Fireworks... again?
Tamang badtrip lang yung mga kawad ng kuryente dito sa may poste namin. Sabado at linggo nag-ala fireworks na naman ang mga kable. Yung tipong tinatapos ko yung syllabus na kailangan ko na ipasa, tapus saka pa nawalan ng kuryente... ang ending, di pa ako nakapagsubmit, eh lunes ang deadline. Aray :(
Akala ko rin ay papasok ako ngayon na gusot ang uniform. Salamat na lang sa mga taga-meralco... alas onse ng gabi nagkailaw na ulit... yun lang eh nagplantsa pa ako ng gusutin kong uniform hanggang 1:00 AM. Napuyat ako dahil sa fireworks na yan. Yung totoo... aminin na yan... uso na naman ang mga "jumper baby" :)
I have learned...
In my 23 years of existence (Venus Raj ulit ang peg?), natutunan ko na:
1. I have to choose my battles.
Pang artista lang ang tag-line? Eh sa kanila ko rin naman talaga nakuha ang linya na yan. Natutunan ko na wag patulan ang kung anu-anong mga bagay sa aking buhay. Minsan kailangan lang natin piliin kung alin sa mga iyon ang dapat nating labanan, bigyan ng paliwanag, sugurin, awayin, patayin lol. Basta wag lahat. Kasi nakaka-haggard pumatol sa mga wala namang kabuluhang bagay. Stay fresh, cool at relax ika nga :)
2. Intindihin rin ang sarili.
Alam mo kasi, isinabuhay ko talaga ang pilosopiya na "kung sino ang nakakaintindi, siya ang dapat na magparaya." Pinaniwalaan ko yan since high school. Yun nga lang, sa sobrang maintindihin ko, lagi kong natatagpuan ang sarili ko na nagpaparaya. Yung tipong pilit kong inintindi ang kalagayan at buhay ng iba... hanggang sa ang sarili ko naman ang siyang di ko na maintindihan. In other words, napagod na rin ako sa ganung sistema. Kaya ngayon, di naman sa pagdadamot, sarili ko muna, at tutulong pa rin naman ako sa iba.
3. Live your life.
Ayoko na rin na pinangungunahan ako ng iba sa buhay ko. At wala na rin akong masyado pang pakialam sa sasabihin ng iba sa akin. Kahit kailan, di ko talaga kayang makipagsabayan sa pangangalkal ng baho ng iba, mapatunayan mo lang ang iyong sarili. Di ganun ang kinalakihan ko. Natuto akong humanga sa natatanging karakter o talento na meron ang isang tao... ang hindi ko kayang gawin ay ang makipaglibakan ng todo. Wala naman talagang pinakamahusay, magaling o pinakamatalino. Kanya-kanyang level lang yan. Di ko na pipigilan pa ang sarili ko na maging masaya. Ang kahulugan ko ng "masayang buhay" at "matagumpay na buhay" ay maaaring di kahalintulad sa iba... kaya please lang, lubayan ninyo ako ng sarili ninyong paniniwala. Meron din ako, try mo :)

love the post! magaling!
TumugonBurahinsalamat :) naka-relate lang ba?
BurahinStay fresh..
TumugonBurahinLove your own..
And mind your own business(para sa mga insekta ng buhay!)
Good morning po.. ay, mas matanda pala ako sayo, lol
tama ka dyan ate! (oha kung maka-ate kala mo kapatid hehe)
BurahinButi ka pa natutunan mo na ang mga yan at 23. Ako hanggang ngayong struggling (parang starlet). God bless!
TumugonBurahinhayaan nyo po, magiging super star din kayo :) (nora aunor lang? hehe)
Burahin