Lumaktaw sa pangunahing content

Pwede Bang Ako Muna Ngayon?

Palihim kong kuha habang nagkaklase...
Nung nag-aaral pa ako sa kolehiyo (kala mo naman napakatagal na ang lumipas) kapag di ko na masyado ma-absorb ang pinag-aaralan namin, madalas tulala lang ako sa bintana... naghihintay ng uwian :)

Yun yung mga moment na haggard na yung utak ko (wow meron?) para makaintindi pa ng kung anek-anek na lesson.

Kaya madalas talaga akong maupo malapit sa bintana. Kasi bukod sa mahangin, meron pang libreng short course sa photography haha, syempre gamit lang ang cheap kong nokia 3500c :) *bestfriend*

So habang busy ang lahat sa kakatalak dyan sa harap, super hanga naman ako sa cloud formations at ang kulay ng langit lalo na tuwing paglubog ng araw. Para sa akin droga na yun :) Nakaka-high ng feeling :)

Iniisip ko kasi na ang mga formation ng clouds na ang pinakamagandang artwork sa lahat... kasi walang kahit na sino man ang maaaring magdikta ng hugis o porma nito.


x-o-x-o-x

Naalala ko yung sinabi nung prof namin sa psychology, sabi niya hindi natin dapat pinipigil ang ating nararamdaman. Halimbawa kung galit na galit ang kaibigan mo dahil hiniwalayan ng syota, wag mo syang pakalmahin lang dahil di mo naman talaga naiintindihan ng lubos ang nararamdaman niya. Hayaan mong maubos sa isang iglap ang lahat ng kanyang galit.

Kaya nga daw may mga taong hirap mag-move on kasi lagi silang naka-linger pa rin sa di maubos na emosyon. In other words, dahil dun tawagin na lang natin silang mga shunga haha :) *ang sama*

Kaya nga kapag badtrip ako at medyo wala sa sarili... aba nilulubos ko na :) Baliw-baliwan na ito to da max para maubos agad ang topak :) Nandyang kain ako ng mga junk foods tutal patapon na rin ang buhay na 'to! lol :)

O kaya, soundtrip... basagan ng ears :) Or ligo to da max, yung tipong gumagawa pa ako ng sariling ulan sa banyo hahaha. Ganun lang. After ng isang bagsakan na baliwan blues... ayun back to abnormality :) Tuloy ulit ang life.

x-o-x-o-x

Maipapayo ko na masaya at makabuluhan ang pagsusulat. Mula nung hinayaan ko ang sarili ko na magsulat *kahit ano*, dun ko lang mas naintindihan ang sarili ko. Dun ko nakita na di naman pala ako laging naka-depende sa pananaw o payo ng iba... na meron din pala akong sariling mga paniniwala at ideya.

Natutunan ko rin na gamitin na lang ang masasakit na karanasan o nararamdaman para makagawa ng isang kahit super ikli lang na kwento. At least, di ako masyadong nagpapadala sa masasakit na bahagi ng buhay. *taray! drama?*

x-o-x-o-x

Speaking of nosi balasi, na-realize ko na hindi naman pala lahat ng kaklase ko ay naging super close ko... pero di ko naman din sila kagalit o kaaway. Wala lang. May ganun lang siguro talaga.

Ok na rin sa akin yun, kaysa naman yung mga nakapalibot na tao sayo ay feeling close di ba? hahaha. Yung tipong sarap ibaon sa lupa :) at sampal sampalin ang mukha lol :) *sadista talaga ako* at i-ngudngod sa putik at sabihan ng "hoy! close ba tayo?! lumayo-layo ka nga sa 'kin ah, naaalibadbaran ako sayo parasitiko!" hahaha :)

Well, so far, wala pa naman akong nasabihan nun, coz i'm kind :) *naubo... with phlegm*

x-o-x-o-x

And it's not really worthy to stay in a rat race. Yung mga taong nasa ganung kalagayan... hay ewan. Basta ako, eto proud tulaley. Pagod na ako sa rat race na yan. I've had enough. 

