasama ng mga nagugutom (mga pulubi, mga pinabayaan ng magulang). Yung tipong nagkakaroon ng saysay ang bawat pagsubo ko ng pagkain sa bibig dahil alam kong di lang ako ang nabubusog kundi pati sila din :)

2. Tuwing matutulog din ako sa makati kong kama haha (swear makati talaga yung kama ko kasi halos kasing tanda ko na yung kutson, kasama ko yung lumaki at di talaga ako nakakatulog pag hindi ako dun nakahiga) iniisip ko yung mga natutulog sa labas, sa lansangan at sa semento. Ang lungkot lang kasi natutulog ka ng mahimbing habang sila ay natutulog lang kung saan. Hangad din naman nilang ng maayus na tulugan di ba?

3. At kapag may sakit naman ako, super hinayang pa ako sa mahal ng check up at mga dapat bilhing gamot, pero sa kabilang banda super thank you na ako dahil kahit pulubi ang kalupi ko at least naaalagaan ko ang aking sarili, kaya di ko rin lubos maisip kung paano na lang kaya yung mga walang-wala?

4. Naaawa rin ako sa mga batang biktima ng kapabayaan ng magulang. Kung may paampunan lang ako, kinupkop ko na silang lahat. Ang kakapal ng magulang nila para magkaroon ng anak tapus pababayaan lang.

5. Gusto kong malaman ng lahat ng mga naghihirap sa paligid na meron pa ding nakakaalala sa kanila. Na gusto kong makiramay sa pakikibaka nila sa araw-araw para mabuhay. Na minsan di rin ako nakakatulog ng mahimbing lalo na pag umuulan dahil alam kong merong mga taong walang masisilungan.

Yung feeling na di man ako super bait na tao, at di man ako madasaling madalas, kapag sila naman ang nasa isip ko, parang gusto kong kulitin si God for a miracle to them. O kaya ay kalampagin ang mga super yaman para ibahagi naman ito sa iba. Ganun talaga.

Kaya sana, hindi lamang basta pakikisimpatya ang kaya kong gawin.
Kaya dapat magtulungan tayong mga pipol, "heal the world, make it a better place"

*nakakatuwa lang, yan yung kinanta ko nung 3rdyr high school ako sa harapan ng aming klase, kakahiya lang kasi super ganda ng boses ko :) pauso kasi yung mapeh namin nun may pa-showcase pa ng talent, yan tuloy, super sing ako :)*

Mga Komento

  1. "Gusto ko sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga ay may bumabagsak na isandaang kutsilyo mula sa kisame ng bahay na dapat kong maiwasan :)"

    -ang likot ng isip mo haha!

    TumugonBurahin
  2. Kung ano ang nasa puso, sundin. Salamat sa pagdalaw. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...