Lumaktaw sa pangunahing content

I Love Palengke

Gustong-gusto ko talaga ang pumunta sa palengke :) Feeling ko kasi bukod sa loob ng bahay, yun lang din ang isa sa mga lugar na pwede kang mag-haggard look hehe. Kaya kaninang umaga, kahit bagong gising pa lang, go ako sa pagsama kay madir sa pamamalengke nya, in other words, effort less ang self preparation kung sa palengke ka lang pupunta, lalo  na ngayong summer, "in" talaga ang haggardness :)


Ang badtrip lang sa munting kasiyahan kong ito ay kapag may nakakakilala sa akin sa kabila ng "haggard disguise" ko. Yung tipong nag-eenjoy ako sa pagmamasid ng mga tinda sa tiangge tapus biglang may sisigaw na "uy sir! kaw pala yan!" tapus sabay tingin mula sa dulo ng iyong kuko sa paa hanggang sa dulo ng mga fly away kong hair. Ang saya lang di ba? Sa laki kong to, maitatanggi ko bang ako nga to. Di na ba ako pwedeng mabuhay ng malaya sa mundo? May karapatan din akong maging haggard haha. Makibaka!!! Wag matakot, maki-haggard!!! :)


Yun lang ang mahirap, kahit saan, hanggang sa palengke ay teacher ka pa din lol.



Na-encounter ko lang, sabi nung lalaki (daw): Nay pabili ng kalahating kilong kamatis at "kerots".
-oha! sosyal lang si kuya, may accent, pakerots-kerots na lang hehe

Basta mahal ko ang palengke. Dito rin sa lugar na ito ako nakakakuha ng inspirasyon. Alam mo yung napakasarap tingnan ng mga masisigasig na tindero't tindera, bata man o matanda, na walang pagod na nagsisikap makaubos ng kanilang mga paninda. Dito mo makikita ang tunay na kahulugan ng "pagbabanat ng buto". Yung tipong kahit tumatagaktak na ang kanilang pawis sa sobrang init, idagdag pa ang medyo wonderful na amoy ng paligid hehe, masikip, maputik- lahat ng mga ito ay di naging hadlang sa kanila upang itaguyod ang kanilang pamumuhay sa tama at mabuting paraan! Di katulad ng mga buwaya sa pamahalaan!!! (super exclamation haha) at ng mga magnanakaw sa kapaligiran!!! 

Mabuhay ang palengke! Mabuhay lahat ng masisipag na nagtitinda! whew :)

Mga Komento

  1. bihira ako'ng mamalengke. sa supermarket kasi ako bumibili hahahah. eh kasi naman katapat lang ng bahay ko ung mall eh ung palengke ng alabang, isang sakay pa :D

    TumugonBurahin
  2. masaya talaga magpunta sa palengke. mura na ang bilihin, makakatawad ka pa kay suki. minsan may dagdag pa. keber na sa amoy, di naman mailuluto yon:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama! para sa mga nagtitipid at gustong maka-win ng mga friends (suki) sa palengke na tayo mamili :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...