Wag na Lang...



" I believe in responsible parenthood."


Nadismaya lang ako sa napanuod ko sa face to face... Lagi na lang kasing ganun ang mga problema. Mga pamilyang nag-aaway, mga "eskabeche" (kabit stories), pagtataksil, mga pabayang magulang, pakikiapid etc... na ang ending- napapabayaan ang kanilang mga anak. *sad*


Pero... di naman talaga ako sa programa nagrereklamo eh, nadismaya ako kasi ganito na ba talaga ang kalagayan ng mga pamilya ngayon?


1. Hay naku. Naniniwala ako na wala kang karapatang magkaroon ng pamilya kung sarili mo lang din naman ang iniisip mo. Kawawa naman ang mga anak.


2. Nakaka-disappoint lang  na kung sino pa yung matatanda na aasahan mong gagabay sayo eh mukhang sila pa ang dapat pangaralan.


3. Tatay ka nga... di mo naman minamahal ng lubusan ang iyong mga anak. Mas mahal mo pa ang alak... at ang makipaglaklakan sa mga katropa.


4. May mga nanay din na parang "accessory" lang ang mga anak. Pagkaluwal, bahala na sa buhay... mapakain sa hindi... maturuan man ng tamang asal o kabaluktutan.


5. Kaya siguro maraming bata ang mahirap maituwid... kasi ang mga magulang ay mas baluktot pa ang pag-iisip sa kanila.


6. Hindi naman sa naninisi... pero bakit kung sino pa yung sobrang mahihirap, sila pa yung maraming anak. Kaya ba nilang buhayin yun? Tapus magkakasakit dahil sa malnutrition... ang malungkot pa, mamamatay na lang. At hindi rin dahil mayaman ay may karapatan na ring magkaroon ng pamilya. Maraming mayaman na pera ang pinapakain sa mga anak... hindi ang pagmamahal. Di rin naman nadadaan sa materyal na bagay ang responsibilidad ng isang magulang... aanhin ng mga anak ang mga bagay na yun kung di naman nila nakakasama at nakakausap ang kanilang mga magulang.


7. Napakabigat ng gampanin ng magulang sa kanilang mga anak. Kung ang mga magulang ay pabaya, kawawa naman ang mga bata dahil baka buhay nila'y mapariwara... mapunta sa wala.


x-o-x-o-x

Hindi kasalanan ng mga batang palaboy ang mamalimos sa kalsada. Kasalanan yun ng kanilang mga magulang na wala sa sarili at hindi naman talaga handa sa pagiging mabuting magulang. Sa tingin ko, hangga't di nababago ang ganitong kalagayan, patuloy pa rin ang paghihirap ng marami sa atin.

Kaya sana... kung magiging pabaya, makasarili at walang pagpaplano... Wag na lang. Kawawa naman sila.

Mga Komento

  1. Tama, sobrang naawawa ako sa mga batang parang walang magulang na nasa daan lang. At naiinis ako dun sa mga nanay na sila pa nagtutulak sa anak na mamalimos. Kaya blessed ako with my parents..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. na-appreciate ko rin ng sobra ang mga magulang ko :)di naman kelangan maging perpekto, dapat ay responsable

      Burahin
  2. tomooo ... be responsible enough lng tlga .. ginawa kaya dapat pngtawann

    TumugonBurahin
  3. hahaha. naaaliw ako sa pes to pes kaso tama ka, nakakadismaya ang mga suliranins at problems ng mga pamilyang napipityur

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kaya nga eh, yung tipong sana nareresolve na lang nila yun bilang mag-anak

      Burahin
  4. super agree...kung hindi kayang pangatawanan, wag gawin in the first place. there are always consequences kaya dapat responsible tayo sa lahat ng decisions at actions natin. :)
    -VIC (blogwalking)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento