Scripted LIFE...
Kung ang buhay ko ay katulad ng isang script na naisulat ko noon para sa aming play nung high school, marahil ay marami akong gagawing pag-eedit. Yung tipong, aayusin ko ang lahat ng mangyayari mula umpisa hanggang ending. Siguro maisusulat ko na ang isang script ng perpektong buhay. Yung ang ending ay ang palasak na "and they lived happily ever after."
Pero ang lofty dream ko na ito ay di mangyayari kailanman. Nakatakda na talaga ang pagkabigo at tagumpay sa kahit sino man. Sabi ko nga eh, kung may panget man na script na naisulat sa buhay ko, meron pa rin namang chance para sa "turning point" ng kwento. Di naman kailangan na lahat ay mangyaring maganda... minsan we have to take the good things with the bad ones. Minsan talaga ang buhay ay puno ng drama, meron ding comedy, action o suspense... kahit ano pa yan... patuloy pa rin ang buhay. Tuloy pa rin ang ating pagganap sa script ng ating buhay, kung saan tayo ang super bida :) at ang nasa taas naman ang direktor at camera man.
Kaya paghusayan ang pagganap sa iyong buhay, bago pa isigaw ng direktor ang "cut! oh tapus na ang shooting! pack up na! :)
Komunikasyon...
Bakit ba minsan, kung sino pa ang iyong kapamilya, sila pa ang hirap kang kausapin... Bakit mas madaling pag-usapan ang ano mang bagay sa mga kaibigan kaysa sa nanay, tatay o mga kapatid... hmmmm.
Ganyan kami. Ang hirap din kapag di bukas ang communication sa pamilya. Puro pakiramdaman. Buti sana kung laging parehas ang aming interpretasyon sa nararamdaman ng bawat isa... paano kung hindi? Kaya madalas, di masyadong magkaintindihan. Parang mga pipi at bingi. Parang cold war lang din.
Kaya sa mga nagbabalak magkaroon ng family... tandaan, bukas na komunikasyon ay kailangan. Based on experience yan :) Kaya dapat sundin bago magsisi (todo payo lang? hehe).

x-o-x-o-x

Yes sir, tatandaan ko po ang mga payo nyo, lol
TumugonBurahinpayong panggulo lang yan :)
Burahin