BAHA
-jep buendia-
Tuwang-tuwa si Marimar dahil baha na naman sa kanilang lugar. Yung kalsada sa labasan ay nagsilbing instant swimming pool ng mga bata.
"Hoy!!! Dali, bilisan niyo. Dito oh medyo malalim, makakalangoy tayo!" Damang-dama niya ang pag-iimbita, seasonal lang kasi ang mga ganitong eksena. Dali-dali namang nagsunuran ang mga kaanib niya.
Marimar: Betong, wag mo masyadong i-nganga yang bunganga mo!
Betong: *super saya sa paglangoy* Eh bakit ba? Di ako makahinga eh baka malunod ako! *sige pa rin ang pag-eexplain at paglantod ni betong sa tubig*
Nang biglang...
Betong: *eh nakanganga pa rin* Urk!!! *ubo-ubo*
Marimar: Oh anung nangyari sayo? *nilapitan si betong at tinapik ang likod nito*
Betong: May nalunok ako!!! *ubo-ubo pa rin*
Marimar: Ano yun? Iluwa mo dali! Nganga ka kasi eh :)
Betong: Nakita ko... kulay brown eh!!! *naiiyak*
Marimar: Yak!!! Tae yun Betong! Tae! Kadiri!
Betong: *umiiyak* Hindi... di yun tae, BUBOT na tsiko lang yun! *humahagulgol na... yari sa nanay*
At diyan nagtatapos ang adventure ni Marimar at Betong. Di ko na kinaya ang mga sumunod na eksena :) SPG. Di dapat tularan.
x-o-x-o-x
Panuto: Kumuha ng papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalaga na hindi ngumanga kapag naglalantod sa tubig baha?
2. Naniniwala ka ba na bubot na tsiko lang ang nalunok ni Betong?
3. Masama ba o mabuti ang idudulot ng bagay na nalunok niya? Ipaliwanag.
4. Maliligo ka rin ba sa baha? Kung oo, anu ang dapat mong gawin para hindi matulad kay Betong?
5. At panghuli, mabuti bang kaibigan si Marimar? Kung ikaw si Betong... gugustuhin mo ba?
Dito ko na lang sasagutan, wala po akong papel eh. :D
TumugonBurahin1. Kasi baka kung anu-ano ang malunok nating mga "organisms" :)
2. Maybe. :P
3. Depende sa kung anong bagay / substance / organism / molecule na nalunok niya. hehehe
4. NEVER akong naligo / maliligo sa baha.
5. Para sa akin, ummm.................. ewan. :D
2 points each? :D
1. check!
Burahin2. ekis *dapat ay konkretong sagot*
3. check!
4. check!
5. ekis *malabo ang kasagutan*
score: 3/5
pasado pa rin haha :)
1. hindi kasi potable yun. malaki ang chance na may tumalsik na masamang tubig.
TumugonBurahin2. hindi. tae yun.
3. masama. kasi nga tae yun. at sa pagkakaalam ko, hindi edible ang tae.
4. hindi. kaya hindi ako matutulad kay betong.
5. oo. dahil nagsasabi sya ng totoo. tapat siyang kaibigan.
1. check!
Burahin2. check!
3. check!
4. check!
5. ekis *hindi kumpleto ang sagot, balikan ang tanong*
score: 4/5
mahusay :)
ay kelangan ng papel? wag na sayang ang puno.. haha!
TumugonBurahinkadireeeeeeeeeeee! yun lang reaksyon ko. hihi!
anu yung bubot na tsiko?
haha yaki ba? o yum yum yum? lol :)
Burahinbubot means maliit :)
1-5. eeeewwwww.....haha!
TumugonBurahinhahaha :) walang sagot? di nakeri? :)
Burahinhindi ko talaga kinaya..may mga nakita din akong nagsswimming sa napakaitim na baha noong nakaraang bagyo..enjoy na enjoy sila.. nadidiri ako at the same time naaawa sa kanila at minumura sa isip ko ang mga magulang ng mga batang yun...haaay naha-highblood ako pag naaalala ko..
Burahinrelax lang haha, hayaan mo kasi dahil dun ay lalakas ang kanilang resistensya at mai-immune sa mga bacteria :) *i do hope* :)
BurahinHahaha, teacher na teacher ang peg today, namiss mo ata mga students mo dahil 2 days walang pasok.. Bet ko sana mangopya ng mga tamang sagot kasi may leakage na, pero wag na lang.. Kadiri ang baha..
TumugonBurahinoo, nakakamiss din pala ang kinaiinisan mong gawin hahaha joke :)
Burahintama, sobrang dungis nga ng baha... hay...
1.ewan ko di pa ko nakakalangoy sa baha peo di dpt numanga haha
TumugonBurahin2.hindi
3.hindi syemperds
4.hindi, wag ngumanga
5.kung kasing ganda ba sya ni marian eeh
1. ekis *di direktang sinagot ang tanong*
Burahin2. check!
3. ekis *walang rason*
4. check!
5. ekis *di kumpleto ang sagot, balikan ang tanong*
score: 2/5
mag-aral pang mabuti, kaya mo yan :)