Isang Araw sa Buhay ni Lukresya



LUKRESYA
-jep buendia-

"Hoy! Lukresyang baluga, maligo ka naman nang pumuti ka!" pasigaw na panlalait ng isang batang iskwater kay Lukresya, walang humpay na tawanan at panlilibak na naman ang kanyang naranasan mula sa mga kalaro niya.

Hindi napigil ni Lukresya ang sarili. Di niya napigilan ang galit. Kahit maliit ang pangangatawan, sumugod pa rin siya, tulad ni Taguro ginamit niya ang kanyang 100 porsyentong lakas at nakipagbuno sa mga kaaway. Ang ending, dahil feeling malakas si Lukresya, ayun lupaypay at may black eye :) Gula-gulanit ang damit... daig pa ang nahalay lol.  Wala siyang magawa... kundi ang umuwi sa Ina.

Lukresya: Ina, bakit ba inaasar nila akong baluga?
Ina: Di pa ba obvious anak? Isa kang negra! Itim ang iyong kulay, loka loka ka talaga! Alam mo namang totoo eh bakit ba pinatulan mo pa sila? Kita mo nangyari sayo!
Lukresya: Pero Ina, gumagamit na ako ng papaya? Di pa ba yun sapat?
Ina: Masyado kang naniniwala sa mga komersyal... Kahit kayasin mo yang balat mo, itim pa rin ang kulay mo hahahaha!
Lukresya: Ang sakit naman ng sinabi mo Ina. Eh sayo lang din naman ako nagmana.
Ina: Kaya nga, tanggapin mo na ang katotohanan. Loka ka talaga! Maging proud ka sa kulay natin, kaunti lang tayong mga itim. Halika ka nga gamutin natin yang mga sugat mo... basagulera!

At pinunasan at ginamot nga ng Ina ni Lukresya ang kanyang mga sugat... pero...

Lukresya: Ina... matanong ko lang, anu ba yang pinapahid mo sa mga sugat ko?
Ina: Betadine!!! Ano pa ba?
Lukresya: Eh bakit iba ang amoy... amoy... ano eh...

At inamoy ng Ina ni Lukresya ang likidong kanyang pinapahid sa mga sugat ng anak... at...

Ina: Hahahahahahaha! Naku... pasensya ka na anak, kala ko betadine, TOYO pala! :) O sya maligo ka na lang nga muna hahahahahahaha!!!! Pasensya na, loka rin tong nanay mo eh :) Lam mo na mana mana lang yan :)

*isang araw na naman ang lumipas sa buhay ni Lukresya at ng loka niyang Ina*

x-o-x-o-x

1. Wala na naman sa katinuan ang isip ko :)
2. Wala rin kaming pasok ngayon. Bukas kaya?
3. Wala ring mabuting naidulot ang bagyong Gener... kundi baha.
4. Wala bang pasok bukas dahil sa baha?
5. Sana wala. Kasi nga baha :)

Mga Komento

  1. 1. As always. Hahaha :D (joke)
    2. Sana meron.
    3. Meron bang bagyong maganda ang naidudulot? :P
    4. Sana meron. :)
    5. Sana meron. :)
    hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. may oras din namang matino :)
      2. wag kumontra
      3. meron, masaya ang mga batang ayaw pumasok sa eskwela :)
      4. wag ulit kumontra, ayoko lumusong haha
      5. come what may :)

      Burahin
  2. 1. ok lang yan hindi ka nagiisang wala sa katinuan
    3. at marami na nmang nakabuo ng bata
    2,4,5.hindi na umuulan malamang may pasok na bukas yes! :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. lam ko talaga kasapi rin kita :)
      3. korek
      2,4,5. walang ulan pero baha dito, kaya nag-announce na ng suspension :)

      Burahin
  3. Baha ba??hahaha..

    Kawawa naman si lukresya, buti na lang lukaret din ang sense of humor ni mudra..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento