Lumaktaw sa pangunahing content

"For commercial purposes only?"



            ‘Di natin maitatanggi na may mga komersyal pa ring ipinalalabas sa telebisyon na punong-puno ng pambobola at walang halong katotohanan, o kung meron man, nasaan?

            Halimbawa, isang artista ang mag-eendorso ng isang pampaputing produkto… pero alam naman natin na noon pa man ay maputi na siya!

            Na minsan, masyado na atang OA ang mga commercials na nagiging malayo na ito sa reyalidad. Halimbawa, yung mga komersyal ng pagkain. Ang biskwit na may palaman kapag sa komersyal mo napanuod ay punong-puno ito, lapat na lapat ang palaman hanggang gilid; pero h’wag ka, kapag binili mo na mapapatanong ka kung nasaan na ito napunta… saan pa kundi sa gitna! Hahaha.

            Sa sobrang galing umarte ng mga artista, ang “malutong” ay nagiging “pagkalutong-lutong!” Ang “masarap” ay nagiging “napakasarap”… pero sana ganun din sa totoong buhay lols.

            At hindi ko rin makuha ang dahilan kung bakit kailangan na rin ngayon gawan ng commercial ang isang paaralan. Kukuha pa talaga ng sikat na artista para makahatak ng mga estudyante na mag-enroll sa kanila. Tulad na lamang ni Daniel Padilla sa komersyal ng AMA. Sabi niya nga di ba “AMA ako!” paulit-ulit pa hahaha. Siya nga pala baka magalit sa akin ang mga fans ni Daniel, I have nothing against him (paglilinaw lamang); ganun na rin sa AMA… ito’y isang opinyon lamang.

            Ang sa akin lang, bakit pa sila kukuha ng isang artista para i-endorso ang kanilang paaralan? Buti sana kung yung artista na yun ay nakapagtapos sa paaralang iyon, kumbaga siya ang buhay na ebidensya ng kalidad ng pagtuturo sa paaralang iyon. Pero kung hindi ganuon? Ano? Bakit? Mas matatanggap ko pa na gumawa sila ng komersyal gamit ang mga nagsipagtapos na sa kanilang paaralan na naging matagumpay na sa kanilang larangan, at least first hand evidence ika nga!

            Dagdag pa, maaaring di pa rin sapat yun… kasi paaralan may komersyal? Ano na ba ang edukasyon sa bansa natin ngayon? For commercial purposes only?

            Baka naman mag-rebolusyon sa akin ang mga creative people behind those commercials (o baka hindi naman kasi sino lang naman ba ako hahaha).

Sa panahon ngayon na isang choice na lang ang pagiging mangmang at naging mas mapanuri pa ang mga audience o manunuod, bigyan naman natin ng bigat ang mga ipinalalabas natin sa telebisyon. Iba kasi yung makatotohanan kahit pa sabihin mong may halong creativity o acting, iba pa rin ang isang komersyal na may integridad, iba pa rin ang mga komersyal na nakapagpo-promote ng values kalakip ng pagiging masining o malikhain. Ibang-iba ang isang komersyal na may puso, talino at katotohanan; malayong-malayo sa mga ginawa lamang para kumita at mambola.


x-o-x-o-x


            Parang nakakabobo na rin ang mga tinaguriang “reality shows” na hindi naman talaga “real” hahaha. O mga teleserye na pinapahaba kapag mataas ang rating. Imbes na ma-enjoy mo ang isang napakagandang istorya, nawawalan ito ng saysay… kumbaga parang isang malinamnam na sabaw na nahaluan ng maraming tubig kaya iyon lumabnaw at tumabang… at sa bandang huli sa halip na magmarka ang ang isang soap opera, ayun tuluyan mo na lang itong kamumuhian hahaha.


            Ang TV? Anyare?...


Mga Komento

  1. haha kaya nga ang ibang mga pinoy mag pinipili nila ang mga asian novela kasi fast facing ang mga kwento kaya di sila nabibitn...

    teka speaking of this nanganak na ba si Maya? lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala na akong balita kay Maya eh... naging ibon na ba siya? :)

      Burahin
  2. I know right...
    Nescafe commercial pa rin ang peborit ko :D

    TumugonBurahin
  3. Pbb? Be careful? Hahaha

    Si Daniel Padilla kasi na sa kanya ang lahat oh wo oh oh wo oh!

    Hahahha!

    Next year niyan nasa ACLC nmn siya

    TumugonBurahin
  4. Thai commercials are well known lalu na't makabagbag damdaming istorya at akala mo short movie na sa haba. Nakikita ko lang siya posted and shared sa FB kasi hindi naman ako nanonood ng tv. Yung school ko nga eh walang signage sa labas ng street hindi tuloy makita ng mga naghahanap. Pag magaling ang iskul, no need to advertise.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko rin talaga ang mga thai commercials :)
      i agree sir jonathan, kapag kilalang magaling ang isang eskwelahan hindi na ito dapat pang i-advertise :)

      Burahin
  5. Relate much ako dito sa commercials ser Jep. Hindi lang pambobola, purely kasinungalingan pa!

    one very good example is the newest tv commercial ng Sun Broadband. hayup din yang Sun sa panloloko. Pinagmamalaki nila na fast, reliable and consistent yung internet connection nila? ang kapal lungs! Ako ang living testament na magpapatunay na bulok ang serbisyo ng internet broadband nila. Jusko, ilang years din kaming pinahirapan ng Sun na yan dahil sa slow as snail na internet connection nila. I'm using Globe Tattoo at the moment, so far so good namans compared sa Sun na sobrang pahirap sa buhay ahaha!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...