Mga Pahina

Linggo, Hulyo 29, 2012

Emo Rain Again



ULAN
-jep buendia-

Bakit ba
bigla ka na lang nawala?
Akala ko ba
di mo na ako iiwan?
Heto ako ngayon
nag-iisa...
Lumuluha
kasabay ng buhos ng ulan.





1. Hanglamig naman. Nakakaantok. Sarap matulog :)
2. Ang lakas ng ulan... aabot kaya 'to hanggang bukas? *para walang pasok haha*
3. Nagmasipag ako kanina. Ang dami kong tsinekan at nirekord. In other words, pinarusahan ko na naman ang sarili ko dahil sa aking kaunting katamaran :) Pero oks lang, nag-enjoy naman ako *ang weird nga eh* samantalang yun ang pinakaayaw kong gawin.
4. Ganun pa rin ang sabado... tulala moment *meditation time*
5. Sana may chatbox din dito sa blogosphere katulad sa fb :)
6. Marami na naman akong binabalak... na hindi naman talaga matutupad.
7. Ewan ko kung bakit naghahanap ako ng mentor... *protege?*
8. Sana may mabasa pa akong libro. Di na ako nakakabili eh.
9. May magpasaya kaya sa akin bukas? :)
10. Gusto ko ng makakausap. Yung matino haha :) *di tulad kong loko* (kunwari)

6 (na) komento:

  1. ako pwede mong makausap..di nga lang matino hehehe..

    TumugonBurahin
  2. Yay hello! Salamat sa pagdalaw sa blog ah.. Simulan mo na planuhin ang mga gusto mong gawin! Believe and have faith.. :) Matutupad mo yan! :)

    TumugonBurahin
  3. katakot ung weather dito samin nung sunday grabe

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...