Lumaktaw sa pangunahing content

"Maikli"


Ika-30 ng Agosto, 2014
Sabado, 10:15 ng gabi


            Mula umaga hanggang tanghali ay magkabati pa ang nanay at tatay ko… sa paggamit ng tv. Palibhasa, nasa prime time pa ang kanilang mga panunuorin. Pero ‘wag ka… kapag kumagat na ang dilim… bakbakan na sa tv! Kada komersyal, lipat ng lipat sa ibang channel… basketbol… teleserye… basketbol ulit… teleserye ulit… basketbol na naman… teleserye na naman… hanggang ang tv ay matigbak.

            Mabuti pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto… sitting pretty sa harap ng tv sa kanyang silid.

            Mabuti pa ako… hindi na lang ako nanunuod lols.

        Ni hindi ko man lang natunghayan sa tv yung balita na hindi raw pusa sa Hello Kitty! Napakaimportanteng balita pa naman nun, life changing hahaha.

            Hay buhay… kakaiba.

            Maikli.


Mga Komento

  1. hinahanap ko ang whiskers ko kasi baka ako ang nawawalang kapatid ni hello kitty!!! Hahaha..

    Di na rin ako mahilig manood ng tv, halos lahat kasi pwede nang ma-browse online.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. baka nga magkapatid kayo cher Kat hehehe,
      sa yahoo news or sa fb na lang ako nakikibalita sa mga nangyayari sa mundo...
      ...pero parang iba pa rin kapag sa tv :)

      Burahin
  2. What the hell's all the fuss about Hello Kitty? Ok lang na hindi ka manood ng TV. Medyo magiging cave man ko tulad ko, pero kailangan ba talaga natin aliwin ang sarili sa panonood ng nakakatanga na palabas at mga international games na kulelat pa rin tayo, kita nang kulelat eh hindi naman pagbuhusan ng investment at attention?

    Whatever.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga sa susunod na manunuod ako ng tv ay kinatatakutan na ang husay ng mga pinoy sa sports :) higit pa sa china hehehe :)

      Burahin
  3. bwisit si hello kitty! ambisyosa! gustong maging bata e pusa siyaaaa!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...