PADYAK
-jep buendia-
Wala akong magagawa. Kailangan gising na ako bago pa sumikat ang araw. Kailangan kong magpadyak para sa kanila.
Ito na ang trabaho ko. Sa ganitong paraan ko na rin binuhay ang pamilya ko. Dapat akong kumita, kahit pa kaunti lang, dahil kung hindi... wala man lang akong iaabot na pambaon sa aking mga anak kahit limang piso lang. Yung may manguya man lang sila sa eskwelahan.
Mahirap... pero kailangan kong tiisin... ang puyat, pagod at init ng panahon. Lahat ng ito para sa kanila... sa aking pamilya.
Minsan nasisiraan na rin ako ng loob. Hindi lang kasi perang panustos ang pinoproblema ko. May sakit din na tuberculosis ang asawa ko. Sumasala na nga kami sa pagkain... gamot pa kaya ay mabibili pa namin? Naaawa na rin ako sa mga bata, baka kasi sila rin ay mahawa. Anu naman ang magagawa ko? Tanggap ko na sa sadyang mahirap lang kami dito sa mundo.
Minsan iniisip ko kung kakayanin ko pa ba... Kung sa bawat padyak ba ay matatapos din ang aming paghihirap? Mukhang hindi... malabo yang aking pinapangarap. Dinadaan na lang namin sa dasal ang aming kalagayan. Siguro naman di Niya kami pababayaan.
x-o-x-o-x
PAGPAG
-jep buendia-
Tuwing gabi o bago magdilim... inaabangan ko na yung paglabas ng cook sa isang restaurant. Hindi siya ang pakay ko kung hindi yung laman ng plastik na itinatapon niya sa tabing daan. Hahalungkatin ko yun... sayang eh. Baka meron pa kaming pakinabangan. Hindi naman talaga yon marumi... kaya ipinapagpag na lang namin.
Nung nakaraan nga eh halos buo pa ang manok na nakuha ko. Kinagatan lang nung kumain. Sayang kaya kinuha ko na rin. Kaunting hugas tapus iinitin... laman tiyan na rin. Okay na rin to kaysa wala akong mapakain sa mga anak ko. Lintik kasi ang aking asawa... di man lang makapag-trabaho.
Di bale nang galing sa basura ang kinakain namin... kaysa kumalam ang mga sikmura namin. Malay mo balang araw, makabibili na rin kami ng matinong pagkain.
Sa gawain naming ito, karibal pa namin ang mga daga at pusa. Para na rin kaming mga hayop na kumakain ng tira-tira. Nakikipag-agawan pa kami sa kanila. Hindi ko alam kung hanggang kailan ganito... basta ang alam ko, kailangan mapakain ko ang mga anak ko.
daming tricycle dito sa aming lugar...puwede ba tayo mag exchange link..add mo ako sa blog list mo..add din kita...sabihan mo ako kung ma add mo na ako...thanks..
TumugonBurahinsalamat sa pagbisita :)
BurahinSir, ilan po ba anak nyo? hehehe :)
TumugonBurahinmarami hahaha, ipamimigay ko na nga eh, gusto mo ba? *pusa?*
Burahinnakakbother ung pagpag nu
TumugonBurahinoo nga eh, grabe na ang kahirapan...
Burahin