Lumaktaw sa pangunahing content

Nag-Audition ako sa PBB :)

Home alone ang drama ng buhay tuwing sabado. Yung tipong, paggising ko ay nakaalis na ang mga kasama ko dito sa bahay at ako na naman ang maiiwan mag-isa... for the rest of the day. Ako lang naman kasi ang walang pasok kapag sabado.


1. Yung tipong wala kang makausap kundi ang tv at ang computer.


2. Kakain ka ng mag-isa habang nanunuod ng tv. Sya nga pala binubuksan ko maghapon ang tv namin may marinig lang ako na ingay :)


3. Haharap ka na lang sa salamin at kakausapin ang sarili.


4. Maglilinis ng bahay (kunwari) at maglalaba ng uniform.


5. Sarado ang mga bintana, nakababa ang mga kurtina. Wala akong nakikita mula sa labasan namin. Mala-bampira lang... ayaw maarawan :)


6. Nakahiga maghapon kasi nakakatamad ang mga moment na ganito. Mag-iisip nang mag-iisip... hanggang wala nang maisip.


7. Makikinig mula sa mga ingay sa labas (nakikitsismis lang). Maririnig ang mga murahan ng mga batang paslit na naglalaro na kaysarap buhusan ng mainit na tubig hehe (bad). Bata bata pa lutong na magmura tsk tsk.


8. Magkakape at lulunurin ang sarili sa softdrinks.


9. Ganito pala ang feeling ng isang bilanggo (reflection lol).


10. Paulit-ulit na ito... sana sa susunod na sabado ay makalaya na ako lol :)


x-o-x-o-x

PBB Audition...
Sakto nung araw na yun. Nasa MOA ako. Nagulat ako kasi napaka daming tao. Yun pala may audition para sa mga gustong maging housemates sa bahay ni kuya. Eh dahil nandun na rin naman ako, so mega pila na rin me :)

Nakaka-excite kasi napakadaming gustong maging housemates... super isip ako if makukuha ba ako o hindi. Pero sa loob ko ay OK lang naman kahit hindi, tutal napadaan lang naman ako.

Nakakakaba nung tinawag na yung batch namin. So mega tanong naman ang jury tungkol sa aming sarili. Yung isa ay tinanong ako kung bakit ako ang dapat na pumasok sa bahay ni kuya, at eto naman ang naging sagot ko:

"Hello po (paunang bati pa lol). Natutuwa po kasi ako sa mga reality shows, kaya naisipan ko ring sumali. Gusto kong malaman kung reality show nga ba ang Pinoy Big Brother (tapus pinutol nya yung pagsagot ko)...

Follow up question nung nagtanong: "Ah sandali lang ah, reality show naman talaga ito hindi ba?"

Tinarayan pa ako ng konti. So I continue my answer, sabi ko:

"Oo nga po reality show nga. Pero nitong nakaraang edition po kasi parang puro mga artistahin ang kinukuhang housemates ni Kuya. Naisip kong sumali kasi gustong kong malaman kung ako na di naman artistahin ay magkakaraoon ng chance na sumali sa PBB."

Tapus sabi niya: "Eh anu bang meron ka para kunin ka namin bilang housemate ni Kuya?"

Ang naging sagot ko ay:

"Hindi po loud ang personality ko. May pagka silent type. Baka hindi po ako mapakagpataas ng inyong rating kasi di naman ako OA at madrama ng sobra. Hindi rin artistahin ang look para tilian at abangan sa tv. Hindi ko rin kayang lumandi sa camera at magpa-cute. Ang kaya ko lang po ay ang maging ako. Totoo naman po ako eh, pwede na po ba yun sa isang reality show?"

At ang ending:

Sabi ng nag-interview, tatawagan na lang daw kami for the result.

Note: Hindi na talaga ako natawagan pa mula nung araw na yun. Siguro di talaga ako pumasa sa screening. Di bale na, OK lang talaga. Dahil ang totoo, gawa ko lang din naman ang kwentong ito :) lol. Epekto lang ito ng "home alone" tema ng buhay :) Kaysarap lang talagang mangarap :)

Mga Komento

  1. Hindi pala totoo pero binasa ko pa rin. Maganda ang mga sagot, hindi pang-PBB, pang Ms. Universe yata, lol!

    Kung monotonous ang Sabado, paano naman ang Linggo?

    Siyanga pala, salamat sa pagbati at pagdaan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. lakas ko lang makapag-feeling di ba? :) pag linggo naman ay medyo masaya kasi bumabalik na ako sa normal na routine, tuwing sabado lang talaga ang may sapi :) salamat din.

      Burahin
  2. gusto nila pbbteens.... malandi, maingay at eksenador. hahahaha

    gusto ko yung routine mo.... so tahimiks.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama :) dapat eksenador to da max para patok:) i love saturday din, it gives me time to think and reflect (weh?)

      Burahin
  3. Ay, asar much ka e no, kala ko totoo, haha! Kala ko makiki-hug kaw sa pbb teens, haha! Ay di ka na pala pasok sa teen edition, tanda mo na, charot!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha, feelingero lang much :) hindi naman ako sa pbb teens sasali eh, dun ako sa mature and green edition lol :)

      Burahin
  4. 1. Best friend mo sila sir? :P
    3. Best friend mo din sarili mo sir? hehe :)
    7. VERY BAAAAAAD.
    8. :)
    PBB Audition: Sayang sir, hindi ka nakuha. -.- Akala ko matututo na ung housemates ng Physics eh. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung sakali bang makapasok nga ako sa bahay ni kuya, magtuturo pa rin ba ako dun? :) hangsaklap, lalabas na lang ako haha :)

      Burahin
  5. pbb teens ? hehehe sayang di ka nakuha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sayang din dahil di naman talaga true ang audition ko :)

      Burahin
  6. at least you tried. pero sabi nila, ung mga pinapasok dyan eh selected na talaga. parang front lang yang auditions na yan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana makapasok talaga :) (ayaw magtigil sa ambisyon lol)

      Burahin
  7. Please lang... Big Brother is like the tip of the iceberg of a moronic culture. Read a book, kapag natapos mo, you're simply smarter than everyone else around you.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hanglalim mo talaga sir :) but you're right :) pahiram ng books :)

      Burahin
  8. haha,, langya ka jeff kala ko pa naman totoo, hehe lapit ko ng maubos basahin mga blogs mo hehe akalain mu yon dami mo ng entries pede ka nang magpublish ng libro parang si Lourde De Veyra lang hehe..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...