Yung tipong may makakasalubong ka tapus sasabihin "Uy! kaw na ba yun yung anu eklabu *mga papuri* kamusta ka na?... bakit ganyan ka na?" *anu?*

Minsan tuloy napapatingin ako sa salamin... may mali ba sa dati nang mali kong mukha? yung tipong lahat na lang... materyal ang batayan.

Pwede ko namang sabihin na "Lam mo successful na rin naman ako eh. Pinalaya ko yung sarili ko sa stereotype na kalagayan ng lipunang ito. Pinamuhay ko yung para sa kin ay tama at totoo. Ginawa kong batayan ang aking sarili. Kumikilos ako at nabubuhay nang hindi masyado naka-depende sa iba. Pwede na ba yun sayo? Kung hindi, sa kin ok lang."

Soplak ko na sana eh... kaso yung napadaan... hindi pala ako ang kausap. So eskapo mode na lang ako haha :)

Ang mahirap sa mundong 'to, pag nabigyan ka ng ganito, akala nila lahat na nasa iyo. Pagbibigyan ko ba sila... malamang hindi... pasensya na... PINAGBIGYAN KO LANG ANG AKING SARILI.

Mga Komento

  1. sabi din sa psychology 3-5 months "ata" yung normal phase para maka move on ang isang tao 3-4 months naman ang normal phase ng depression beyond that abnormality at alteration na sa mental health.. ewan. di ako naniniwala marami kasing factors eh at depende din yun sa EQ ng isang tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin di naniniwala... sabi nga it's your choice :) kung gusto malosyang sa kalungkutan go! haha :)

      Burahin
  2. napaka hirap tlga pag my pinipigil ka ee naranasan ko na yna

    TumugonBurahin
  3. nung nagbreak kami ng jowa ko ng 7 years..umaga, tanghali, gabi akong umiiyak..kelangang ilabas hindi pwedeng hindi..kaya agree ako na dapat itoda-max..ibuhos lahat hanggang sa wala ng matira..pagkatapos nun, ok na :)

    TumugonBurahin
  4. 1. Mahirap ipinta ang ganda ng langit, nasubukan ko na, nagmukhang halloween.
    2. Dalawa ang aking reaksyon: galit at iyak. Pero nahihirapan akong mag-move on.
    3. Ang pagsusulat sa blog ay naging outlet ko na rin.
    4. Feeling ko friends ko sila pero hindi nila ako feel.
    5. To each his own, yan ang aking patnubay kaya wala akong paki sa mga sinasabi ng tao. Hindi naman ako nanglilimos at wala akong inaagrabyado.

    Yun lang, bow!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. halloween talaga :) saka ang nakakatuwa pa, araw araw iba iba ang ganda ng langit :)
      2. di rin talaga pare-parehas ang tao pagdating sa pag-move on... may mabagal may mabilis...
      3. korek! same here :)
      4. ok lng, basta feel mo hehe :)
      5. agree!

      Burahin
  5. -agree ako, maganda talaga ang clouds, ansarap pagmasdan (except sa mga panahong umuulan)

    -ilabas ang emosyon, tama! pantanggal stress ko rin ang pagkain ng madami at paliligo ng matagal.

    -ginamit ko ang pagsusulat para ilabas yun nararamdaman ko nun mga panahong *ehem* broken-hearted ako. sa writing kasi parang ang dali ibuhos lahat at oo nga, mas naintindihan ko ang magulong sarili ko

    -omaygas, galit ka sa mga feeling close? im out of here bago mo pa ko ingudnguod sa putikan! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha bakit di ka naman feeling close ah :) isa ka na sa mga friends ko dito sa blogger :) *assuming ako*

      Burahin
    2. aww, i'm so tats! thanks friend :)

      Burahin
    3. ayan marami na ko friends haha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...