Mga Pahina

Linggo, Hulyo 22, 2012

Nagugutom Ako

"I am always preoccupied by the idea that life can offer more than what I have right now."


Don't get me wrong... (haha, natatawa ako pag nag-eenglish tama na nga ang sapi na ito...)


Yun nga. Hindi naman sa naghahangad ako ng mas marami pa. Ang ibig kong sabihin, napakarami pang bagay ang gusto kong gawin, matutunan, ma-experience, ma-explore, makilala, makausap, mabigo o mapagtagumpayan. Maraming marami pa.


Lagi na lang yan ang nasa isip ko. Kainis. At mas lalo ko pa yang iniisip kapag kinabukasan ay alam ko na kung anu-ano ang mangyayari sa akin... Lam mo naman, I'm trap in a paulit-ulit routine life... na ayoko talaga.




Ayoko ng napaka-predictable na buhay. Parang isang pelikula lang na wala man lang thrill, suspense at kung anu-ano pang element of surprise... yung tipong ayoko ng plain rice... gusto ko ng over, exotic, super natural organic fried rice lol :)


Basta. Habang tumatagal mas lalo lang akong nagugutom sa buhay na gusto ko. Hindi ako naghahangad na maging mayaman o maging sosyal ang pamumuhay. Hindi iyon. Ang gusto ko ay magkaroon ng higit pang kabuluhan at saysay ang bawat segundo, milisecond at nanosecond ng buhay ko... para anumang oras, kapag kinuha na ako sa langit (sure? sa langit talaga? haha) ay hindi na ako magdadalawang isip pa o hihingi ng "pwede pa-extend pa?"


Ganun. Mula nung magkaisip ako (weh?) yan na talaga ang sapi ko. Dati parang natatakam lang ako... tapus parang gusto ko na... tapus ngayon super gutom na (kaya ikakain ko na lang to haha)... Basta ulit.


"I want more and more... I want more."

x-o-x-o-x

8 komento:

  1. Mga Tugon
    1. tama :) literal na ikinain ko na lang ang emote na yan :)

      Burahin
  2. Naka-relate ako! Kasi 6 years na rin na routine buhay ko.. na-spice up lang ng mga gala ko, haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako nakakalimut lang sa ganyang ideya dahil sa sayang dulot ng barkada :) basta gusto ko ng hapi at fulfilled life :)

      Burahin
  3. Siya, ng maiba, libre kita ng lunch or dinner.

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...