Super Bday! :)


Isang taon na naman
ang nadagdag.
Dalawampu't tatlong taon na
akong nabubuhay.

-jepbuendia

x-o-x-o-x

1. Iba na ang birthday kapag tumatanda kana, di na masyadong excited (totoo yan). Yung tipong iisipin ko na lang kung ano ba ang mangyayari sa akin buong araw... espesyal man o hindi, oks lang :) Pero yung nangyari kahapon, super saya at memorable talaga :)

2. Iba rin ang birthday kapag tumapat ng first friday mass :) Yung tipong may misa sa school at mega announce na bday ko kahapon :) (july 6). So lahat ay informed, parang suspension lang ng klase.

3. Parang holiday lang ang naramdaman ko :) Yung totoo ayoko na lumabas ng faculty dahil sa bawat student na makakasalubong ko ay walang humpay na "happy birthday" ang bati :) Syempre mega "thank you" naman ako :) Trending ang hapi bday na pagbati sa mga tenga ko mula umaga hanggang gabi :) At super kanta ng hapi bday song sa bawat klase na papasukan ko :) Ang ending, pagkatapos kumanta, ay hihingi ang mga students ng free time, pero dahil bday ko, tuloy pa rin ang lesson lol (basag trip).

4. Kahapon ko naramdaman na bday ko talaga buong araw :) Magmula sa misa sa umaga na tinapos ng birthday song na pakana ni sister :) Hanggang sa mga surpresa ng advisory class :) Super saya lang talaga :)

5. Yung tipong pagbalik namin sa faculty after ng mass eh napuno na ng mga messages ang locker ko :)

6. At paglabas ko ng lunch ay may tugtog pa ng drum and lyre na dumadagundong sa katanghaliang tapat...

7. Party party talaga pagdating ko sa aking mga anak-anakan :) Yung tipong dedma na kung naiingayan man yung ibang klase, basta kami masaya hehe :) May mga handog pang performances at pasabog ng mga pick up lines :) boom!

8. Natapos ang araw ko kasama ang dabarkads kong mga kaguro :) Kahit di na kami magkakasama ngayon sa iisang school, masaya pa rin kaming nagkikita with food trip, kwentuhan at tawanan to da max :)

9. Di ko alam kung pano idedetalye ang mga naganap kahapon, basta ang alam ko lang, naramdaman ko talaga na bday ko buong araw, at di lang ako ang naging masaya, kundi pati na rin ang lahat ng naki-celebrate sa pagiging tao ko dito sa mundo :)

10. Hangsaya-saya talaga :) Nakaka-high din pala ang super kasiyahan :)

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento