Lumaktaw sa pangunahing content

"...gravity si ate gurl,"

 
         Napaka-challenging magsimula ulit ng klase matapos ang maraming araw na walang pasok; tulad ng paano ko ba gigisingin ang brain cells ng mga bagets mula sa pagkakahimbing, idagdag pa na ganun din para sa akin, kailangan ulit mag-build up ng routine. Ang nakakalurkey pa ay yung marami pa rin ang absent kahapon sa unang araw ng pagbabalik ng klase matapos ang mga suspension dahil sa bagyo.

          Bale, sinimulan ko sa paggamit ng rebus puzzle. Naisip ko kasi, logical ito kaya pwede gamitin para makapag-isip ang mga bagets. Kaloka lang sa unang klase na ginamitan ko ng rebus puzzle, mga lutang. May nakasasagot naman pero natulala ata ang iba sa puzzle at na-amaze na lang sa mga sagot. Kaya minsan dinadaan ko na lang sa saglit na kwento para gumaan-gaan ang daloy ng lesson. Narinig ko rin si Ma’am C, ang sabi “hay naku, lutang mga isip ng bata,” pagbalik niya sa faculty. Kaya ang lutang-isip-phenomenon matapos ang mahabang suspension ay true at hindi false. Ganun talaga eh ‘pag galing sa mahabang pahinga.

          Na-observe ko na patok ang logical puzzle na ito sa mga homogenous class, mas may patol sila sa mga ganitong ganap. Pero nakakatuwa sa pakiramdam kapag may nakasasagot mula sa heterogenous class, with emotions kasi sila at excitement sa pagsagot!

          Ngayong ikalawang araw ng pagbabalik ng klase, bumalik na rin naman ang routine at wisyo ng mga bata, pero may mga estudyante pa rin na hindi pa pumasok. Ang hirap niyan ay kung paano sila makasasabay sa lesson… huhugot na naman ng paraan si titser.

          LT pala sa jeep na sinakyan ko kahapon pauwi, palibhasa hindi ako kilala ng mga bagets dahil ibang grade level sila. Noon lang ako nakarinig ng bata na gustong magkalagnat para raw bukas ay doon siya mag-stay sa clinic; ang sabi pa niya sa kanyang mga klasmeyt– “ipag-pray nyo ah na lagnatin ako bukas,” like wat dah… di ba? Base sa narinig ko sa kanilang usapan (usisero pala si sir lol, paanong hindi eh ang lalakas nila magkwentuhan sa jeep, ang kikire pa, char) meron silang gustong makita sa clinic, di ko tiyak kung sinong “kuya” yung tinutukoy nila… pero iba at gravity si ate gurl, push na push magkalagnat, hahaha!



Mga Komento

  1. Naloka ko sa batang iyan.. Napaka-kire! Chos! Hahahaha.

    Hmmm.. Nalimot ko na yang rebus puzzle, magamit nga... sobrang nageenjoy ako sa Kahoot! Pati yung mga matatanda, nagenjoy din. Lol. Kaya gagamitin ko sya sa isa ko pang event sa october.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. narinig ko na ang Kahoot! na yan, kaso di ko pa nagagamit, or possible ko kaya siyang gamitin? paturo cher! :)

      Burahin
  2. Para naman hindi naging bagets si sir. Ganyan din ang prayer ko noon. Hahaha|

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi ko masyadong ramdam yung clinic namin noon Mr. T, kaya wala akong prayer na ganyan, saka di ko rin naman gustong makita yung nandun, charot hahaha! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...